Chapter 1: First kiss - Cassandra

1591 Words
Nakangiti kong inihakbang ang mga paa ko kasunod ng mga ilang brides maid din na naglalakad papasok ng simbahan. Kasal ngayon ng kuya Francis ko sa long time fiance nitong si Jean, na isang sikat na model. Pasimple kong Iginala ang paningin sa paligid, maganda ang pagkakaayos ng simbahan. Sobrang perfect nang combination ng white rose at lavender na siyang palamuti sa paligid. Ito rin kasi ang paboritong bulaklak at kulay ng fiance ni kuya. Isang kilalang Event Coordinator pa ang kinuha nila upang makasigurong magiging maayos ang lahat at naayon sa gusto at plano nila. Dahil hindi rin naman mga simpleng tao lang ang narito. Mga taong may pangalan at sinasabi sa buhay. Mga kilalang negosyante, politiko at kilalang personalidad sa tv, radyo at mga magazine. Kung hindi ko nga lang kapatid ang kinakasal ay baka kanina pa ako wala dito. I feel I'm not belong, hindi ako sanay sa mga ganitong gathering at mas gusto ko pang magkulong na lang sa kwarto ko kesa makipagplastikan sa mga taong narito. And pretending na close kami but truth is I have no idea about them. Natigilan ako sa pag iisip nang maramdaman ang kakaibang pakiramdam. Na para bang may mga matang nakatingin sa akin. Nabaling ang paningin ko sa unahan, kung saan nakatayo si kuya. Hanggang mapalipat ang mga mata ko sa katabi nito. Napakunot noo ako nang magtagpo ang mga mata namin ng lalaking nakatayo sa tabi niya. Matiim itong nakatingin sa akin na may kakaibang ngiti sa labi. Nakakailang ang paraan ng pagtitig nito kaya tiningnan ko siya ng masama at inirapan. Ngunit ngisi lang ang isinukli nito, na lalo namang nagpainis sa akin. Masisira nanaman ang araw ko dahil sa bwisit na bestfriend ng kuya ko! Yes, po! I know him... Siya lang naman ang feeling pogi at sobrang aroganting bestfriend ng kuya ko! Hays! At sa dami ng mga babaeng nandito ako pa talaga ang napili niyang pagtripan, huh! Sa isip ko. Nang malapit na ako sa gawi nila ay benilatan ko ang lalaki sabay irap dito. Nakita ko pa ang pagkunot ng noo ni kuya at pagbaling ng tingin sa katabi. Habang narinig ko naman ang malakas na tawa ng lalaki. Animo'y walang pakialam sa paligid kung makalikha man siya ng ingay. Tsk! Kakainis talaga! "Abnormal!" Mahina kong saad. Isang sulyap pa ang ginawa ko sa gawi nila at nakita kong nakatingin pa rin ito sa akin na may malaking ngiti sa labi. Nakalitaw pa ang mapuputi at pantay pantay nitong mga ngipin. Wow! Pang model ng toothpaste! Ayos sana eh, manyak lang. Ani ko sa isip. at umupo na sa nakalaang pwesto ko katabi ang ilang sponsors sa kasal at itinuon ang paningin sa unahan. "Jean Garcia , do you take Francis Paul Delrio, to be your wedded husband, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, as long as you both shall live?" Narinig kong tanong ng pari kay ate Jean na agad namang sinagot ng huli. Masaya ako para sa kanila, para kay kuya na finally he marry the woman he love. Ang long distance relationship nila is finally over. Wala namang problema sa ugali ng hipag to be ko. Dahil sa kabila ng pagiging sikat niya ay nanatili pa rin ang pagiging hamble nito. Madali itong pakibagayan kaya marahil marami itong kaibigan. "You may now kiss your bride! " Masayang saad ng pari to end up the ceremony. Kasabay ng paglapat ng mga labi ng bagong kasal ay ang hiyawan at palakpakan ng mga taong naroon na naki celebrate sa pinaka special na araw nila. Pagkatapos nang picture taking ng mga family membe ay mga friends at mga sponsors naman sa kasal ang sumunod. Kinuha ko itong pagkakataon na maka'agwat sa kanila to take a fresh air. Iginala ko ang paningin sa paligid, baka sakaling may kakilala ako na narito. May mga pamilyar ang mukha pero hindi ko naman close. I just meet them at my moms party noon kaya hanggang ngitian at tanguan lang kami. Iniwasan ko nalang na mapatingin sa gawi ng manyak na iyon kasi masisira lang ang magandang araw ko. Ngunit natigil ang pagmamasid ko sa paligid nang mapako ang paningin ko sa isang babae na umiiyak... Medyo malayo ang kinaroroonan nito at natatakpan rin ng ilang taong naroon. Umiiyak ito habang nakatuon ang paningin sa unahan kung nasaan si kuya. Kunot noo ko itong tinitigan. Kasal po ito miss hindi po lamay! gusto ko sanang sabi ko sa babae. Kilala ba niya ang kuya ko? Sa ayos ng babae ay mukhang hindi ito nabibilang sa mga bisita. Simple lang ang ayos niya, medyo nerd type dahil sa suot nitong salamin pero outstanding ang beauty... maagap ko siyang sinundan ng Makita kong papaalis na ito. Nakita ko ang pagpasok niya sa isang pintuan, kaya ganon din ang ginawa ko. Isang mahabang hall way ang bumungad sa akin. Natanaw ko pa ang paglakad niya kaya napagmasdan ko ang katawan nito. Hell! This woman is pregnant! Akma ko na sana siyang tatawagin at susundan nang matanaw ko na siyang papaliko sa isa pang pasilyo. Ngunit ganon na lamang ang pagkagulat ko nang may kamay na humila sa bewang ko, at pinihit ako paharap sa kanya. "s**t! " Malakas na mura ko. And the next thing I know is... magkalapat na ang mga labi namin. God! This man is kissing me! Nanlalaki ang mga mata ko nang nakilala ito... Shit! Yong manyak na bestfriend ng kuya ko.. He kiss me soft and full of tender. May kakaibang init na nabubuhay sa loob ko, na nagugustuhan ng katawan ko. I let him kiss me. Pakiramdam ko ay nangangapal ang mga labi ko na animo tinurukan ng pangpamanhid. Dama ko ang panunuot ng lamig sa aking likuran na nagmumula sa pader nang isandal niya ako dito. Nagmistulan lang akong manika na de susi na naging sunod sunuran sa mga kilos nito. s**t! First kiss ko to! Sigaw ng utak ko. Gaano man tumututol ang utak ko ay ayaw naman makisama ng katawan ko. Patuloy lang niyang nilalasap ang kakaibang pakiramdam na hatid ng labi nito. Bahagya ko pang naipikit ang mga mata ko upang mas madama pa ang sarap ng paghalik niya. Damn! You self! Mura ko sa sarili. Ang kaninang banayad at dampi dampi lang na halik nito ay naging mapusok at mapaghanap, kasabay nagpaglikot ng dalawang kamay nito na mula sa kanyang bewang ay humaplos pababa sa kanyang pang upo. Sa gulat niya ay napaawang ang labi niya na naging dahilan para mas mapalalim pa nito ang paghalik sa kanya. Pati ang ang mga dila nito ay nagmistulang mga bulate na nakulong sa bote na naghahanap ng malalabasan. Halos lahat ng parte ng bibig niya ay nagalugad na nito. Pati ang dila niya ay hindi rin pinalampas ng lalaki na para bang isang masarap na kendi na sinisipsip nito. God! Bring back myself please! Usal ng isip niya. Dahil sa mga nangyayari para na siyang nawawala sa sarili. Hindi lang pala ito manyak! magnanakaw na din.. Ang gwapo pa naman sana, may pagka kriminal pala. Gusto niya tuloy batukan ang sarili sa mga naiisip. Ngunit ganon na lamang ang pagkagulat niya ng maramdaman ang pagpisil nito sa pang upo niya.. Shit! May paghawak na nga may pagpisil pa. Sa inis ko ay buong lakas ko siyang itinulak. Nang biglang nagliwanag ang utak ko! na para bang binuhusan ako ng malamig na tubig kaya biglang nagising. Sino ba siya sa akala niya para halikan ako at lamasin ang pwet ko? s**t! Wala pa nga akong boyfriend pero nakafirst base na agad sa kanya ang lalaking ito. Dahil sa malaking tao siya ay hindi man lang natinag sa pagkakatulak ko. Ngunit naging dahilan ito para matigilan siya at maang na napatingin sa akin. Iniangat ko ang kanang kamay sabay pakawala ng super sampal power ko. Bumakas sa mukha nito ang pagkagulat ngunit sadyang matibay talaga ang mukha niya na parang balewala lang ang natanggap nito. Nagawa pa nitong titigan ako at ngumiti ng nakakaloko. "Alam mo hindi ka lang pala manyak magnanakaw ka pa, how dare you to take my first kiss? " Galit na saad ko dito.Tumawa lang ito ng malakas at hinawakan pa ang labi ko gamit ang hinlalaki nito. "Sorry babe, but your lips is very tempting! " Sagot nito habang may ngisi sa labi. Ang bastos talaga ng lalaking ito. "Manyak! " Itinulak ko ulit ito sa kanyang dibdib at mabilis na lumayo dito. Lakad takbo ang ginawa ko at hindi na lumingon sa gawi nito. Sinundan ko na lang ang pasilyong dinaanan ng babaing sinusundan ko kanina. Kahit imposible ay nagbabakasakali pa rin ako na maabutan ito. Good thing na exit na pala ang dulo nito, na parteng likod ng simbahan. Ngunit ni anino ng babae ay hindi ko na nakita sa labas. Agad akong nakapara ng taxi dahil along the highway lang ito, at marami ang dumadaan na sasakyan. I decided to go home nawalan na ako ng ganang magtuloy pa sa reception. Baka makita ko na naman ang manyak na yon at magsecond round pa. Napapailing na lang ako sa naisip habang nagtitipa ng message para kay Mommy na umuwi na ako dahil biglang sumama ang pakiramdam ko. Bwisit kasing manyak na yon! Pero ang totoo Cassy! Na enjoy mo rin naman ang first kiss mo diba?.. Marahas akong napailing para mawaglit sa isip ko ang nakakainis na bagay na yon. No! It can't be! Shiiiit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD