Hallie Pov
"uyy hallie hanap ka ni thyron.."sulpot ni alexa
"bat nya daw ako hinahanap??" tanong ko habang hindi sya tinitignan
"aba malay ko sayo ikaw tong hinahabol eh...baka kasi ginayuma mo at nagkagusto sayo" pang uuyam nito
"sira ulo kaba bat ako manggagayuma!??"
"anu ka ba bat ba nagpapabebe ka pa dyan palay na ang lumalapit iiwasan mo pa ba?"ani nito
"naku alexa tigil tigilan mo ako at nagrereview ako for last semester exam next week oh!"ani ko sabay pakita ng libro about sa exam
"uyy nerd na pabebe paheram ako para naman magkaron ng laman tong utak ko"sabi nito sabay hablot ng libro
wala ng nag salita saming dalawa at nag tuloy nalang sa pagrereview
si alexa ay bestfriend ko since grade 5 hindi nya ako iniwan kahit sa ibang school sya gustong pagaralin ng mommy nya nung high school at magkacollege sya at ngayong mag gagraduate na kami ay balak nya ring sumama sa akin in canada
pupunta akong canada pag graduate ko dahil aasikasuhin ko ang naiwan ni daddy na mga company
"anyway bat nga pala hindi mo pa sinasagot si thyron?? its been 4years pero hindi parin sya nagsasawang antayin ang sagot mo sa kanyang oo kahit ilang beses mo narin syang binusted....at isa pa he is a perfect guy who always there for you so ano pang inaarte arte mo?"biglang tanong nanaman nito
"pwede bang magpokus ka na lang dyan dahil puro thyron na lang ang bukang bibig mo"
"pwede din bang magpakatotoo ka sa sarili mo at wag ng pabebe dahil kapag nawala pa sya sayo isa ka na sa mga maswerteng malas dahil pinakawalan mo sya"ani nito na nakapag patahimik sakin
hindi narin naman ito umimik at nag review na lang ulit pero ako naman ang destracted
si thyron ay manliligaw ko...its been 4 years ng ligawan nya ako.ilang beses ko na syang binusted,pinagtabuyan,at pinahiya sa harap ng iba kahit pa isa syang heartrob dito at ako ang nerd na inaayawan ng lahat dahil sa ginawa ko sa kanya at dahil nga isa syang heartrob ay isa rin syang ultimate playboy dito. madami na syang pinaiyak kaya hindi ko sya sinasagot dahil alam kong idadagdag nya lang ako sa mga napaiyak nya pero its been 4 years na rin simula ng tumigil sya sa pagiging playboy nya at kahit ang mga bisyo nya ay itinigil nya narin
si thyron din ang nakasama ko in 4 years simula ng mamatay si mommy at ng lumayas si daddy. sya ang palaging nasa tabi ko kapag masama ang pakiramdam ko o kaya ay kapag kailangan ko ng makakausap at dahil sa pagiging mabait at gentle man nya sakin ay unti unti na akong nahulog sa kanya pero sinusubukan kong pigilan dahil ayokong magkaron ng hadlang habang nag aaral pa ako pero balak ko syang sagutin after gruaduation
**BELL IS RINGING!!**
"tara na...." yaya sakin ni alexa na mabilis na nag ligpit ng gamit
"tara....." sabi ko ng makagligpit ako
nag lalakad na kami sa hallway papunta sa sunod naming klase ng matanaw ko si aiden sa di kalayuan at tatawagin ko na sana sya ng biglang
"Hallie!!" may tumawag sakin
"thyron ikaw pala" bati ko habang naka tingin sa gawi ni aiden
"kanina pa kita hinahanap san kaba galing??" sabi nito sabay yakap
wala naman akong nagawa at hinayaan na lamang sya dahil ang alam ko lang ngayon ay namumula ako at nabato
matapos nya akong yakapin ay kinuha nya ang kamay ko at pinasabay sa kanya maglakad hindi ko maintindihan kung anong meron sa tyan ko na parang binubuhol na ewan
'natatae ata ako'
"huyy natameme ka ata??" bulong ni alexa sa kaliwa ko
"a-ahhh t-thyron m-may sunod k-kaming klase k-kaya di ako m-makakasam-ma s-sayo" utal kong saad habang sinusubukang tanggalin ang kamay nya ng dahan dahan pero lalo nya pa yung hinigpitan at kinabig kaya napalapit ako sa kanya
"alam ko.....gusto lang naman kitang ihatid, bawal ba??" tanong nya na diretsong nakatingin saking mata at bago ngumiti ng sobrang tamis dahilan para mapaiwas ako ng tingin at muling mamula
'pwede bang isangtabe mo muna yang kasweetan mo thyron??...please wag muna ngayonnn.....kinikilig ako eh'
nagpabebe ako sa isipan ko ng hindi ako makatingin sa kanya at nakayuko lang
"tara na..." pumauna sya sa paglalakad sa hallway na hawak ang kamay ko
nahihiya man ako ay masarap din sa pakiramdam pero may part sakin na nanghihinayang kapag naiisip kong hindi ko pa sya sinasagot at wala pang kame pero meron din sa part ko na kinikilig dahil napaka sweet nya na sakin kahit wala pang kami at iniisip na baka gumrabe pa kapag kami na...
lumipas ang mga oras ay hindi sya umatend sa klase nya kahit hanggang sa matapos ang klase ay nasa tabi ko lang sya at kagaya ng araw araw nyang ginagawa ay nag-i-stay sya sa tabi ko at inaaral ang mga pinag aaralan ko kahit hindi yun ang course na kinuha nya habang walang sawang naka hawak sa kamay ko kahit pinagpapawisan na
lumipas ang isang linggo at last semester exam na at next week ay graduation na. sobra ang ecxite na naramdaman ko hindi dahil sa malapit ko ng makuha ang titulong validictorian kundi dahil malapit ko ng sagutin si thyron at hindi na ako makapaghintay
sa isang linggong lumipas ay hindi nya ako hinahayaang mawala sa paningin nya at kahit sa cr ng mga babae ay hindi nya ako nilulubayan pumapasok sya dun at pumupwesto sa harap ng pintuan ng cubicle na pinasukan ko at maghihintay na katukin ko sya para pag buksan ako
wala namang babaeng nagrereklamo dahil sahalip na magreklamo ay parang tuwang tuwa pa silang nanduon ang isang thyron Erquiza
"hallie...ano sa tingin mo ang resulta ng exam ko?? pasado ba o bagsak??" paulit ulit na tanong ni aiden habang nag lalakad kami pababa ng matapos namin ang exam
"ikaw nag exam tapos ako tatanungin mo...wag ka kasing masyadong negatibo dyan, team possitive kaya tayo.....alam mo bang isa ka sa mga ginawa kong inspirasyon para makuha ko ang titulong valedectori-"
"sinu ulit yung naging inspiration mo!?" madilim ang mukhang tanong ni thyron
"si aiden....b-bakit?" sagot ko nagulat pa ako ng bigla nyang bitawan ang kamay ko at pumaunang maglakad bigla naman akong siniko ni alexa at sumenyas na sundan ko na agad ko rin namang ginawa
"uyyy sandali....." tawag ko sa kanya sabay hablot sa baraso nya "pakinggan mo muna ako..." sabi ko ng pabuntong hininga syang humarap sakin at hindi naman nag salita
"ang ibig kong sabihin ay bilang katunggali nya ay ginawa ko syang inspirasyon para lalo ko pang galingan at at makuha ang pagiging valedictorian at hindi mag patalo sa kanya pero hindi ibig sabihin nun ay sya na ang pinaka inspirasyon ko...." paliwanag ko "at ginawa ko lang rin dahilan yun para palakasin ang loob nya kasi kaibigan ko sya alam mo naman yun diba....at saaming tatlo sya ang may pinakamahinang loob kahit na kaya nya ay kakabahan parin sya....." dagdag ko pa
"kung ganon.....sino ang inpirasyon mo??" nagcross arm pang ani nito
"a-ahh i......." nagdadalawang isip kong tugon "pwede bang kumain muna tayo nagugutom na ako eh pinasakit ng exam ang ulo ko..." pag iiba ko ng usapan
"hindi naman ako galit.....naiinis lang ako dahil di mo ako pinapansin mula kanina tapos maririnig ko pa na para bang wala ako sa inspirasyon mo" yumakap na ani nito
"isa ka sa inspirasyon ko...."pabulong kong sabi. hindi ko alam kung narinig nya ako pero wala akong pake at yumakap narin ako sa kanya
"i love you...."sabi nito at lalo ko namang isinubsob mukha ko sa dibdib nya at yumakap ng mahigpit
"i love you too"bigla akong napadilat nang kumalas ito sa pag kakayakap at bigla kong narealize na nasabi ko pala ang dapat sa isip ko lang kaya mabilis akong napatakip ng bibig
"a-anong..... s-sabi mo??" hindi makapaniwalang tanong nito na hinawakan pa ang dalawang balikat ko matapos nyang kumalas sa pagkakayakap sakin na inilingan ko lang kasabay naman ng pagsinok ko
's**t ito nanaman syaaa!..'
madalas na sinisinok ako kapag tumatanggi ako sa mga bagay na nasabi ko na dahilan para tumakbo ako palayo sa kanya
"alam ko yang pag sinok mo!! ibig bang sabihin nun sinasagot mo na ako!!?....hallie!!..." dinig ko pang sigaw nya kaya binilisan ko pa ang pagtakbo at nag tungo papuntang cr sabay lock nito ng wala akong nakitang tao
kabadong humarap sa salamin at tinanong ang sarili "totoo bang nasagot ko na sya??" parang siraulong kinausap ko ang repleksyon ko sa salamin
"Kyaaaaaaaaahhhhhhh...... ano bang sinabi ko?...."hindi mapakaling tili ko sabay tanong ko sa sarili ko "nakakainisssss!!!!" anas ko pa na sinasabunutan ang sarili
"anu ba naman yan.....wala pang graduation ehhh!!....." inis kong kinakatok ang ulo ko
"babe are you there!??" rinig kong tanong ng isang lalaki kaya nangamba akong baka may tao at nasa cubicle lang pero wala namang taong ng icheck ko isa isa "babe!!?" sigaw ulit ng lalaki kaya binuksan ko ng kaunti ang pinto para sabihin sa lalaking walang ibang tao dito pero agad ko ring nasara ng makitang si thyron iyon "hey babe!!" sigaw nito ng pagsarhan ko ulit sya
'aiisshhh! bat di ko ba nakilala ang boses nya ang tanga ko naman!!'
"a-anong babe ka dyan!??.....h-hindi p-pa naman kita s-sinasagot ahh!!??"uutal utal kong sagot habang pinipilit isara ang pinto dahil pinipilit nya ring itulak yon para buksan
"oh come on creamy...... you just said that you love me too!!... hindi mo namn yun sasabihin kung hindi mo pa ako sinasagot..." turan nya pa na pinipilit talagang buksan ang pinto "creamy...." maamong saad nya pa sabay boung pwersang itinulak ang pintu
at nag tagumpay sya sa pabukas at ako ay natatarantang napatingin sa kanya "huwag kang lala-" hindi ko na nasabi ang sasabihin ko ng bigla nya akong higitin at yakapin ng mahigpit
"wala nang bawian ng sagot hah..." malambing pa nyang sabi "hindi pa naman ako s-sumasagot ahh" saad ko pa
"masyado na akong matagal nag antay sa sagot mo creamy.... kaya sobrang saya kong nagtagumpay ako at nagbunga ang pagtitiyaga ko sagot mo... salamat.... pangako ko hinding hindi ka magsisisi na minahal mo ako" salaysay nito kaya hindi na ako nakaangal at nag pabebe pa at niyakap na sya nangtuluyan at sobrang higpit
"i love you thyron....."bulong ko pa
"i love you too creamy......."sagot nya kaya napakalas ako sa pagtataka
"bat ba creamy ka ng creamy eh hindi naman creamy ang pangalan ko....." mataray na tanong ko dahil baka minahal nya ako dahil nakikita nya sa katauhan ko ang isang tao
"masyado kasing mapakla ang buhay ko pero simula ng dumating nagkalasa ito kaya ikaw ang creamy ng buhay ko" sabi nito sabay yakap nanaman sakin
"ang korni mo..." natatawang sagot ko na kumakalas na sa yakap nya pero niyakap nya pa ako ng mahigpit "wag ka muna kumalas kahit ilang minuto lang" mahinahong saad nya
"nagugutom nako eh" pagdadahilan ko na epekto naman
"anung gusto mong kainin?? bibilhin ko kahit ano basta para sayo" di mapakaling tanong nya kaya napakagat labi ako dahil ang cute nyang tignan kapag di nya alam ang gagawin kapag ako ang kasama
"h-hoy anong titig yan huh!??...m-masyado kang mabilis....baka m-mamaya nya e di ako m-makapagpigil at sakmalin kita agad" ani nito na tinatakpan pa ang katawan nya na para bang may gagawin ako sa kanya kaya nanlaki ang mata ko at hinampas sya sa braso
"ang dumi ng isip mo!...." natatawang saway ko sa kanya sabay irap
matapos nun ay hawak kamay kaming nag tungo sa cafeteria habang winawasiwas nya ang kamay namin na parang tuwang tuwang bata kaya napatawa ako
ng marating namin ang cafeteria ay nakita naming nanduon na ang mga kaibigan ko at kaibigan nya
"anung ngiti yan hah??...nagtatampo ka lang kanina tapos ngayon parang nanalo ka sa lotto sa sobrang lawak ng ngiti mo"pang uuyam ni alexa sa nakangiting si thyron kaya napa ngiti naman ako
"mas jackpot pa sa lotto ang napanalunan ko" nakangiting sagot naman nito
inangat ko naman ang kamay naming magkahawak at inunahan sya "kami na..." naunang sabi ko kaya ngumuso to bigla, natawa naman ako
"ako dapat magsasabi eh....." nakangusong maktol nito
"wewwss....." sabay sabay nilang sagot
"totoo hallie???" tanong ni aiden
"bakit may angal ka!??" sigang tanong ni thyron na hinampas ko ng mahina para sawayin sya sa inasta nya sa kaibigan ko
"naku thyron magpasalamat ka kay aiden at binugbog mo sya dahil kung hindi ay hindi mo rin matatagpuan yang si hallie" panunumbat ni alexa kay thyron
naalala ko tuloy kung pano ko sya nakilala bilang barumbado at kung panong nagsimula ang anitan naming dalawa at kung panong araw araw nya sinisira ang araw ko, pano kami mag away na parang asot pusa, mangtrip sa isat isa at kung ano ano pa ang ginawa naming kalokohan sa isat isa simula ng una ko syang makilala at bugbugin matapos nyang bugbogin si aiden dahil sinumbong syang nagsisigarilyo noong highschool
"edi thank you!..." taas noong ani nito
"so kayo na nga??" di makapaniwalang tanong ni oliver na kaibigan ni thyron na tinanguhan ko lang
"magcecelebrate tayo ngayon!!" biglang angat ni thyron sa isang basong juice
"cheers!!.." sakay naman ni alexa sa kalokohan ni thyron na sinakyan din ng iba pa at pati narin ako
"Cheers!!" sabay sabay naming sabi
pinagtitinginan kami ng lahat pero hindi namin iyon pinansin at masayang nagsamasama
------
TWO MONTHS LATER
matapos ng graduation nung nakaraang buwan ay nagdadalawang isip akong tumuloy sa canada dahil ayokong iwan si thyron at dahil narin hindi ko pa nasasabi sa kanya kaya nag email na lang muna ako sa mga pinsan ko na medyo matatagalan bago ako makakasunod sa kanila at hiniyaang sila muna ang mag patakbo ng mga kumpanya
nagiipon pa ako ng lakas na sabihin kay thyron ang pag punta ko ng canada dahil siguradong hindi iyon papayag
its been two month simula ng maging kami ni thyron at naging maayos at masaya naman ang relasyon namin
ngayon ay nasa mall ako para humanap ng ireregalo sa kanya dahil 21st birthday nya ngayon at ayoko namang wala akong gift sa kanya kahit simple lang kaya bumili ako ng red neck tie dahil malapit na syang magsimula sa pagtatrabaho sa opisina nila pero gusto ko ring ibigay sa kanya ang gusto nyang bagay na bilhin pero di sya pinapayagan kaya bumili rin ako telescope yung mamahalin at malaki
pinadiliver ko na lang yon sa bahay at kinutsaba ko ang kuya nya para ilagay yun sa kwarto nya kapag Lumabas na sya para asikasuhin ang mga bisita nya
KINAGABIHAN
nag asikaso na ako sa sarili ko pero di ko alam kung anong make up ang ilalagay ko gantong hindi pa ako nag memake up kahit isang beses kaya humingi ako ng tulong sa kapatid kong si zane at inayusan naman nya ako
Una nyang tinanggal ang salamin ko kaya wala akong makita sa sobrang labo pero pinaglagay nya ako ng contact lense para magsilbing mata ko dahil may grado daw iyon kagaya ng salamin na palagi kong suot, nung una ay maluha luha ako pero nang kalaunan ay tumigil na sa pagtulo ang luha ko na parang nasanay na ako at nakadilat ng maayos at epiktibo nga dahil malinaw ang nakikita ko ng hindi gumagamit ng salamin at sunod nyang ginawa ay nilagyan ako ng headband para daw walang buhok na sumayad bago nya sinimulan ang pag make up sakin
ilang oras ang lumipas ay inayusan nya na ako ng buhok at bago pinilian ng ga na babagay sa make up ko, kulay light purple ruffles lace cold shoulder chic a line dress ang napili nya
"ayan ayos na.....kamukha na talaga kita...."ani pa nito
"thanks...."sabi ko sabay tingin sa salamin " labas na ako ha paalam nito na tinanguhan ko lang
matapos ng ilang minutong pagtitig ko sa sarili ko sa salamin ay nag paalam na ako sa kanya "Zane alis na ako!...." sigaw ko dahil nandun na ito sa kwarto nya
pagkalabas ko ay bahagya pa akong nagulat ng makita ko si aiden at si alexa sa labas na hinahantay ako kahit hindi ko naman ito sinabihan
nakasuot ng blue sleeveless brides maid dress si alexa at black cotton toxido naman si aiden
"naaakkkss naman!! ang ganda na ng bff koo!" sigaw pa ni alexa
"I thought si zane na" manghang sabi ni aiden ng makalapit ako sa kanya
"tse! mukha kang zane....ayan ang bahay nila oh bat dika pumasok at manligaw na lang sa kapatid nya hindi pati yung ganda ng kaibigan ko e ihahambing mo sa crush mo..." pagtatanggol ni alexa sa ganda ko daw
"uyy hindi ahh....maganda rin naman si hallie eh....." angal pa ni aiden na pinuri ako
"sinong niloko mo!?? malay ko ba kung sinong hallie ang pinupuri mo baka mamaya nyan si zane pala..."anas pa ni alexa habang hinila ako sa tabi nya mula sa tabi ni aiden
"eh ikaw tong zane ng zane eh si hallie lyn nga ang pinupuri ko eh" anas nito na umaamba ng babanatan si alexa na binatukan naman sya ng ambaan nya ito
"aba!! malay ko ba baka mamaya eh si hallie zane ang tinutukoy mo at hondi si hallie lyn!?" talo ng dalawa kaya gumit na nna ako
"anu bayan walang kakwenta kwentang bagay eh pinnagaawayan nyo....parehas lang kaming maganda ng kapatid ko kaya pwede ba!?? baka mamaya eh mahuli tayo sa debu ni thyron nyan" harang ko sa dalawa sabay pumaunang pasok sa kotse ni aiden
"eto kasi eh!" duro pa ni aiden kay alexa "anung ako!?? eh ikaw tong bwesit eh!" ambang konyat nni alexa kay aiden
"sabing tama na yan eh baka mamaya nyan kayo pa mag katuluyan" sabi ko ng pumasok na ang dalawa sa kotse at tumabi sakin si aiden at si alexa naman ay salikod umupo bago nag katinnginan at parehas na umarteng naduduwal
"never!! kahit sya na lang ang nagiksang lalaki sa lupa..." nandidiring sambit ni alexa
"as if namang pumatol ako sa mukhang susO at isa pa kami na ni zane kaya wala na akong ibang hinahanap!" sagot nito na ikinalaki ng mata ko at ng mapansin nya ako ay para bang narealize nya ang nasabi nya at kabadong umowas ng tingin sakin
"kelan pa??" takang tanong ko
"h-huh?? a-ang alen??" maang maangan nito
"kelan pa Naging kayo ni zane???"natutuwang tanong ko
"h-huh a-ang alen u-ulet?? hindi k-kasi kita n-narinig eh" pagkukunwari nito
"tatakungin na kita riyan eh!!... nadulas nayang dila mo eh magdideny kapa!!" inis kong amba na sabi sa kanya ng mainiip ako
"n-nung graduation...."mahinnang bulong nito at nagkatinginan naman kami ni alexa sabay
"YIEEEEEEEEEEEEEEEEEHIEEEE!!" kiliti sa kanya "h-hoy ano ba n-nag dadrive ako!! gusto nyo bang mamatay!??" anas nito kaya tumigil na kami ni alexa sa pagkiliti nya
masaya ako sa kaibigan ko at para sa kapatid ko. mabait at gentle man naman si aiden kaya ayos lang sakin kung sya ang makatuluyan ng kapatid ko at isa pa wala itong bisyo
"may first kiss naba kayo??" usisa pa ni alexa
"aba syempre! masyado akong mahal na mahal ni zane kaya imposibleng wala pa" pag mamayabang naman nito
"sinunggaban mo naman agad..."batok ko sa kanya
"aba syempre gawain ng magjowa yun eh" sagot naman nito
"wag mong sabihing wala pa kayong first kiss ni thyron?" ani ni alexa
"m-meron na syempre..." nahihiyang sambit ko ng maalala ang first kiss namin ni thyron nung ipinakilala nya ako sa family nya last month na muntik ng may mangyaring kakaiba dahil sa mapusok nyang halik
"kung makapag tanong toh kala mo sya meron na...." panguuyam ni aiden kay alexa
"aba oo naman si oliver paba mag papahu-" biglang itinigil ni aiden ang sasakyan kaya pati sya ay napatigil
"kayo ni oliver!???"sabay naming tanong ni aiden matapos magtinginan
"h-hindi nyo pa ba alam?? i thought nasabi ko na...."sagot nito
"ahhh naglilihim na kayong dalawa ngayon??" panguuyam na tanong ko
"uyy hindi ganto kasi yan....ano kasi....pwede ba ako muna?? o sige mauna lang mag paliwanag" sabay nilang sabi na nag turuan pa "ikaw muna" turo ko kay aiden
"a-ahh ano kasi....a-ayaw pa n-ni z-zane na ipas-sabi s-sayo k-kasi baka daw m-magalit k-ka"dahilan nito
"eh ikaw??" taas kilay kong baling kay alexa
"akala ko kasi.....nasabi kona....."sabi nya habang pinaguuntog ang mga hintuturo nya
"tara na nga! anong oras na oh"sabi ko na agad din namang sinunod ni aiden
pagdating sa gate ng bahay nila thyron ay nandoon sya na para bang may inaantay kaya pumauna na akong lumabas
"thyron!" tawag ko sa kanya at agad naman syang lumapit sakin
"i miss you!" ani nito matapos akong salubungin ng halik na walang pasintabi sa mga tao "anu kaba ang daming tao oh.." nahihiyang hampas ko sa kanya
"you're so late akala ko hindi ka pupunta" sabi pa nito sabay hawak sa makabila kong pisngi at halik ng mabilis saking labi
"nakaka dalawang nakaw kana ng halik ahh" natatawang sabi ko sa kanya
"your so beautiful tonight creamy..." ani pa nito na sa noo na ako hinalikan
"tonight lang?? ibig sabihin panget sya nung mga nakaraan?" singit naman ni alexa
"of course not....palagi syang maganda sa paningin ko pero lalo syang gumanda ngayon...."sabi nito na muli nanaman akong ninakawan ng halik
"hoy hoy tama na yan....at nilalanggam na ako dito kahit di pa ako nakain ng matamis" singit nanaman ni alexa
"anu ba pake mo!??...naiingit ka!?? nasaloob si oliver pa halik karin!!" iritang pang uuyam ni aiden
"kayo ni oliver??" takang tanong ni thyron
"hindi nya nasabe??" tanong rin nito
"mamaya na nga yang love life na yan pumasok na tayo at nagugutom na ako" asar na sabi ni aiden
"nako!! tigil tigilan mo ako aiden alam kong Nagseselos ka lang" bulyaw na pangaasar ni alexa kay aiden habang sumusunod sa paglalakad ni aiden
"buti nakilala mo ako?" tanong ko
"syempre naman ikaw lang naman ang pinaka maganda sa paningin ko kaya syempre makikilala kita..." sabi nito
"tse! mambobola"sabi ko
"no im not sinasabi ko lang ang nakikita ng mga mata ko" dagdag pa nito
"ewan ko sayo" sagot ko
nang makapasok kami ay marami ng tao roon at parang nagsisimula na dahil sa tugtugan na maririnig ng masalubong namin ang mga kaibigan ni thyron
"hi babe!" bati ni oliver kay alexa na sasalubungin pa sana nya ng halik pero iniwasan sya
"letse ka! balak mo bang itago yung relationshipnatin kaya di mo sinabi sa mga kaibigan mo!??" tampong tanong nito
"dahil balak kong sa buong mundo muna ipaalam bago sa kanila...."paglalambing naman ni oliver "lady and gentleman!! listen...this beautiful girl is my girlfriend!!..... alexa mae macedaaa!!! i love youuu!!!!" biglang tawag pansin ni oliver sa lahat sabay sigaw
"wooooooohoooooo!!!!" "yieeeeeeeeeeeee!!!" "sana aaaalllll!!!!!!!" "congraaaattts!!!" mga sigawan ng mga tao
"sira ka bat mo sinigaw??.." hampas ni alexa ng mahina sa dib dib ni oliver bago yumakap
"dahil gusto kitang ipagsigawan...."simpleng sagot ni oliver natuwa naman ako sa cute ng pagsasamahan nila "teka sila ba alam nila??" biglang tanong ni oliver na kumalas pa sa pagkakayakap at kami ni aiden ang tinutukoy kaya nagkatinginan kami ni aiden
"HINDI!" sabay naming sigaw
"uyy sinabi kona kanina ahh" pagtatanggol nito sa sarili
"psshhh tatampo tampo ka ikaw rin pala" singhal nito sabay yakap ulit kay alexa
matapos nun ay pumunta na kami sa pwesto raw nila kanina at dun umupo
-------