Thyron Pov
"[{uyyy thyron long time no see.... nga pala ayan girlfriend ko kapatid ni hallie....ay mali kakambal pala..... bat pala naiyak kaibigan ko??? nagaway ba kayo hah??..}]" sabi nito sakin bigla naman humarap sa mukha ng kamukha ni hallie
"[{hi sayo..... alam mo mabait ako... pero pag sinaktan mo ang kapatid ko.... pupulutin ka ng wala ng buhay}]" bati nito pero bigla itong naging siryoso at nakakatakot na ani nito bigla ko naman naalala ang pagtatampo ni hallie ng asarin ko sya at tawagin sa ibang pangalan
bigla akong napaluha at ng lumo ng marealize ko ang mga pinagagawa ko sa girlfriend ko
'niloko ko sya, sinaktan ko sya, pinagbuhatan ko sya ng kamay, at pinagbintangan' nanlulumo ako ng naisip ko ang mga ginawa ko sakanya
biglang nag end ang video call bago ako nanlulumong naupo sa sofa. mabilis ko namang iniikot ang mata ko at hinanap si creamy pero di ko sya mahagilap tatayo na sana ako para lumabas ng biglang
"a-a-anak may d-dugo......" takot na turo ni mommy na nakatulala sa sahig at may nakita nga akong dugo na tulo dun sa kinatatayuan ni hallie kanina
"ma'am!!! sir!!!... s-si.....s-si maam h-hallie po d-di-dinudugo baka po n-nakunan s-sya!!!" bigla takbong sigaw ni yaya jaya agad naman akong napatakbo sa labas pero hindi ko na sya inabutan at tanging papaalis na taxi lang ang nakita ko kaya sinubukan ko yung habulin pero hindi ko na yun nahabol dahil bigla iyong humarurot matapos huminto sandali
bumalik ako sa bahay at kinuha ang cellphone ko bago tinawagan ang imbistigador ko
"hello hiro?.....alamin mo kung san nag punta si hallie.... hanapin mo yung taxi na sinakyan nya namay plate number na PTJ168....."nag mamadaling utos ko
"anak san ka p-punta?? a-asan si h-hallie" nagaalalang tanong ni mommy
"anong nangyari kay hallie?? ayos lang ba sya?? buntis ba talaga sya??" tanong ni dad habang hinahagod ang dalawang balikat ni mommy
"hindi ko pa alam dad... at yun ang kailangan kong alamin kaya nga po susundan ko sya...." sagot ko at nagmamadaling kinuha ang cellphone na iniwan ni hallie bago patakbong pumunta sa kotse
una kong pinuntahan ang bahay nya pero wala sya ron at sinubukan ko ringvtawagan si alexa at tanungin kung may nasabi ba si hallie ma pwede nyang puntahan pero wala rin itong alam
lumipas ang maraming oras pero hindi ko parin sya mahanap sa mga lugar na madalas nyang puntahan at sa mga lugar na napuntahan namin
ng mag gabi na ay nakaramdam ako ng pagod at nanlulumong bumalik ako sa bahay alas onse na ng makauwi ako pero imbis na sa kwarto ako dumeretso ay sa opisina ko ako dumaretso at duon nanlulumong umopo at inalala ang mga masasakit na salita ang ginawad ko sa mahal ko
'bat ba hindi ko naisip na meron syang kamabal...'
mahigit walong taon kona syang kakilala pero hindi ko alam ang buong pagkatao nya wala akong alam na meron syang kapatid.... hindi ko alam na may kambal sya dahil hindi sya mahilig mag kwento tungkol sa buhay nya, palagi syang tahimik kahit nasasaktan pero masyadong maingay kapag nagalit para syang bombang sa isang putukan madaming sugatan
napahagulgol ako ng maalala ang masasayang sandaling kasama si creamy
'ano tong ginawa ko??'
"hoy.... ano bang ipinagtatampo mo?? kinausap lang ako ni aiden.... isa pa may girlfriend na si aiden....." naalala kong paglalambing ni creamy na niyakap pa ako mula sa likuran
"at pano mo nalaman?? kilala mo ba!!??" pagsusungit ko.
"oo naman..... kilalang kilala......atyaka hindi ko sya papatulan noh..... kasi ikaw kang ang mahal ko.." sabi nya dahilan para mapalitan ng tuwa ang ang asar ko at bumigay sa paglalambing nya
------------
"thyron..... gumising kana at tanghali na..... nagluto na ako ng paborito mo daw na ulam sabi ni tita" pang gigising nito sakin habang niyuyugyog ako
"inaantok pa ako eh......" pag tanggi ko
"thyron?..." malambing na tawag nito mister ko....." kumalembang naman ang pagtawag nyang yun sa tenga ko kaya hinila ko sya at niyakap
"ulitin mo nga ang sinabi mo......" utos ko sa kanya habang nililingkis sya
"tumayo ka muna...." panlalambing nya na agad ko namang sinunod
"tara na kakain na tayo...." ani nito na hinihila ako
"uyy teka.... ulitin mo muna yun....."
"ang alin??" maang maangan nito "yung tinawag mo sakin kanina......" pangkukumbinsi ko sa kanya habang winawagayway ang kamay nyang nakahawak sakin at tinawanan nya naman ako
"yung mister ko??...." tanong nito "gusto ko yung kasing lambing nung nauna" paglalambing ko pa
"aba.... umabuso ka naman ata Mr. Erquiza" sabi nito sabay tulak sa mukha ko "please??....kahit isa na lang Mrs. Erquiza pleaseee" parang batanag hiling ko na tinawanan nya naman ng napaka tamis na tawa
"misis ka dyan!" hawi nanamn sa mukha ko at nag pout naman
"tara na mister ko" sabi nya na ikinagulat ko dahil kumandong pa ito sakin kasabay ng paghawak sa magkabilang pisngi ko at paulanan ako ng halik sa noo, ilong, magkabilang pisngi, at sa labi na ikinatulala ko naman
"baba na tayo mister ko at lalamig yung soup na niluto ko....." malambing ang boses na ani nya na tumayo na pero hinila ko ulit sya at siniil ng halik na agad nya rin namang inalis
"pssshhhh..... hahaha...... i love you...." tawa nya pa at napatitig naman ako sa napaka ganda nyang tawa at malalambing nyang boses
---------
"anong tawag mo sakin!??" inis nitong tanong ng asarin ko sya at tawagin sya sa pangalan ng ex ko
"huh??? creamy bakit?" natatawang maang mangan ko
"hindi yon!! yung tinawagn mo sakin!! bwesit ka!!" inis na bato nito sakin ng mga unan
"uuyyy masakit na ahh!...." banta ko pero patuloy nya parin akong binabato
"yun naman talaga ang tinawag ko sayo ah! uyy creamy nakakasakit kana!" reklamo ko pa ng iba na ang binabato nya at hindi na unan
"ayaw mo sabihin!!?" banta nito at yung paso na yung ibabato sakin
"uyy wag yan antique yan!...." banta ko
"edi mag sama kayo ng ex mong bansot!!!" sabi nito sabay hagis ng paso sakin na nasalo ko naman
"uyy san ka pupunta??" natatawang tanong ko
"sa kabit ko!!!" sigaw nya sabay pa dabog na sinara ang pinto at natawa naman ako sa mga reaction nya sa twing nagseselos at naiinis kaya madalas ko syang inisin
--------
"ginagaya mo ba ko!?" inis na tanong ko ng gayahin nya mula kanina
"ginagaya mo ba ko...." gaya nanaman nya
"isa!!" banta ko "isa...." gaya naman nya
"kapag hindi mo ako tinigilan sa kagagaya mo..... hindi kita patutulugin ngayong gabi at paparusahan kita magdamag!" banta ko pa
"kapag hindi mo ako tinigilan sa kagagaya mo hindi kita pa-" napatigil sya ng marealize ang sinabi ko at sumubsob sa unan at dun tumawa
"anoh!?? bat dimo gayahin?? bilisan mo na..." natatawang pangaasar ko sa kanya
"tse!" sabi nito sabay bato sakin ng unan
"ahh ganun ahh!" sabi ko sabay sugod sa kanya para kilitiin sya "aayyy! anu ba thyron!" tili nya sabay tawang saway nya
-----
*TOK! TOK! TOK!*
bigla kong pinunasan ang mga luha ko matapos may kumatok sa pintuan at niluha nun si manang madel kasama si mommy
"iho.... dinalhan kita ng makakain" ani ni manang madel
"hindi po ako nagugutom manang....." mahinahon kong sagot
"sige na manang.... iwan mo na lang yan dyan.... salamat" ani ni mommy
ng lumabas na si manang ay lumapit si mommy at hinagod ang likod ko
"its okay baby its not your fault...." pag papatahan ni mommy dahilan para lalo akong mapaiyak
"no mom...... inakusahan ko sya.... at dahil yun sa napaka kitig kong utak....." hagulgol kong sumbong
"sana pala nagtanong muna ako...... i wish i did'nt listen nor believe in what the other said..... i love her but i hurt her and hit her...." hagulgol kong inilalabas ang sama ng loob ko
"i lost her, mom..... and my child......"sabi ko pa habang napapahiga sa sarili kong braso
'i miss you....sorry creamy...."
-------
hallie's Pov
nagising ako ng masilaw ako sa kung saang liwanag kaya pilit na pinamulat ang mga mata ko
nang mamulat ang mata ko ay isang matandang lalaki ang nakita ko
"asan po ako???" tanong ko sa di ko kilalang matanda
"nasa hospital ka iha..... magiisang linggo ka ng nakahiga diyan" sabi nito kaya tumayo ako
"bakit po ako nandito??" tanong ko at tinulungan nya naman akong tumayo
"dinugo ka nung araw na sumakay ka saakin at muntik ka nang makunan, mabuti na lamang at makapit ang mga bata...." tuwang salaysay nito na nagpakunot sa noo ko
"ano pong ibig nyong sabihin??" takang tanong ko
"buntis ka iha ng Apat na buwan at ang nakakatuwa ay kambal pa ang nasa sinapupunan mo" masayang bati nya pa sakin
Sobrang saya ang nararamdaman ko kaya hindi ko na nasagot ang matanda at hinagod hagod ko ang tyan ko pero agad namang kumirot ang dibdib ko ng maalalang wala na kami ng ama nila at niloko ako ng tarantado nilang ama
Hindi ko napansin na apat na buwan na akong gindi dinadatnan dahil napakaraming nangyari sa apat na buwan at di ko rin napansin na medyo malaki na ang tiyan ko
'Ibig palang sabihin nung time na unang may nangyari samin ni thyron ay nagbunga na sa simula pa lang??'
"Iha.....pag pasensyahan mo ako pero binigyan ako ng reseta ng doktor pero hindi naman kita mabilhan dahil wala akong pera...at gustuhin ko mang tawagan ang asawa at pamilya mo ay hindi ko magawa.... Dahil wala ka namang cellphone o kahit calling card ay wala" naiilang na paliwanag ng driver
"ayos lang po..... Salamat nga po pala sa pagdala sakin dito...."pasasalamat ko
Inabot ko yung reseta ng mga vitamin na dapat kong bilhin para mainom araw araw at bigla akong nahiya ng maalalang hindi ko pa nababayaran si manong driver kaya kinuha ko ang wallet ko
"ahhh...... Manong ito ho....... Bayad ko sa sinakyan ko...... Pasensya na po ahhh para tuloy akong nangutang ng isang linggo..... Salamat po ulit" sabi ko sabay abot ng isang libo
"ayy nako iha.... Wala kabang barya riyan at wala akong papanukli sayo...." saaad pa nito
"nako manong kung tutuusin po ay kulang pa ho iyan sa pagtulong nyo sa buntis na gaya ko dahil hindi lang po ako ang iniligtas mo pati rin po ang mga bata sa tiyan ko" nakangiting pasasalamat ko
"ayy nako ano kaba.... Wala iyon iha... Dahil sinu sinu paba ang mag tutulungan kundi tayo tayo lang ring magkababayan....." masayang saad nito
"nga po pala manong..... mga ilang araw pa daw ho ako rito??" tanong ko
"sa susunod na linggo daw ay maari ka nang umuwi...." tugon nito
"ahh sige po... salamat po manong"ani ko
at dumaan ang mga oras, araw, linggo, at ang isang buwan ay nakalabas ako ng hospital at isang buwan din akong kinupkop ni manong agustin sa kanila kahit pa siksikan na sila pero matapos ng isang buwan ay napagpasyahan kong umuwi sa bahay ni daddy at hindi ko alam kung bakit pero naglagay ako ng balabal sa ulo ko na para bang may tinataguan at tahimik na nagtuloy sa bahay namin
kinuha ko ang mga papeles ko at nagligpit tinakpan ng mga puting kumot ang mga gamit at bago nilisan muli ang aming tahanan
tumawag ako sa bahay nila thyron at laking pasasalamat ng si manang madel ang sumagot.
"[{hello?? }]" sagot ni manang madel sa telepono
"hello manang" mahinahong bati ko
"[{nako bata ka!! asan kaba nagpupunta ha?}]" tanong ni manang
"manang pwede po bang next time na natin yan pag usapan??.... meron po akong sulat na pinadala sa address dyan..... paki bigay na lang po sa walang kwenta nyong alaga.... pasensya na po" ani ko
"[{oh sya sige.... eh kamusta ka naman ba iha??}]" tanong ni manang
"ayos lang naman po ako manang.... eh kayo po ni ate jaya?? sila ate cristel?? kamusta na po kayo?? mahigit isang buwan palang po ako nawawala pero namimiss ko na po kayong lahat dyan...." mangiyak ngiyak kong ani
"ayos lang naman kami ih-......" sagot pa nito
"eh sila tita at tito naman po ba?? sana hindi sila galit sakin......" nagaalalang iyak ko
"dont worry...... hindi sila galit sa-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng depungal na yun at agad na pinatay ang tawag at kabadong iniwan ang telepono ng bahay bago tuluyang umalis
sumakay ako sa taxi dun parin kay manong dahil tinulungan nya ako ay tinulungan ko rin syang makabili ng sarili nyang taxi para hindi na sya naghuhulog hulog sa may ari ng taxi at binigyan ko rin sila ng maayos na tinitirhan ng malamang sumisiksik lang sila sa sulok ng magkakadikit na bahay at duon nag latag ng malaking tarpulina para may silong at dun tumira kasama ang siyam na myembro ng pamilya kaya ibinigay ko sa kanila ang bahay ko sa kabilang village at binilhan sila ng mga pangangailangan pasasalamat na rin sa pagligtas nya sakin at sa mga anak ko sa sinapupunan kaya kapalit naman ng tulong ko ay yung paghatid nya sakin kahit na tinanggihan ko ito ay pinipilit nya parin ako na sakanya na magpahatid
ngayong araw ay lilipad ako papuntang canada. bumili ako ng bagong celphone at sim card bago sinave dun ang mga number dati sa cellphone ko maliban na lang sa number nila thyron at ng mga taong malapit sa kanya
habang nagdadrive si manong ay tinawagan ko si alexa
*Phone is ringing*
"[{yes hello??}]" sagot nito
"alexa....." mangiyak ngiyak nanamang usal ko ang marinig ang boses ng kaibigan ko
"[{h-hallie??..... hallie kamusta??? ano nang nangyari sayo??? alam mo bang hinahanap ka sakin ng nobyo mo??? asan kaba?? bat ka naglayas??..... hello hallie?? umiiyak kaba??}]" sunod sunod nyang tanong na hindi ko nasagot dahil sa paghagulgol ko
"ayos ka lang ba iha??" tanong ni manong agustin
"opo....." sagot ko "hello alexa....... nasa new york ka parin ba??" pinipigilan ang mga luhang tanong ko
"[{oo... pupunta sana ako sa canada para icheck ka kasi nakalimutan ko number ni aiden kaya di ko sya matawagan...... eh ikaw nasan ka??}]" tanong nito
"pwede bang wag mo munang sabihin kay oliver na nagkausap tayo??..... kaibigan sya ni thyron at alam kong hindi nya matitiis yun..... pwede bang puntahan mo ako sa canada?? papunta na kasi ako at kailangan ko ng makakausap...... pwede kaba??" garalgal na usal ko habang nag susumamo sa sikip ng dibdib ko
"[{tama ka naman dun hallie na maaaring hindi ko sya matiis pero kung may kasalanan sya ay hindi ko sya kukunsintihin.....}]" biglang sabat ni oliver sa kabilang linya mukhang magkatabi ang dalawa
"iha tumahan ka at baka maapektuhan ang mga bata..... masama sayo ang maistress lalo nat buntis ka...." saway sakin ni manong agustin ng sumobra ang pagiisip ko kaya umiiyak nanaman ako
"[{buntis ka!!!?}]" dinig kong sigaw ng magkasintahan sa kabila kaya napalayo ako sa cellphone ko
"tyaka na natin pagusapan yan kapag nagkita na tayo...... pwede ba???" pinupunasan ang mga luhang tanong ko
"[{a-ahh oo s-sige..... itext mo ang address nyo sa canada para didiretso na kami dun kapag dating namin}]" mabilis ko naman yung ginawa kahit nasa call pa ako
"oliver..... pwede bang isekreto nyo muna ang tungkol kung nasan ako at kung anong kalagayan ko??" pakiusap ko habang sumisinga
"[{oo naman..... oo nga pala sinu ang ama ng bata???}]" tanong nito "[{uhmm loko.... bakit may iba pa bang naging nobyo ang kaibigan ko at kung magtanong ka e parang maykabit ang kaibigan ko ahh!!!}]" biglang bulyaw ni alexa sa kabilang linya na mukhang naka tikim ng batok at natawa naman ako
"yung kupal mong kaibigan lang naman ang pwedeng maging ama nito dahil sya lang naman ang minahal ko!! pero para sa kanya!!.... si aiden ang mahal ko!!!" bulyaw ko kay oliver
"[{si aiden!!!!!???}]"sabay na tanong ng makasintahan
"oo.... nakita nya kasi yung litrato ni zane at ni aiden na magkahalikan at magkayakapan...." mahinahong sabi ko at pinipilit na pakalmahin ang sarili ko
"[{hay nako! mabibitin lang ako dito sa telepono..... mabuti pa at magkita na lang tayo sa canada..... dun kahit magdamag tayong magkwentuhan at mausap pwede pa!}]"saad ni alexa "[{sige na babyeee! ingat ka dyan butete!}]"pahabol pa nito na ikinatawa ko naman
"at pano mo naman nasabing butete na ako?? pssshhh..... kahit kelan ka talaga" pabulong ko pa at ngumit
medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil feel ko may kakampi at naniniwala sakin
"yan ganyan nga iha.... ngumiti ka para iwas stress at ng hindi makasama sa bata...." nakangiting payo ni manong na nginitian ko rin
dumaan ang oras at nakarating kami sa airport at pagdating namin dun ay nandun ang pamilya ni manong at hinhintay ako
"ohh ano pong ginagawa nyo rito manang gleda???" tanong ko ng nakangiti sa asawa ni manong agustin
"nalulungkot ako at aalis kana kaya bilang pasasalamat ko manlang ay maihatid ka bago ka tuluyang umalis....." malungkot na saad nito
"ate iiwan mo na kami??" sabat naman ng bunso nilang anak na si jacob
"hindi noh.... maypupuntahan lang si ate kaya sya aalis" kuha naman sandra sa kapatid
"ate pasalubong ko pag ka balik mo ahh" biro ni bart
"hallie sabihin mo samin kung anonv pangalan ng g*g*ng yun at uupakan ko" tanong naman ni harold ang panganay nila na kasingedad ko lang na tinutukoy ang hayup na si thyron
"ate salamat sa lahat ahh!" masayanh sabat ni tutoy
" para ka namang nagpapaalam sa namatay tutoy eh" biro ni dado na ikinatawa ko naman
"ate basta balik ka ahh" nalulubang ani ni sheena na naging pinaka close ko sa kanila
"oo nga balik ka ate hallie ahh gusto ko pang magpaturo ng pagtugtog ng guitara sayo" saad ni clover
"ikaw eden wala kabang sasabihin o ibibilin man lang sakin??" tanong ko sa pinakabata sa mga babae at ang pinaka siga
"basta bumalik ka" tipid na sagot nito
[~This is the final boarding call for all passengers booked on flight 372A to cana City. Please proceed to gate 3 immediately. The final checks are being completed and the captain will order for the doors of the aircraft to close in approximately five minutes time. I repeat. This is the final boarding call for all passengers. Thank you.~]
announce ng airline kaya nag paalam na ako sa kanila at dumeretso na sa gate 3 para sumakay at ng maka sakay na ako ay tinext ko na lang lyn at aiden na papunta ako at binilinan na huwag ipaaalam kay thyron dahil hindi na pwedeng gumamit pa ng electronic devise
------
nang maka lapag na ang sinasakyan ko ay nagtext sila lyn na nasa east way daw sila bago makababa ay nagpaalalay muna ako sa mga PA dahil nahihirapan na ako sa pagbaba dahil sa laki ng tiyan ko
limang buwan palang ang tiyan ko pero parang manganganak na ako. nung apat na buwan sya ay hindi ko napansin dahil akala ko na taba lang ako yun pala buntis ako
"Lyn!!" sigaw ni zane ng makita ako at agad ko naman silang nakita dahil sa band paper na hawak nila nakalagay dun ang pangalan ko
"zane,aiden!!"natutwang sabi ko habang dahan dahang naglalakad papunta sa kanila at na pamaang ng makita ang tiyan ko
"b-buntis ka??" tanong ng dalawa matapos yumakap at alalayan ako
"nahihirapan na akong nakatayo lang dito sa bahay na lang tayo mag usap" sabi ko at nataranta naman si lyn na inalalayan ako at si aiden naman ang kumuha ng mga maleta ko
dinala nila ako sa bahay at nakaalalay na pinasok sa dati kong kwarto nung bata pa ako at sila na ang nagayos ng mga gamit ko at pinag lutuan ako
"salamat....." pasasalamat ko
"english please..." ani ni aiden na ikinatawa ko naman
"wala kabang ibang gusto??" tanong ni zane
"hmmmmm.... gusto ko ng saskatoon berries, langkang ube at pulang mangga tapos choco na gatas.....pati pala nung sinigang na hipon...... nag kecrave kasi ako sa kanila eh" request ko at napangiti naman sila ng mapakla
"parang ang hirap naman ng langkang ube,pulang mangga at choco na gatas na hinihiling mo hallie...... yung saskatoon berries at sinigang na hipon lang ata ang maibibigay ko sayo eh" alangan na sabi ni aiden
"aiden iho.... bumili ka ng langka at ube tapos paghaluin mo lagyan mo rin ng condence para tumamis....." biglang sabat ng boses sa likod ni aiden "sa choco milk naman ay tunawin mo ang choco-late at bago ihalo sa powder ng gatas bago mo lagyan ng tubig init....." si daddy "tapos yung pulang mangga na sinasabi nya ay yung italian manggo...." dagdag pa ni daddy
"daddy!"masayang tawag ko pero dahan dahan na pagtayo si daddy na ang lumapit sakin at yumakap "sorry po....." usal ko habang nakayakap sa kanya na tinutukoy ang pagbubuntis ko ng maaga
"ayos lang anak...... malaki kana at nasa tamang edad.... mas magagalit ako kung hindi ka pa tapos sa pagaaral ay may ganyan kana....." malambing na sabi nya sabay haplos sa ulo ko
"tito pano nyo nalaman yung ganong kahirap na bagay??" singit ni aiden
"nako iho.... ganon din ang pagkaing pinaglihian ng tita mo sa kanila..... mabuti na lang at creative at matalino ako kaya naisip ko yung ganong bagay....." pag yayabang ni daddy at nagtawanan kami
matapos nun ay nagkwentuhan kami at nalaman kong nagppakasal ulit si daddy last two years at pinakilala nya sakin ang step brother and sister at ang kapatid namin mismo sa kanya, kilala na naman ni zane yun kaya sakin nya lang ppinakilala at kinuwento ko naman sa kanila ang nangyari
nagalit si zane at aiden ganun din si daddy dahil sa kinuwento kong ginawa ni thyron sakin na pagaakala at lalo silang nagalit ng sinabi kong muntik na akong makunan dahil sa pagbubuhat ng kamay sakin ni thyron at sinubukan ko rin syang pagtanggol pero sumobra ata ang galit nila kay thyron sa ginawa sakin kaya hindi sila naniniwala
nasabi ko rin na parating sila oliver at alexa kaya nag pahanda sila ng medyo malaking apartment na tutuluyan nila alexa at ng makarating toh ay kinuwentuhan ko rin about sa mga nangyari dahilan para magalit sya ganundin si oliver ay nagalit sa kaibigan nya ngunit nasabi nya rin na hindi nya masisisi si thyron dahil hindi ko rin daw naman nasabi na may kambal ako kaya ganon ang naisip ng kaibigan at sumangayon naman ako
-----------