Matalim ang tingin ni Abby sa isang lalaki na nakangiti sa unahan n'ya, may edad na ito at nakita na n'ya ang mukha nito sa files na may order na shoot to kill si Boss Eric kung tawagin na ama ng stepsister ni Rycko. Ang kanan kamay ng kilalang si Supremo na who happened to be Nathaniel's father. Pero s'ya palang ang nakaka-alam nun sa ngayon. Umaayon ang plano sa kanila, ito talaga ang gustong mangyari ng underground ang makidnap s'ya at makita n'ya ang mga tao sa likod ng sindikato. "Alam mo ibang klase talaga ang lahi n'yong mga Lagdameo, walang tulak kabigin sa gaganda. So, ano mag titigan na lang ba tayo? Wala ka bang balak sabihin sa amin kung nasaan ang original na M-card." tumawa naman si Abby. "And who makes you think na sasabihin ko sa'yo?" lumapit naman ang lalaki saka yumuko

