“Ipapakasal n’yo ba talaga si Abby sa lalaking hindi n’ya mahal? Tingnan mo naman hitsura ni Abby daig pa lamay ang ipapagawa n’yo sa akin?” puna ni Megan sa pamangkin na panay ang buklat ng magazine pero halata naman wala itong interest sa mga design ng mga wedding gown. “Si Raine ata ang gusto ng mag asawa.” natatawang wika naman ni Aira ng mapansin ang pamangkin na panay ang turo kay Abby ng gusto nitong design. “Naku! Ewan ko sa impakta na yan, sa totoo lang sarap ibalik sa matres ko. Kumpleto naman sa buwan pero daig pa ang premature.” sabay pa silang nagtawanan magkapatid. “Na aawa na nga kami kay Yuan, buti na lang hindi pinapatulan ni Yuan, kung ibang lalaki siguro yun baka may apo na kami..” iling ni Megan. “Bakit ba ang komplikado ng pag mamahal. Bakit kailangan masaktan muna

