"How is she?" hinihingal pang tanong ni Dennis na mabilis na niyakap ang asawang umiiyak habang nasa labas ng emergency room. "Hindi ko pa alam hindi pa nalabas ang doctor, nag bleeding s'ya ng sobra kanina. Nag-aalala ako kay Abby Densio baka mapaano ang baby n'ya. Mas lalo lang s'yang masasaktan kapag may nangyaring masama sa anak n'ya." hikbi ni Aira. "Sssshh! Tama na, walang mangyayaring masama sa anak natin at sa magiging apo natin." "Kung narinig mo lang sana s'ya kanina? She wishes to die Densio." tumango naman si Dennis habang na ngingilid ang mga luha na pinipigilan na tumulo. "Aira." "Mama." tawag ni Aira ng makita ang ina na dumating kasunod ang ama. Galing pa sa bakasyon ang mga ito sa Amsterdam, puro travel na lang kasi ang ginagawa ng mga biyenan at magulang n'ya simul

