"Buds, tandaan mo senior ka na. Sigurado ka ba dito?" tanong ni Skyler na minamasahe pa ang likod ng kaibigan na nag hamon ng patas na suntukan kay Nathan na hindi na nakatangi. "Masapak ko lang ang lalaking yan kahit mga tatlo okay na ako." natawa naman si Skyler. "Baka ikaw ang masapak buds, wala na ang pa 6 packs mo, iisa na ang natira." pinisil pa ni Skyler ang tiyan ni Densio na bahagyang naka-umbok na tinabig lang ni Denis. "Diba, dapat may amnesia ang dalawang yan pero bakit ganyan ang kilos ng dalawang yan daig pa na parang mga kuneho." natawa naman si Skyler sa maasim na mukha ng kaibigan habang naka tingin sa side ng ring kung nasaan si Abby at Nathan na nag bubulungan pero halata naman si Aby lang ang lumalandi kay Nathan habang si Nathan naman ay ilang na ilang na nakatingin

