Kumatok muna s'ya ng tatlong beses bago pumasok sa loob ng office, ipinatawag naman s'ya dahil dumating ang ama ni Nathan na isang 5 star General na naligaw pa sa kampo nila. Pag pasok n'ya nakita n'yang naroon na si Lindsay na nakatayo ng tuwid na tuwid na akala mo walang injury. Ganun ba talaga kapag sundalo bawal dumaing, ang akan n'ya na sprain ang paa nito pero heto at naka complete uniform na. Wala naman s'yang paki-alam kung 5 star general pa ito as long as alam n'ya kung gaano ito ka dumi hindi nito makukuha ang respeto galing sa kanya. Pasalamat lang ito dahil ama ito ng lalaking gusto n'ya at aalalamin n'ya kung bakit nakasama ang pangalan ni Nathan sa listahan ng mga pinuno ng sindikato. Masama ang tingin nito sa kanya pero hindi s'ya nag patinag nakipag titigan pa s'ya rito.

