"Kailangan naka bantay talaga s'ya?" tanong ni Doc Carlos na panay ang tingin kay Nathan na nasa kabilang mesa lang ng hospital cafeteria. "Parang ang guwapo mo ngayon Doc Carl, may love life ka na yata ngayon." "Naku! Sadyang inborn ang gandang lalaki ko, ikaw lang tong late ng napansi." ngiti nito na sinapo pa ang pisngi na ikinangiwi pa ni Abby. "Totoo ba yung nabalitaan ko na boyfriend mo ang anak ng general at nakipag tanan ka?" napalingon s'ya kay Nathan na napatingin kay Carlos bago sa kanya. "Fake news yun, hello! ang pangit kaya nung anak ng general saka ang panghi n'ya, amoy din s'yang bombay na nag pa 5-6 sa palengke ng Quipo." nakita n'ya sa sulok ng mata n'ya na natawa pa si Nahan na parang 'di tinalaban sa sinabi n'ya. Well, sino nga naman ang maniniwala sa pinag sasabi

