"Paki bantayan mo na muna s'ya Nathan, inaayos pa ni Sevy ang mga kailangan namin para kay Abby. Pakibantayan na muna s'ya please." naiiyak na wika ni Aira habang kausap ang binata at sabihin sa ina ni Abby ang nangyari kanina. Akala n'ya nag papanggap lang si Abby ng una. Nabanggit na sa kanya ng magulang ni Abby ang magiging side effect sa dalaga ang ASBIO. Compare sa kanya mas marami daw kasing miligram ang nagamit kay Abby para patayin ang virus sa katawan ng dalaga noon na hindi na nagawang i-test pa bago ginamit kay Abby dahil kulang na sa oras. Ayon sa mga ito possible daw na dumanas si Abby ng mga partial memory gap or memory loss pero temporary lang daw naman yun depende daw sa brain wave ng dalaga. Hindi daw ma tatawag na amnesia dahil walang mabubura sa alala nito. Mahihirapan

