Pa-ika ika ang lakad ni Abby, habang nag lalakad sila sa gilid ng kalsada, Nagawa naman nila ang maka-akyat sa kalsada muli nakakita si Nathan ng daan na madali nilang maakyat. Naka radio na rin ito sa kampo sa nangyari sa kanila kaya nakaon agad sila ng mga sundalo na kasamahan ni Nathan na s'yang nag iwan sa crime scene para i-check kung may buhay pa ba sa 14 na lalaking nabaril nila. "Bubuhatin na lang kita." ani Nathan na agad ng lumapit para sana buhating na s'ya ng inis na itinulak n'ya ito at sinamaan ng tingin. Napayuko naman si Nathan na dumistansya pero sumunod si Abby at pinag susuntok ito sa balikat. Panay lang naman ang daing ni Nathan na napapangiwi na pinipilit na umilag. Ang bigat pa naman ng kamay ni Abby parang kahoy. "Hindi ako nasaktan nung tumalon ako sa cliff pero

