Sophie's Pov Andito na kami sa Mall ni Calex at hinihintay na lang si Lacey pero sa kasamaang palad hindi daw siya makakapunta dahil may sakit siya. Wow! Ang galing ngayon pa talaga kung kailan kasama ko si Calex. Napalingon ako kay Calex nagtitingin-tingin sa paligid. Hindi niya pa alam na hindi makakapunta si Lacey dahil kakatawag palang saakin ni Lacey! Humanda talaga yang babaeng yan sakin pag nagkita kami! Grr. "Where is she?"tanong ni Calex ng lumingon siya saakin. Napabuntong hininga ako at umuling."Hindi daw siya makakapunta, may sakit."paliwanag ko. Tumango siya at parang napangiti. "Come on."hinila niya ako. "Saan?"tanong ko. "I'm hungry."ayy oo nga nakalimutan naming magbreakfast. Napunta kami sa isang fast food at nagorder ng pagkain.

