#3. XZANZ

2293 Words
Sophie's Pov   Nakatulala lang ako at wala akong balak makinig sa lesson namin sa history another boring day for me. Napabuntong hininga ako lalo na ng makaramdam ng antok.   "Pst!"kinalabit ako ni Lacey dahilan para lingunin ko siya.   "Kyaaah! Share ka naman diyan."kinikilig ng sabi ni Lacey saakin.   "Tss."I'm not in the mood.   "Kj."sambit niya habang nakanguso.   "Ms. Mitelu and Ms.Kizume, are you two listening?"tanong ng Ma'am namin na naspecial mention pa kami dahil sa pagiging tsismosa ni Lacey.   "Ah opo ma'am! Hehe!"nagVsign si Lacey, yan ang ingay ingay kasi!   Pagkatapos ng mahaba-habang discussion at quiz sa lahat ng subject namin finally uwian na! Almost half day lang kami sa Xelca University. So bale 7:30-3:00 PM ang sched namin.   Unang subject namin ay English, hmm..magaling ako sa english laging 1+ ang grade ko diyan   Next naman ay Science...medyo hindi ko hilig yang magexperiment-experiment or magcompute ng formula wala akong planong magexplore sa moon or sa outer space di kaya mag experiment ng mga potion at mas lalo na wala akong planong maging scientist about Human nature, animal nature, etc... laging 2 lang ako doon. Yeah I sucks right? Tss.   Tapos ang mga sumunod ay mga major na namin.   At ang pinakafavorite ng lahat ay break time!   And last P.E ...kaya tuwing uuwi kami pagod-pagod kami galing sa university grabe kasi ang P.e namin eh. I know physically fit ako ang kaso wala lang talaga ako hilig magPE! Eh sa wala akong interest sa track n' fields.   "Phie!"Amp! Ilang beses ko bang sasabihin na wag na niya akong tatawagin sa palayaw na iyan! Siya lang naman ang tumatawag saakin niyan eh!   "Phie!"   Nagsimula nanaman ang mga bulung-bulungan. Tss!   "Ang sweet naman nila."   "Sila ba?"   "So hindi ba totoo na nililigawan siya ng Leader ng X-Deaoul Gang si Calex?"   "Ang Cute nila Kyaaaaaah!"   "Ang daming Nalilink sakanya!"   "Wala na talaga tayong chance kay Sophie."   "Phie!"tawag lang siya ng tawag saakin.   Ako?ayun dedma kunyare wala akong naririnig. Hanggang sa madaanan ko ang grupo nila Pamela kaya napahinto ako. Hindi ata nila ako napansin dahil narinig ko pang nagsalita si Pamela.   "Sino ba yang lalaki na yan? Stalker ni Sophie?"naiiritang tanong ni Pamela, right si Pamela the selosa girl.   "Base sa info niya sa school I heard na isa siya sa pinaka mayaman dito sa Xelca University, may-ari sila ng isa sa mga pinakamayaman na Insurance ang pamilya niya at pinakasikat ang kompanya dahil pinagkakatiwalaan ito at maraming sikat na tao ang kumukuha dito."sabi ng isa niyang alipores.   "Ganun siya kayaman?"nakangangang tanong ni Pamela."Then paano siya naging kakilala ni Sophie?"tanong niya pa.   Curious na curios? Napaghahalataan ah.   "Kababata nila si Xzanz at the same time may something daw sakanila."sabi ng isa pa niyang alipores gamit ang DUH tone. In fairness naman sa mga kaibigan niya puwede silang maging investigator. Tama ang mga info na nakalap nila.   "Shut up!"utos ni Pamela dito at inirapan ang babae.   Pamela suit her personality because Pamela name ay pinaikli na Pakialamera.Harsh? Me? I Know that Darling!   Maya-maya pa may mga braso na umakbay saakin. Akbaynapper!   "Alis. Chansing ka lang eh!"siniko ko naman siya dahilan para mapa'aww' siya pero hindi ko iyon pinansin.   "Sus."hinimas niya iyong tagiliran niya na siniko ko."Uuwi ka na ba?Hatid na kita?"alok niya.   "Huh?Hindi pa eh."umiling ako."Pupunta pa ako sa Sm para kasing gusto kong kumain ng Mr.Binatog."   "Kumakain ka na non?"amazed na tanong niya saakin.   Kumunot ang noo ko. Dati pa naman ako kumakain nun ah!"Oo. At kung hindi ka nainformed matagal na."pataray na sinabi ko sakanya.   Tumango siya saakin. "Sige samahan na lang kita."he said.   "Pero tek---"wala na nahila na niya ako.   We finally reached SM at dumiretso agad kami sa stall ng nagbebenta ng Mr. Binatog.   "Anong flavor ng sa iyo?"tanong niya saakin at sinulyapan ako.   "Natikman ko na iyong quezo real at yung milky way pati yung isa pero I don't like chocolate na binatog so I go with Milky way it's so yummy!!"mahaba kong sagot. Nagcra-crave talaga ako sa Mr.Binatog ngayon dahil ang tagal ko din kasing hindi nakakain nito e.   "Ate, dalawa nga pong Milky Way. Medium po."sabi ni Xzanz, binayaran na niya libre daw niya ako eh. Haha!Syempre hindi ako tatanggi masamang tumanggi sa grasya no!   Hinihintay namin iyong binatog ng biglang magvibrate iyong cellphone ko...   ~ You Don't Know Me, You Don't Know Me. You Don't Know Me, You Don't Know Me, So, Shut Up, Boy. So, Shut Up, Boy. So, Shut Up, Shut Up. ~   Miss A yung Ringtone ko. Favorite ko kasi si Suzy Bae e.   "Wait."tumango siya saakin kaya naman lumayo muna ako saglit sa kinatatayuan ni Xzanz para sagutin ang tawag.   "Oh?"bungad ko, sus sayang effort ko kung maghehello ako sa Jerk na 'to noh.   "Tss! Where Are you?"tanong niya.   "Nasa Sm may kadate ako."sagot ko.   Narinig ko ang marahas na pagbuga niya ng hangin sa kabilang linya pero hindi ko na lang iyon pinansin."May laban tayo ngayon. Asan ka na ba?"naiirita niyang tanong.   "Pass na muna ako diyan. Kasama ko ngayon si Xzanz eh."sabi ko na nakatingin lang kay Xzanz habang kinukuha iyong binatog namin kay Ate na nagtitinda.   "Aish!" Siraulo talaga 'yon babaan ba daw ako!? Napakagentledog niya!   "Phie oh?"napalingon ako kay Xzanz, inabot niya yung binatog saakin.   "Ang init niya pa noh mukhang masarap."nakangiti niyang sabi saakin at sumubo ng binatog.   Mahina akong tumawa." Thank you."kinuha ko na yung akin.   "Hmm..greenwhich naman tayo?"pag-aaya niya saakin.   "Sige ba basta libre mo?"I grinned at him.   Pabiro siyang bumuntong hininga. "Ano pa nga ba?"ngumiti siya kaya dali-dali ko siyang kinaladkad papuntang greenwhich at umorder kami ng pizza yung pang 12 na tao yung kakain. Grabe! Aksaydo talaga 'to sa pera.   Nilapag na nung waiter yung Pizza namin. Nakakatakam."Lets eat!"I told energetically.   "Hinay-hinay lang, Phie ang dami naman nito eh."natatawa niyang sabi saakin habang pinanunuod ako kumain.   "Minsan ka lang kaya manglibre."sagot ko sakanya habang kumakain ako ng pizza. Hindi ko alam kung naintindihan niya dahil puno ang bibig ko ng magsalita ako.   Natawa na lang siya habang ako naman dedma lang basta kumakain ako dito masaya na ako.   Calex's Pov   Tss! They have a date, huh? Edi Magsama sila ng lalaking iyon!   Napatingin ako sa cellphone ko na tumalsik sa pader pagkatapos nagkahiwa-hiwalay sa sobrang lakas ng pagkakabato doon.   The hell I care! I'll just buy a new one. Darn!   "Oh, Calex bakit mo binato yung cellphone mo?"tanong ni Luke sabay turo sa cellphone ko na basag at sira na.   Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi sumagot.   "Si Xzanz. Kababata siya ni Sophie dumating na pala siya."bungad saakin ni Ren na kadarating lang sa A.Room. Walang puwedeng pumasok dito kundi kaming anim lang pero hindi naman pumapasok o pumupunta dito kahit isang beses lang ang babaeng iyon. Sabagay hindi naman alam ng lahat na fiancée ko siya bukod sa gang namin, sa pamilya namin at sa mga relatives. Mas lalong nagiinit ang ulo ko pag naalala ko si Sophie. She's with another man right now! f**k!   "Si Xzanz? Kailan pa?"tanong ni Cedric.   "Ewan. Kanina ko lang siya nakita eh hila-hila si Sophie mukhang may pupuntahan ata."napakamot na lang sa batok si Ren ng lingunin ko siya at panliitan ng mata.   Nayupi ko iyong Coke in a can sa galit ko. Sinasagad talaga ng babaeng iyon ang pasensya ko.   "Calex, r-relax lang."pagpapakalma saakin ni Luke. As if that will help.   Are they dating? Nakita ko pa silang naghalikan kanina kahit na ilang beses ko ng sinabi sakanya na ayokong nakikita siyang nakikipaghalikan kung kani-kanino! What was that for?!   "f**k Him!"I hissed.   Tumayo na ako at padabog na shinoot sa basurahan iyong nayuping can dahil sa galit ko.   "Saan ka pupunta?"tanong ni Cedric.   "Ano pa. Edi magpapakastalker nanaman yan kay Sophie."si Z ang sumagot.   Nagtawanan naman silang lahat pero natigil din dahil sinamaan ko sila ng tingin.   "I'll come with you, Calex."sabi ni Ren.   "Syempre kami din."sabi ng mga siraulo kong kaibigan.   Napailing na lang ako at lumabas na.   Pagkapasok ko sa Sm ay agad hinanap ng paningin ko si Sophie. Tinawagan ko siya kanina, wala talaga kaming laban dinahilan ko lang yun dahil gusto kong malaman kung nasan siya. Gusto kong malaman kung sinong lalaki nanaman ang mabubugbog kong kasama niya.   Napahinto ako ng matanaw ko siya kasama ang kababata niya.   Naisip kong baka nasa Greenwhich siya dahil paborito niya rin kasi doon at hindi nga ako nagkamali andoon nga siya kumakain ng pizza kasama si Xzanz. Uminit yung dugo ko sa nakikita ko sinusubuan siya ng tarantadong lalaki na iyon! I'm going to rip that hands! Pasalamat siya at importante siya kay Sophie kung hindi dadanasin din niya iyong nangyari kay Rick at sa iba pang lalaking nagtangkang agawin si Sophie saakin.   The sight of them irritates me.   I hate that f*****g man! Dahil siya lang ang tanging lalaki na dumidikit dikit kay Sophie na walang latay sakin. Mahalaga siya kay Sophie at kahit masakit aaminin kong wala akong magagawa kundi hayaan siyang nabubuhay at umaaligid-aligid kay Sophie. Ayokong kamuhuan ako ng babaeng mahal ko balang araw kapag nalaman niya ang mga pinaggagawa ko. Hindi ko siya puwedeng patumbahin dahil alam kong pag nalaman ni Sophie iyon kahit na malinis akong gumawa alam ko pa rin na maaaring malaman niya at siguradong magagalit siya saakin at baka takbuhan niya pa ako sa kasal namin pag nagkataon. I can't let that happen.   Ilang taon ko bang hinintay na makasal kami? I've waited and waited. Ngayon na halos abot kamay ko na hindi ko puwedeng basta na lang bulilyasuhin ang lahat ng iyon.   I'm sure I'll get my chance to kill that bastard. I'll wait for that.   Tumawa si Sophie kaya naman naagaw nito ang atensyon ko."Talaga, Xzanz? You really said that to a girl? Wow! Just wow!"itinaas ni Sophie ang dalawang kamay sa ere habang umiiling-iling sa kausap.   "Nakakainis na siya eh gawin ba naman akong alalay."   "Hindi ko lang talaga inexpect na sasabihin mo iyon. Ikaw kaya si Mr.Good Guy sa school bago ka umalis at nag ibang bansa."she continued eating while laughing with that f*****g man.   She's laughing...   She's laughing...   She's laughing...   Nagpaulit-ulit lang sa utak ko ang nasambit ko kanina. Bakit ba sa iba ang dali lang niyang ngumiti bakit pag saakin---f**k! Ganun ba talaga niya kaayaw saakin kaya pagkasama niya ako hindi niya magawang ngumiti kahit kaunti lang?   Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad habang naririnig ko pa rin sa mga tenga ko na ang tawanan nila. Kasama ang ibang lalaki at Hindi AKO!   Fucking s**t! Mas masakit pa yata 'to sa mga suntok o pasa na natatamo ko sa mga laban.   I wanted to punch someone. Pero hindi ko alam kung sino. I gritted my teeth while I go to the exit of the building.   Narinig kong sumigaw pa sila Luke at hinabol ako pero hindi ko pinansin iyon at pinaharurot na lang itong sasakyan ko.   I want to go somewhere else that I won't think about her. Good thing may nadaanan ako kanina habang papunta ako sa Sm ng isang bagong bukas na bar. I'll check it out. This is so f*****g unfair! Why am I the only one who's getting affected of all this shits! I should never care for her in the first place! I should have never love her in the first place!   Sophie's Pov   Maya-maya pa naisipan na rin naming umuwi ni Xzanz. Palabas na kami ng Sm ng matanaw ko sila Ren.   "Ren!"kumaway ako sakanila habang papalapit kami sakanila.   Nilingon nila akong lahat.   "Anong ginagawa niyo dito? Asan si Calex?"tanong ko sakanila.   Hindi naman sila sumagot at nagsiiwasan sila ng tingin saakin.   "Ano kasi, Sophie eh...."hindi masabi ni Luke. "f**k! Ren, ikaw nga ang magsabi!"hindi siya mapakali.   "Huh?"sabay turo ni Ren sa sarili niya. "Ako? Ayoko pang makatikim ng suntok kay Calex noh."umiling siya at tinuro niya si Z.   "Bakit ba! Anong nangyari kay Calex!"hindi ko na mapigilan ang pagtaas kaunti ng tono ko. They're making me worried! "Sasabihin niyo ba o pagsasapakin ko kayo diyan!"umamba na ako na sasapakin ko silang lahat kaya naman mas mabilis pa sila sa kidlat kung magsalita, sabay-sabay pa.   "Nakita kayo ni Calex ayunnagwalk-out."si Ren.   "NakitakayoniCalexsiguradongmaymazamangmangyayaridoon."si Cedric   "Hinabolnaminsiyaperowalaeh."si Ren.   Wala akong naintindihan maliban sa 'nakita kayo ni Calex' na part.   "Nasan siya?"tanong ko, nakangiwi.   "Nagmamadaling kumaripas ng takbo ayun naglaho. Galit yon panigurado."sagot ni Ren.   "Saan naman natin siya hahanapin?"tanong ko. At bakit siya galit?   Biglang tumunog iyong cellphoe ni Z. Kaya napabaling kaming lahat sakanya.   Sinagot naman niya ang tawag at pagkatapos ay binaba na niya yung tawag kaya agad ko siyang dinumog ng tanong.   "Ano sino yan? Si Calex ba yan? Nasan siya? May masama bang nangyari sakanya?Ha, Z sumagot ka!?"sunod-sunod kong tanong sakanya.   Pag galit pa naman iyong may maaring mangyari na masama.   He's making me worried!   Basag ulo ang lalaki na iyon eh.   "I think I know where he is..."pagkasabi ni Z sa mga 'yon agad kong hinila si Z at sinenyasan si Xzanz ng 'good-bye-look'. Tumango naman siya tapos ngumiti habang yung mga co-gang ko naman nakasunod lang sa likod namin ni Z na nakangiti. Baliw na ba sila?   "Where's that place?"ako na ang umupo sa driver seat ng kotse.   "Just drive I'll tell you where it is."sagot ni Z   "Okay."ini-start ko na ang makina ng sasakyan at pimaharutot ko na paalis.   Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bar at madali kong nahanap si Calex syempre kung saan may kumpulan na mga babae malamang andun si Calex.   Nag-give way sila saakin dahil sinamaan ko sila ng tingin. Nagulat lang naman ako sa nakita ko.Wow! nagpakahirap pa akong maging concern sakanya iyon pala ito lang ang makikita ko? Hindi ko mapigilan ang mapairap.   Napafacepalm na lang ako at pagod na bumuntong hininga. Sinayang ko lang ang pag-aalala ko sakanya mukhang okay naman siya. In fact I think he's having a good time.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD