ILANG araw na ang nakaraan simula nung makaalis si Henry sa hospital at na discharge. Kung mayroon mang parating bumabagabag sa akin 'yon ay kung bakit bigla kong naalala si Tita Frida noong sinabi ni Henry ang katagang 'yon.
Yeah, it really feels like dejavu.
Tita Frida one and only person who helped me... Ang tanging taong naniniwalang hindi ko gusto ang mga nagawa kong mali. Ang taong ayokong pag-usapan pa. Ang taong pilit kong inaalis sa aking isipan at memorya...
Henry was adamant about the accident. He always assures me that everything is great through messages and phone conversations. At gaya noon gusto muna niyang pag-isipan ang sinabi ko.
Sa totoo lang hindi rin mapirmi ang konsensya ko sa mga sinasabi niya. Hindi sapat... But I simply wait for him, and if it doesn't please me, I'll go on. Talagang babagsak ako sa kulungan. Kusa kong ibabagsak ang sarili.
Hindi na kami nakapag-usap pa ng maayos ni Sir Tristan simula nung hinatid niya ako sa hospital sa kung saan si Henry. Simula nung nagkaroon na siya ng trabaho hindi na kami masyadong nagkikita kahit pa nasa iisang bubong lang kami.
Sa tuwing umuuwi siya ay tulog na ako at sa tuwing umaga ay wala na siya at umalis na para sa kanyang trabaho, kahit pa pilit akong gumising ng umaga para maabutan siya, talagang hindi nagtatagpo ang mga landas namin.
So now I decided to wait for him. Alas tres na ng umaga at hindi ko alam kung ilang kape na ang nainom ko para lamang huwag dalawin ng antok.
Kaagad akong napasinghap at para bang nawala ang aking antok ng marinig ang pagbukas ng pintuan. Kumaripas ako ng takbo papunta sa sala. Nang magkasalubong ang mga mata namin nakitaan ko kaagad ito ng gulat.
"You're still awake..." Aniya, hindi ko matukoy kung ano ang pinaparating niya.
Humigpit ang hawak ko sa aking cellphone na ginawa kong libangan para hindi antukin. I licked my lower lip.
Now I know. Totoo nga ang pakiramdam ko.
"Sinasadya mo bang umuwi ng ganitong oras para hindi tayo magkita? At talagang ang aga mo pang umalis..." Wala akong pakealam kung tunog nagtatampo na ang boses ko ngayon.
May pinaglalaban din ako rito! Ngunit ang tanong... Tama ba ang pinaglalaban ko?
Tumikhim siya bago dumiretso sa kusina. Sinundan ko siya ng tingin, ngayon ko lang siya nakitang nakasuot ng button down shirt. Parang v-neck shirt lang naman ang pormahan niya noong wala pa siyang trabaho.
"Ano naman nga 'yon kung iniiwasan kita?" Malamig niyang tanong bago lumagok ng tubig.
My jaw clenched. Ni hindi man lang talaga dineny...
"Why would you avoid me?"
He shrugged. "Cos, I want to?"
Kase gusto niya... At alam niyang kahit saang banda man siya magpunta ng mundong 'to, kagustuhan niya ang masusunod.
"Iyan lang ang rason mo?" Pilit kong itinatago ang pait sa aking boses ngunit talagang hindi ko ito mapigilan.
Nagkibit-balikat siya ulit bago wala g pasubaling tinalikuran ako. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong makalayo sa akin.
Hinapit ko ang kanyang batok palapit sa akin at walang pasubaling hinalikan siya, even though I still don't know how to kiss properly.
I felt him stilled ngunit kalaunan ay gumaganti na rin sa aking halik. Hanggang sa naramdaman ko na lamang na buhat na niya ako papunta sa kanyang kwarto. Mahigpit ang hawak niya sa aking puwitan, tila natatakot na parang anong oras ay bibitaw ako sa aming halik.
Naging marahas at mabibigat na ang kanyang mga halik and I kissed him back with same intensity.
"Nibble my tongue," he said quietly, and I quickly agreed.
Gaya ng sinabi niya, sinipsip ko ang kanyang dila na siyang nagpaungol sa kanya. Oh... It's like a song to my ears.
Mas lalo kong sinipsip ang kanyang dila at walang balak na huminto sa ginagawa. Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang malambot na kama sa aking likuran.
Marahan niya akong nilapag sa kama, still not breaking our kiss.
He broke the kiss first, nagkatitigan kami sa isa't-isa. Nakita ko kung paano siya pumikit ng mariin bago umalis sa pagkadagan sa akin. Kumunot ang noo ko, hindi alam ang kanyang inaakto.
Umupo siya sa dulo ng kama at doon parang pinapagalitan ang sarili. Sinabunutan pa niya ang kanyang sarili!
"W-what's wrong?" Nauutal kong tanong.
Noon naman kung ginagawa namin 'to... Wala naman siyang balak tumigil pero balit siya nagkakaganito ngayon?
Nilingon niya ako bago bumuntong-hininga at tumayo na para bang walang nangyari.
"Matulog ka na." Aniya at aakmang papasok sa CR nang hinablot ko muli ang kanyang braso hindi dahil para salubungin ulit siya ng halik kundi salubungin ng sampal.
Umigting ang kanyang panga dahil sa aking gianwa but I couldn't care more. Wala akong pake kung magalit siya sa akin ngayon.
Bakit parang gusto kong umiyak ngyon?! Damn, why I am feeling this, huh? Yeah, just dammit!
"Bakit ka ba ganyan? What's wrong, Tristan!?" Tumaas na ang aking boses at pakiramdam ko kahit anong oras ay tutulo na ang luha ko.
He laughed. "What's wrong in ignoring my maid?"
Ilang libong punyal ang tumarak sa aking puso ng marinig ang sinabi niya. Maid. Kasambahay. Clea, what a loser you are!
Napatango ako. I assumed too much. Tama nga si Sir Jakar... I should have listened. Well, enough of your regrets Clea.
I chuckled like nothing happened. "Uh, okay, Sir Tristan. I'm sorry if I crossed the line. Pinapangako ko, hindi na mauulit." Paghingi ko ng umanhin at bago yumuko.
Umalis ako sa kanyang kwarto na mayroong mabibigat na hakbang at puso...
Nang makapasok ako sa aking kwarto kaagad akong lumundag na parang isang patay. I shouldn't have kissed him. Sana pala ay hindi ako umasta na parang isang girlfriend— It's because I really assumed that there's something special happen between me and him!
Oo meron nga! Hindi nga lang espesyal! Kasambahay at amo! Iyan ang namamagitan sa amin.
Dahan-dahan kong pinunasan ang mga luhang lumandas sa aking pisnge. Ayos lang. At least hindi nagtagal diba? Kase kapag nagtagal 'yon... Hindi lang ganito ang aabutin ko.
Sana pala ay naniwala na lang ako kay Sir Jakar. Ang tanga tanga ko. Sir Jakar knows everything on him. Lahat lahat. Kabisado na niya si Tritan pero umasa pa rin ako na baka mali ang mga iniisip niya sa kanya.
Baka pinagtawanan na ako nun...
Sa gabing 'yon pinilit ko talagang matulog... Gawi sa mga kapeng nainom nahirapan akong matulog ngunit nung nagsimula akong umiyak nakatulugan ko na ito... Great.
Napagising ako dahil sa isang ring ng aking cellphone. Merong tumatawag. Kumunot ang noo ko ng makitang nasa side table na ang aking cellphone...
Nasa bulsa ko ang cellphone ko kahapon... Baka nalagay ko tas nakalimutan ko lang? Pinilig ko ang aling ulo dahil sa iniisip bago kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag na hindi man lang tinitignan kung sino ang tumawag.
"Hello..." I answered the call in a sleepy voice.
Ganito pala ang pakiramdam kapag hindi ka nakakatulog dahil sa kape? Ang sakit ng ulo ko. Daig pa ang hangover.
Ilang segundo akong naghintay pero walang sumagot.
"Hello? Magsalita ka nga..." Bahagyang bulyaw ko, nakapikit pa rin. "Kung hindi ka sasagot, huwag kang tawag ng tawag! Alam mo bang kung anong oras pa! Nang-bwe-bwesit..."
"Yeah, I know."
Parang nawala ang antok ko sa narinig na boses. Hindi ako pwededng magkamali. He called me... Bakit?
I gritted my teeth.
"I already picture out on mind of what your reaction right now."
Hindi ako umimik. Is it hypocritical of me to admit that this call made my heart feel better?
Hinding hindi talaga ako iimik! Manigas siya.
"Could you just not hang up? Hearing your breathings is good with me. It's enough." Aniya na puno ng pait at... Sakit.
Heto na naman ang mga traydor kong luha.
"Please, Versoza, I've missed you; the past several days have been a living nightmare for me..."