"ANONG ginagawa mo?" Mahinang tanong ko, dahil ang kanyang malapad na likod ang unang bumungad sa akin sa kusina.
Wala siyang suot pang-taas at nakahubad baro lamang, he's wearing an apron. Hindi ko alam kung ano ang niluluto niya pero ng malanghap ang mabangong amoy nito kaagad ako nakaramdam ng gutom.
Pasimple niyang sinulyapan bago bumalik ang atensyon sa kanyang niluluto. Dapat ako ang nagluluto ngayon...
"Cooking?"
The side of my lips raised. Pilosopo rin ang isang 'to kahit kailan. "Hindi ba obvious?"
He sexily chuckled. "I'm preparing our breakfast."
Napasulyap ako sa wall clock bago kumuha ng apron. "Ako na d'yan, baka malate ka pa-" akmang kukunin ko sa kanyan ang kanyang hinawakan ng kaagad niya itong nilayo sa akin.
"I don't have a work today."
"Bakit wala? Hindi naman weekends-"
Tumikhim siya at tinignan ako na mayroong ngisi sa labi. "Walang bawal sa akin, Clea. I can do whatever I want."
Tanga, Clea. Bakit ko nga ba nakalimutan? Talagang walang mangingialam kung tatrabaho man siya o hindi! I suddenly want to go on his company. Gusto kong bumisita...
He just cooked some typical breakfast. Fried rice, omelette, hotdog, bacon and waffle with whip cream. Nang matikman ko ito kaagad akong napasimangot, why is it so unfair? Kalalaki niyang tao tapos ang sarap niyang magluto! Mas masarap pa siyang magluto kesa sa akin.
Well, wala pa naman akong narinig mula sa kanya tungkol sa mga pagkaing niluluto ko, kung ano ang ihahain ko sa kanyang harapan kakainin naman niya ito ng walang pag-alinlangan.
"Hindi ka ba busy ngayon?" Aniya sa kalagitnaan ng pagkain.
"Diba dapat ako ang magtanong sa 'yo n'yan? Sa bahay lang naman ako parati." Sagot ko at bahagyang napangiwi.
He frowned. "Really? Bahay parati?"
Napakunot ang noo ko dahil sa tono ng kanyang boses. Ako pa talaga ang pinag-duduhan ng isang 'to? Dapat siya ang pagduduhan ko diba? Siya ang kaduda sa aming dalawa!
"Hindi ko alam na bahay na pala ngayon si Dela Fuente?" Makahulugang tanong niya at talagang diniinan pa ang pagbanggit sa apilyedo ni Henry.
Hindi ko mapigilang mapainom ng tubig. Nakuha niya ako roon ha...
"Nagkataon lang 'yon."
"I don't think so."
Hindi na ako umimik at pasimpleng inirapan na lamang siya. Ngayon na napag-usapan namin si Henry... I immediately felt horrible as I realized that I had left him on the beach the day before to deal with this man in front of me right now so that I could live a calm life... Pero kabaliktaran naman ang nangyari.
"You don't know how worried I was when-"
Napangiwi ako dahil sa kanyang kadramahan. "Ikaw din naman ang may kasalanan! You ignored me for almost two weeks-"
He rolled his eyes heavenwards. ''Yeah, but I will still be faithful and loyal to you. Unlike you, kung hindi ako dumating baka nahalikan ka na ng gagong 'yon." Seryosong saad niya.
Napangisi ako. Napaka-seloso naman pala ng lalaking 'to...
"Akala ko ba ay kakalimutan na natin ang mga nangyari kagabi?" Mapanuyang tanong ko.
Siya mismo ang nagsabi na kalimutan na naman ang mga nangyari kagabi upang para sa ikakatahimik naming dalawa, but he's bringing it right now... Scam.
He sighed, probably, before he shook his head. "Fine. Eat more; you're losing weight. " Pagsusuko niya at pinuna ng pagkain ang aking plato.
Nalaglag ang panga ko, punong-puno ang plato ko! Para na itong sasabog dahil sa puno! Kaagad ko siyang sinamaan ng tingin ng mag-angat ako ng tingin sa kanya.
Nagkibit-balikat siya. "Dapat higit pa d'yan ang kainin mo, Clea. You look so skinny. Bakit ba ang payat payat mo? Hindi naman kita iniiwanan ng maraming trabaho rito sa bahay, ah?"
"Syempre, ito na talaga ang katawan ko..." Sagot ko habang nakatingin sa pagkain, nag-iisip ng paraan kung paano ko ito kakainin lahat.
Inilagay na niya sa aking pinggan hindi ko na pwedeng ibalik pa ito roon sa pinanggalingan.
He took a sip of his coffee while looking at me intently. From now on, stop doing the chores. We'll just call one of Jakar's maids to clean here for us"
Napaawang ang aking bibig. Hindi niya ako papatrabahuin? Eh anong gagawin ko rito sa bahay niya?
"Bakit hindi? Atsaka wala naman akong ibang gagawin. Don't bother to do that-"
"No household chores for you anymore." Giit niya.
"Pero Tristan-"
"That's final, Clea." Giit niya muli.
I don't think I can win against him. Wala akong nagawa kundi tignan na lamang siya ng masama habang nakangiti ito sa akin ng malawak, na para bang nanunuya.
Ilang minutong katahimikan ang nanaig sa amin bago niya ito binasag. He cleared his throat.
"Don't you want to go to school?"
Kaagad nitong nakuha ang atensyon ko dahil sa kanyang tanong. I blinked many times, hinihintay na bawiin niya ang kanyang sinasabi.
Hindi ko alam kung gusto ko pa nga bang tapusin ang aking pag-aaral. My heart want to, iyan naman talaga ang isa sa mga pangarap ko 'eh. To finish my studies. Pag-aaral lang ang kayamanan na meron ang mga taong kagaya ko... But my mind oppose what my heart says. Natatakot ako na baka makasakit lamang ako ng ibang tao roon.
I gasped. "Maybe...?"
His forehead knotted. "Why, maybe? Kung makakapagtapos ka ng pag-aaral, I'll immediately hire you as my secretary-"
Pagtatapos agad? Ni hindi ko nga alam kung ano ang kursong gusto ko. Isa ako sa mga taong hinding makagawa ng isang matibay na desisyon.
Napanguso ako bago sumubo ng waffle. "Pag-iisipan ko pa... Don't you think I'm too old to enter school-"
"There's nothing wrong about it, at isa pa hindi naman halata sa itsura mo ang iyong edad. I could even be sued for child abuse if someone saw us publicly. You still look like a teenager." Aniya at bajagyang tumawa.
Pinilig ko ang aking ulo. "You're exaggerating."
Tumawa lamang ito. ''Just think of it, Clea, and when you have finally made up your mind, just tell me anytime.''
I nodded modestly. "Thank you..."
So this is how it deels when someone is always on your back, huh? I love this feeling. Ayokong mawala...
Naputol ang titigan namin ng marinig ang pag-ring ng telepono. Akmang tatayo na ako para sagutin ito ng siya na mismo ang tumayo.
"Just continue your food." Aniyang habang bitbit ang kanyang tsaa. Tapos rin naman na siyang kumain...
Dahil sa saya na nararamdaman ay para akong nabingi sa lahat. Ni hindi ko na narinig kung anonang pinag-usapan nila doon sa telepono at kung sino ang tumawag.
I giggled... Papasok na ako sa paaralan... Ano kaya ang pakiramdam na makahawak ulit ng notebook at ballpen?
"Clea..."
"Hmm?" I replied shortly while my whole attention is on the food.
"Henry's grandfather..."
Dahan-dahan akong natigilan dahil sa kanyang sinabi. Nilingon ko siya at nakita ko kung paano niya hinilot ang kanyang sintido.
"B-bakit?" Hindi ko alam pero parang dahan-dahang nabubuhay ang takot sa aking puso.
"He's at stake right now..."