Chapter 48

1215 Words
"CONDOLENCE." Ito ang salitang naririnig na paulit-ulit ni Henry ngunit wala ka namang nakukuhang sagot mula sa kanya. Tulala lamang siya… Siguro mabuti na ito kesa pilitin niya ang kanyang sarili na ngumiti sa mga tao. Right now, Henry is like a baby, so fragile and sensitive. Lalo na nung malaman niyang binawian na ng buhay ang kanyang Lolo. I couldn't explain how shock he was. Parang sirang plaka na nakatatak sa aking utak ang kanyang reaksyon nung nagdaang araw. Napasulyap ako sa kapeng ginawa ko bago ito dinala sa kanya. Ni ang pag-upo ko sa kanyang tabi ay hindi niya napansin saka lang niya ako napansin ng binigay ko na sa kanyang tasa. Sinulayapan niya ng isang beses ang kape bago tipid na ngumiti sa akin at tinanggap. "Thanks." He said coldly. I understand... Gusto kong sabihin sa kanya na marami pang tao na handang maging balikat niya sa tuwing iiyak siya pero hindi ko alam kung paano sabihin. I don't want to offend him with words that will surely offend him. Ayokong iparamdam sa kanya na mahina siya ngayon. "You don't have to do this, Cle..." Aniya habang nakatingin sa harap niya, the coffin of his late grandfather. I bit the inside of my bottom lip. "I don't want to be a burden; you have your own life." Kaagad akong napailing. "Hindi 'ah! Atsaka, alam ko kung paano kabigat ang nararamdaman mo ngayon... I've been there." Biglang sumikip ang aking puso, just thinking about my parents funeral really broke my heart. At sabay pa talaga, iyon ang pinakasakit. A pain that is so freaking unbearable. "Did your family throw crap at you as well?" Aniya na siyang nagpahigpit ng hawak sa laylayan ng aking damit. Nang maramdaman niya ang aking katahimikan kaagad siyang bumuntong-hininga. "I'm sorry for that." Sinseradong saad niya. Ngumiti ako ng tipid. That's why I'm by his side right now. Dahil alam ko kung ano ang pakiramdam nang mawalan at ang pakiramdam na ikaw ang sinisisi sa lahat ng kamalasang nangyayari sa kanilang mga buhay. ''I may appear to be a jerk, yet I am completely reliant on him. I'm not sure I'll be able to live without him.'' Hinawakan ko ang kanyang braso para kunin ang kanyang atensyon. Ang buong atensyon niya. "You should and you will. Hindi mo alam na meron ring tao na hindi kaya na mawala ka." Walang kabuhay buhay na ngumiti siya. "Who?" "Hanna..." He c****d his head and smirked. ''That is something I seriously doubt. She despises me just as much as our aunt does... " Aniya at nagkibit-balikat. "Edi ako!" Taas-noong sagot ko na siyang ikinatawa niya ng bahagya. "I also doubt that." I pouted. "It's true! Na-mimiss ko kaya ang pangbwebwesit mo." "Iyan lang ba?" Ngumisi ako bago pinisil ang kanyang pisnge. "Kagwapohan mo rin?" He smiled evilly. Finally... There! "Expected." Mayabang niyang saad na siyang ikinangiwi ko. "Just drink your coffee, Hens. Lumalamig na 'oh." I pointed at the coffee I make. I hope he will loosen up on me. He's just too tight on himself and it's so damn hard to break it. Akmang tatayo na ako ng mahagip ko ang isang pamilyar na bulto sa grand entrance ng funeral setting. Napakurap-kurap ako ng makita kung gaano kadilim ang kanyang aura... Na para bang pinagsakluban siyang langit at lupa. When I saw him turning his back kaagad akong nagpaalam kay Henry at hindi na hinintay ang kanyang sagot upang habulin si Tristan. Lihim akong nagpasalamat sa langit ng maabutan ko pa siya, pwersahan kung hinila ang kanyang braso pero hindi man lang siya natinag parang ako pa itong nahila dahil sa kanya. Nang nilingon niya ako para akong binuhusan ng malamig na konsensya sa kanyang mukha na parang pagod na pagod. "Tristan..." I trailed off. Nag-iwas siya ng tingin bago pinasadahan ng dila ang kanyang mapupulang labi. When he looked at me straight in the eyes, my knees shook. "Kailan ka uuwi?" Seryosong tanong niya. I gasped and looked away. Hindi ko alam kung kailan... Kung ayos na si Henry? Pero hindi ko pa alam kung kailan! I just couldn't leave him... Hindi kakayanin ng konsensya ko kung ano man ang maaring gawin niya sa kanyang sarili. Alam kong buong angkan niya ay galit na galit sa kanya. Tumikhim siya at binawi ang kanyang braso na hawak ko. "Hindi mo alam?" "Tristan, Henry still isn't-" "Still isn't what, Clea? Was he so terribly hurt that he couldn't afford to lose you by his side?" he mockingly inquired. Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya? Bakit ba siya ganyan? Can't he be considerate just for once? Why is he so insensitive? "Tristan, Henry needs me-" "Damn, Clea! I need you too! Ilang araw ka ng hindi umuuwi! Ano, lilipat ka na ba sa kanya-" "Tristan bakit ba ganyan ka?!" Pagak siyang tumawa. "Bakit nga ba ako ganito, Clea? Damn, baby, I need you more than he do! Please, umuwi ka na sa akin..." Parang piniga ang aking puso ng marinig ang kanyang boses. I swear to God, pagkatapos ng lahat ng to, uuwi ako sa kanya! Hindi ko naman siya tatakbuhan! Walang araw na hindi ako nagtatanong sa sarili ko kung kumain na ba siya! Dammit! "Kailangan ko rin bang mawalan para makuha ko ang atensyon mo?" Tanong niya na parang isang bata na uhaw na uhaw sa atensyon. I gritted my teeth. "Wag na wag mong sasabihin 'yan, Tristan. Hindi madaling mawalan!" "Iyan lang ang paraan na alam ko, Clea-" "Nasisiraan ka na ba?! Bakit parang gusto mong mawalan para lamang sa katiting na atensyon ko?" Nangangalating sigaw ko. "Katiting... What? Clea, your care meant the world to me! Your care and attention are much appreciated! I'm sorry, but I sound so desperate!" Aniya at sinabunutan ang sarili dahil sa frustrasyon. "Stop being childish, Tristan." Seryosong saad ko na siyang ikina-angat ng tingin niya sa akin. "Am I what?" he asks, his face flushed with rage. Gusto kong malaman niya na hindi ganun kadali mawalan! Ayoko sa mga salitang lumalabas sa kanyang bibig! Ayokong maramdaman niya ang nararamdaman namin ni Henry ngayon. I don't want to end up in a mental institution, worrying about how the agony would destroy him. "Childish." Pang-uulit ko sa aking sinabi kanina. Seeing how his jaw clenched made me took a step backward. "Then what you call on your dear friend?" Makahulugan tanong niya at talagang diniinan ang salitang friend. Alam kong tinutukoy niya ay si Henry. Si Henry lang naman ang nakakapagpainit ng kanyang dugo. "Anong ibig mong sabihin?" "If I'm a childish for begging your attention then what do you call about him? Ginagamit ang kanyang sitwasyon para lamang hindi ka mawala sa tabi niya-" I cutted him by slapping him so hard. I felt insulted for Henry. "Ngayon ay hindi ko na alam kung childish lang ba ang maitatawag ko sa 'yo!" Suminghap siya bago ako tinalikuran ngunit hindi pa man siya nakakalayo sa akin ng magbitaw siya ng salitang nagpabasag ng aking puso. "Emotionally harming me only reinforced my belief that Henry will always be superior to me."Aniya at naglakad na palayo sa akin. Wala sa sariling napahawak ako sa aking braso ng makakita ng dugo sa kanyang puting panloob na sumilip sa kanyang denim jacket na suot. What the hell... happened?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD