MAS lalong dumilim ang kanyang mukha dahil sa aking sinabi. Nang makatayo si Henry kanya akong pinatayo at kaagad tinago sa kanyang likuran para harapin ang lalaking kinaiinisan ko. I really hate his guts! Hindi ako tanga para hindi makuha na hindi siya nagseselos!
He has a thick face! Pagkatapos ng ginawa niya sa akin, kaagad na lamang siyang lilitaw rito at ipamukha sa akin na ako ang may kasalanan kase sumama ako sa ibang lalaki— Hindi lang basta batang lalaki si Henry para sa akin.
"Tangina, Dela Fuente, huwag na huwag mo siyang itatago sa akin-"
Henry cynically chuckled. "Can't you see that, Tristan? She's terrified of you, and you're frightening her." Giit ni Henry pabalik.
I take a peek on Tristan... And yeay he's really scary right now. Napalunok ako, para kaseng kahit anong oras ay sasabog siya sa harapan namin ni Henry.
"She live with me, Dela Fuente. Kaya paano siya matatakot sa akin?"
Hinawakan ko ang braso ni Henry ng maramdamang humakbang siya palapit kay Tristan, buti na lamang ay kaagad niyang nakuha ang gusto ko. Niligon niya ako bago nag-iwas ng tingin at umigting ang panga.
"Umalis ka na." Tila nagmamakaawang sambit ko sa kanya. Ayoko ng gulo ngayon, lalo pa't alam ko kung ano ang kondisyon ni Henry ngayon.
I just want to have peaceful night...
Pagak siyang napatawa sa aking sinabi.
"I won't leave without you, Clea-"
"Ano?!"
"You heard me right-"
"Bakit ayaw mong umalis na wala ako? Nagawa mo nga akong hindi pansinin ng ilang linggo diba? Lumayo ka pa nga sa akin. So how could you not leave without me? Umalis ka na hangga't sa hindi pa ako nagagalit sa 'yo-"
He gritted his teeth. "Umalis na tayo hangga't sa hindi pa ako nakakaisip ng bayolente." He said it with a full sense of danger while looking at Henry.
This man...
Alam ko kung ano ang maaring magawa ni Tristan kay Henry, ayoko ng masaktan pa ang katabi ko. I shifted my weight on Henry, at dahil doon natalikuran ko si Tristan. Henry is one of my concern here.
"Let's talk tomorrow. I have to deal with him." Saad ko na siyang ikinakunot ng kanyang noo.
I grabbed his hand just as he was going to open his mouth. I'm silently pleading for him to let me go so I can deal with Tristan.
Dahan-dahan siyang tumango at malungkot na ngumiti. I failed him again...
NANG makaalis kami roon nakatingin lamang ako kay Henry na pagod na tumitingin sa sasakyan ni Tristan. Hanggang sa lumiit siya at hindi ko na makita pa.
Sa buong byahe wala kaming imik dalawa hanggang sa makarating kami sa bahay niya. Kaagad akong dumiretso sa aking kwarto at hindi ko pa man maabot ang doorknob ng bigla na lamang may humila sa akin. Hindi na ako magtataka kung sino, kami kami lang naman ang narito.
Kaagad ko soya sinalubong ng sampal. Hindi ako galit. Nasasaktan ako at ang sampal na 'yon ay hindi pa sapat para sa sakit na nararamdaman ko.
"I deserve it." Mahinang bulong niya ngunit sapat parin sa akin para marinig ko.
I chuckled mockingly. "Buti naman alam mo pero ang iwanan ko si Henry roon ay hindi-"
Nang banggitin ko ang pangalan ni Henry kaagad dumilim ang kanyang mukha.
"Then why did you leave him?! That jerk! Just f*****g tell me, Clea, that's why you left him-"
"Can you hear yourself, Sir?" Talagang diniinan ko ang salitang "Sir".
His jaw clenched tightly, but that doesn't make me chickening out.
"Mas gugustuhin ko pang huwag masaktan si Henry at sumama sa 'yo, dahil kilala kita-"
Kaagad siyang napailing. "You don't know me, Clea! Ang mga nalalaman ay hindi pa nangangalahati sa tunay na ako-"
"Pwes kung ano man ang nalalaman ko tungkol sa 'yo, sapat na iyon para sabihin ko sa 'yong kahit kailanman ay hindi umiikot ang mundo sa 'yo!" Sigaw ko pabalik.
Ngayon ay hindi na sakit ay nararamdaman ko, kundi ay galit!
Dahil sa aking nasabi dahan dahang bumagsak ang kanyang balikat at parang hindi makapaniwala sa aking nasabi. That's a fact! A fact that he should know!
"Pagod na akong intindihin ang ugali mo! Hindi ako si Sir Jakar na kaya kang patawarin sa ano mang oras at sa ano mang mga bagay! Hindi ako siya! Isaksak mo po ito sa kukute mo Sir, na hindi lahat ng tao ay kagaya ni Sir Jakar!" Habol ko na ang aking hininga ngayon habang nakatingin sa kanya.
He let out a gasp."We haven't even started yet, and you're already tired?"
I bit the inside of my bottom lip and laughed like a lunatic. "Wala akong alam sa sinabi mo pero isa lang ang gusto ko. Ayoko ng simulan pa ang mga bagay na gusto ko sa 'yo noon!" Humakbang ako at sinabi ang katagang alam kong ayaw niyang sabihin ko sa kanya.
"I hate you. I really do." Bulong ko bago siya tinalikuran.
I hate him from feeling me this way. Pinaramdam niya sa akin na hindi ko talaga kilala ng buo ang aking sarili, dahil ni minsan ay hindi pa ako nakaramdam ng ganitong galit sa isang tao.
Kusang tumulo ang mga luha ko nang maramdaman ang kanyang matitigas na braso na pumulupot sa aking tyan. He hugged me from behind and buried his face in my neck.
Napatingala ako at napapikit ng mariin. Gosh...
"Bawiin mo 'yon..." Aniya sa isang boses na parang bata. Na para bang kahit anong oras ay iiyak siya.
Napasinghap ako. Nanatili akong parang estatwa.
"Magalit lang sa akin ang buong mundo, huwag lang ikaw..."
What he said made a blurred line between the past and the present, but it was just like a sneak peek.
"Pakiusap, Cleo... Magalit lang sa akin ang buong mundo huwag lang ikaw, mahal ko. Pakiusap..."
Dalawang boses at pero iisang emosyon ang pinaramdam neto sa aking puso!
"Pangako ko sa 'yo, hindi man ikaw ang unang minahal ko pagkat buong puso kong ipapangako sa 'yo na hanggang sa huling hininga ko pangalan mo ang huling babanggitin ko at mukha mo ang huling maalala ko hanggang sa maipikit ko ang aking mga mata."
"Kung nasasaktan ka, nasasaktan rin ako! Kung masaya ka masaya rin ako! Kung ano man ang nararamdaman mong mga emosyon ngayon iyan din ang nararamdaman ko, Cleo! Kung galit ka sa pamilya ko, galit ako sa sarili ko. Kung gusto mong mamatay ako, ako ang papatay sa sarili ko! Ganyan kita kamahal, Prinsesa, na kahit anong gusto mo ay gagawin ko, kahit pa ikapapahamak ko ito sa aking sarili!"
"Kay lakas naman ng iyong loob para sabihin sa akin iyan, Caspian! Alam natin pareho na kahit galit ako sa 'yo. Na kahit galit ako sa buong mundo dahil sa iyong ginawa... Mahal pa rin kita... At mamahalin pa rin kita."
Cleo? Caspian? W-who are they?