Chapter 33

1402 Words
HINDI ko alam kung ano ang gagawin at paano umakto sa harap ng kanyang Lolo. I couldn't even look at his eyes because of the guilt I am feeling right now. Pareho kaming nakatingin sa walang malay na Henry. "My poor Henry..." Malungkot niyang saad. Malungkot akong napangiti. Lahat gagawin ko Henry sa oras na gumising ka. Kaya gumising ka na... Hinding hindi ako magsasawang maghihintay sa 'yo. Please... I l'll be nice to you. Hindi na kita babarahin kaya gumising ka na. Lihim akong humihiling sa kanyang tabi. Kulang na lamang ay abutin ko ang kanyang kamay na walang malay pero natatakot ako na baka mabasag ko siya. Kahit pa tulog siya... Natatakot ako na kapag hahawakan ko siya ay masasaktan ko ulit siya. Ayoko siyang masaktan. Ayoko ng makasakit ng ibang tao. "Sinabi na ba ng apo ko na gusto ka niya?" Biglaang tanong ng kanyang Lolo sa kalagitnaan ng katahimikan. Hindi ko mapigilang kagatin ang aking labi. Ilang beses ng nag tapat si Henry sa akin, but I don't really take it seriously. Dahil alam kong biro lang ang mga 'yon at ngayong nagtanong ang kanyang Lolo hindi ko mapigilang isipin na kung biro lang nga ba talaga ang mga sinasabi niya sa akin noon na gusto niya ako. "Henry was bound to marry... Alena." Alena. Diba siya 'yung babae kanina? Yung galit na galit sa akin kahit hindi ko naman kilala. "At sa lahat ng apo ko, siya lamang ang masunurin. For his 26 years of existence in this world ngayon lang niya ako sinaway dahil meron na raw siyang kilala na babaeng mamahalin niya. Unconditionally." Aniya bago bumaling sa akin. Sa ilang minuto na pag-uusap namin ngayon lang kami nagkatitigan sa mga mata. Puno ng sakit at pait ito, hindi ko alam kung bakit hindi niya ako nagawang sigawan o hindi kaya paulanan ng masasakit na salita kagaya ng sinabi ng babae kanina. He goes in the opposite direction. He's a good guy. Despite my repulsive presence, he remains calm. "I love her, Lolo. I know she doesn't love me right now, but I'll make her fall in love with me someday, he said, as I looked into his eyes. Maraming emosyon akong nakita and there's only one thing for sure. Love. Ito ang emosyon sa kanyang mukha ang nanaig." One tear escaped on my eyes. Kaagad ko itong pinunasan ngunit sa halip... Mas lalong lumakas ang hagulhol ko. Hindi ko na mapigilan. Hindi ko na alam kung paano mapigilan ang emosyong ito. "Please, wake up... I'll promise I will make it up on you." Wika ko habang umiiyak. Lahat ng nasa isip ko ay naisa bibig ko na. He gasped. "When he wakes up... Are you really sure you can give to him what he needs? Nasisigurado mo ba, hija, na maibibigay mo ang mga gusto ni Henry?" Sa halip na sumagot ay pinili ko na lamang ang yumuko. Hindi ko alam kung ano ang hihilingin niya pero nasisigurado akong ibibigay at gagawin ko ang mga gusto niya. THREE days had past but Henry still didn't wake up. Nasa labas kami ng kanyang kwarto at naghihintay sa himala na mangyayari sa kanya. Pagod na nakasandal ang ulo ko sa pader habang nakapikit at sa harapan ko naman ay ang aking amo na kailanman ay hindi ako inawan rito. Ilang beses ko na siyang pinagtulakan dahil galit ako sa kanya pero ilang beses lang rin niya akong hindi sinasagot. He would just ignore my words. Nabalitaan kong nadakip na nila si Ellen ngunit yung babaeng Castilla ay hinahanap pa rin nila. She's still hiding and I hope she rots on hell! "Bakit wala pa ring mga pulis?" Malamig kong tanong sa kanya na hindi siya tinatapunan ng tingin. Sa gilid ng aking mata nakita ko kung paano kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin. I need answers on my questions, Ilang beses ko na itong tinatanong sa kanya at ilang beses na rin niya akong hindi sinasagot. Nakakapikon na. "Walang pulis, Clea." Mariing sagot niya habang nakatingin sa akin ng mabigat. Napatango ako. Sa ilang araw na pinag-isipan ko ito ng mabuti at buo na ang desisyon ko. "When he wakes up... I'll submit myself-" "Why would you do that?" Halatang naiinis na siya sa akin. Sige lang mainis ka, wala akong pake basta ang alam ko lang ay ikaw ang dahilan sa lahat ng nangyayari ngayon. "Malapit kong mapatay si Henry kaya dapat lang na sumuko ako sa mga pulis-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bila siyang tumayo at lumipat sa katabing upuan ko. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pilit akong pinapaharap sa kanya. "Are you insane, Clea?! That was a freaking self-defense! Nakita mo ba ang sarili mo sa video? That wasn't you! Ibang iba ang mga mata mo-" "Tangina naman, Tristan!" Sigaw ko sa kanyang pagmumukha. "Sa tingin mo ba hindi ko alam na binilog niyo ni Sir Jakar ang mga pulis! At sinong tanga ang maniniwala na hindi ako 'yung nasa video? Ano sanib lang?!" Pagak akong napatawa. His jaw clenched harshly. "I won't let you do that-" Parang napantig ang tenga ko sa kanyang sinabi. Sino siya para hindi ako payagan sa mga plano ko?! Well, I don't need his opinion pero hindi ko lang mapigilan na magalit sa pangingialam niya sa buhay ko! Sila ni Sir Jakar. I cutted him off by slapping his face really hard! Ialng segundo siyang nanatili sa ganung posisyon. Hindi makapaniwalang nagawa ko siyang sampalin dahil sa aking galit. So he really thought that I'm an angel?! Well, unfortunately I'm not! "That's for keep sticking nose on my business." Malamig na saad ko bago tumayo. Nang tumayo ako kaagad din siyang napatayo at hinawakan ang aking mga braso... Sa paraan ng paglalambing. My heart is aching. I don't understand how I can despise and adore him at the same time. I immediately looked away. I don't wanna get lured at his puppy eyes. Pilit kong tinatanggal ang kanyang kamat sa aking braso ngunit malakas siya kaya hindi ko ito magawa. "Baby... Please. Don't." Nagsusumamo ang kanyang boses. I laughed hesterically, lihim akong nagpapasalamat na walang masyadong tao ang dumadaan sa pasilyong ito at walang makakita sa amin. "Mahal mo ba talaga ako?" His eyes widened a bit on my sudden question. Nang makabi ay kaagad siyang tumango. "Of course, I love you... I really love you." I bit my lower lip and clenched my teeth. "If you truly love me, you will accept my decision... So please don't pry into my business.'' Alam ko kung ano ang mga bagay na kaya niyang gawin at maari niyang gawin kapag interesado siya sa isang mga bagay. Dahil sa frustrasyon napaupo siya sa upuan at doon sinabunutan ang sarili. Kulang na lamang ay sumigaw siya rito. "Stop questioning my feelings for you, Clea; you're causing me a lot of pain." Aniya tila nahihirapang sabihin ang mga salitang ito. Mapait akong ngumiti sa kanya ng tiningala niya ako. My lips pursed I bit my lowerlip so hard na hanggang sa natikman ko na lamang ang sariling dugo ko. "Pagod na akong tumakbo... Tristan. Pagod na ako sa sakit na 'to. Pagod na akong talikuran ang mga problema ko. Pagod na akong magpanggap na parang walang nangyaring karumaldumal-" "Then let's get out of here! I'll make sure you forget what happened!" My brows furrowed. "Nababaliw ka na ba!?" "Oo, tangina, Clea! Baliw na baliw na ako at wala ng mas ibabaliw pa nito kapag nakita kita sa likod ng malamig na mga rehas! Tangina!" What have I done... Anong nagawa ko at bakit may mga taong nadadamay sa pagiging malas ko? Sa pisteng sakit na 'to!? Para akong tinakasan ng kaluluwa ng makita ang nurse na hinihingal at kakalabas lang ng kwarto ni Henry. Kaagad akong lumapit sa kanya. Ang sakit at galit ay kaagad napalitan ng takot dahil sa kanyang mukha ngayon. "The patient..." Pakinig ko ang mura ng lalaki sa aking likod. Dahil sa kanyang sunod na sinabi nanlambot ang aking tuhod dahilan para mawalan ako ng balanse, but someone catch me. Hindi kailangang alamin kung sino ito dahil sa tigas lamang ng kanyang braso alam ko na siyang ito. He will always there for me through my ups and down. Para akong nalagutan ng makita ang pamilya ni Henry na tumatakbo palapit sa amin. Nakakatiyak akong alam na rin nila ang balita...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD