Chapter 46

1489 Words
I came to a halt when I saw how distraught Henry is right now. Nakayuko siya habang ang kanyang button down shirt na suot ay halos mababad na sa dugo. Kaagad akong napatakip sa aking bibig. Ano ba talaga ang totoong nangyari? I thought it was just… Akala ko inatake lang ng sakit ang Lolo niya? Bakit may dugo? "Damn, Clea, why do you have run so fast…" Hinihingal na reklamo ng lalaking nasa likuran ko. Dahil sa lakas ng boses ni Tristan nakuha namin ang atensyon ni Henry. Nang magtagpo ang mga mata namin, mugto ang mga ito pati na rin ang kanyang ilong na pulang-pula. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya at ng nasa harapan na ako sa kanya kaagad niya akong kinulong sa kanyang braso at isinubsub ang kanyang mukha sa aking balikat. Sa gilid ng aking mata nakita ko kung paano nag-iwas ng tingin si Tristan at bumuntong-hininga ng malalim, bago kami tinalikuran ng walang paalam… Hindi ito ang tamang oras para magselos, Tristan… Gosh. I bit my bottom lip before softly rubbing his back with my palm. Tiyak akong magkaka-mantsa rin ang aking damit ng dugo. PAREHO kaming nakatingin sa malaking glass window kung saan sa loob ay ang kanyang Lolo na nag-aagaw buhay at maraming tubo ang nakasalampak dito. "Ano ba talaga ang nangyari?" Pambabasag ko sa katahimikang bumalot sa amin, nakatulala lamang siya habang nakatingin sa kanyang Lolo. "I should be on his place right now…" Nanghihinang saad niya, hindi mapigilan ng aking mga paa na lapitan siya ng makitang mayroong tumakas na isang butil na luha sa kanyang mga mata. I gasped. "Hindi naman ginusto ang pangyayaring 'to, Henry… Walang gumusto." He nodded modestly. "If I only know, C-clea… Kung alam ko l-lang." Napadaosdos siya sa kanyang kinatatayuan at nanghihinang isinubsub ang kanyang mukha sa pagitan ng kanyang mga tuhod. Niyakap siya sa ganung posisyon, ito lamang ang alam kong gawin para pagaain ang kanyang loob. Ito lang… "Where's my father?" Sigaw ng pamilyar na boses. Kapwa kaming napatingin roon. Napaawang ang bibig ko ng makita ang Tiyahin ni Henry at sa likod nito ay ang kanyang anak at ang kapatid ni Henry. Napatayo ako ng biglang tumayo si Henry para salubingin ang kanyang pamilya ngunit sa halip siya ang sinalubong nito ng malakas na sampal. Lumagapak ang tunog nito sa buong hallway, napatagilid ang mukha ni Henry at nakita ko kung paano umigting ang kanyang panga. This isn't right… "Henry!" Sambit ko at kaagad siyang dinaluhan. Tinapunan ako ng tingin ng kanyang tiyahin bago lumipat ang tingin kay Henry na ngayon ay nanghihingi ng tawad gamit ang kanyang mga matang… Puno ng pagsisi at pagod. Galit na galit ang kanyang tiyahin at ramdam ko ito dahil parang puputok na ang mga ugat nito sa leeg dahilan nagsilabasan na… Kaagad hinawakan ni Ryder ang mga braso ng kanyang ina ng dinuro nito ang mukha ni Henry. "Hindi ko na alam, Henry! Kung aksidente pa ba ang mga ito… O sadyang malas ka lang talaga! You are a blacksheep of our family! Simula nung mamatay ang mga kapatid ko kahit kailanman ay hindi na kita tinuring na pamangkin-" "Mama!" Sigaw ng kanyang anak sa likuran. "Shut up, Ryder! Ang lalaking 'to ang sumira sa pamilya natin, naiintindihan mo ba?!" Sigaw niya sa kanyang anak bago muling hinarap si Henry. "Irin and Irika, died because of you! And now… My poor father… Sana man lang ay hindi mo na sinali si Papa sa kalokohan mo Henry! Magkaroon ka naman sana ng utang na loob!" Aniya at kahit ano mang oras ay iiyak na. Galit na galit siya dahil talagang wala na siyang pakealam sa mga nanonood sa kanila ngayon. "Tita, enough." Untag ni Hanna at hinawakan ang braso ng kanyang tiyahin upang pakalmahin ngunit hindi sapat ito… "Sana ikaw na lang ang namatay!" Sigaw niya na siyang ikinasinghap ko. What? Anong klaseng tiyahin siya?! Ang klaseng tao ang gustong mamatay ang kanyang pamilya?! Bahala na. Pakealamera na kung pakealamera, I just couldn't stand people like her who are so selfish. Ni hindi man lang niya inintindi ang pakiramdam ni Henry! Nang pamangkin niya! Pumagitna ako sa kanilang dalawa na siyang ikinakunot ng noo ni Henry. He is just silent all the time… "Bawiin niyo po ang sinasabi niyo." Seryosong saad ko na siyang ikinatawa niya. She laughed mockingly. "Don't think highly of yourself, hija, just because he liked you. Paalala ko lang hanggang sa maaga pa layuan mo na ang lalaking 'yan, who knows… Baka mahawa ka rin sa kamalasan niya!" She said cooly before she turned her back on us. Lihim akong nagpapasalamat na siya na mismo ang umalis dahil baka hindi ako makapagpigil at masaktan ko pa siya. Nang hinarap ko si Henry, seryoso itong nakatingin sa akin. Dumapo ang mga mata ko sa kanyang mapupulang pisnge dulot ng pagsampal ng kanyang tiyahin. I let out a long sigh. "Don't you want to go home and clean yourself first?" Hindi siya sumagot sa halip ay napasulyap sa kwarto ng kanyang Lolo. Natatakot siyang iwan ito. "Andito naman na ang pamilya mo. You should fix yourself first, Henry. Sasamahan naman kita." Punong pag-alalang sambit ko sa kanya. Buti na lang ay naroon pa ang driver ng kanyang Lolo dahil sa tingin ko hindi siya makakapagmaneho ng maayos dahil tulala siya at wala sa sarili. Hinawakan ko ang kanyang kamay na naroon sa kanyang kandungan upang kunin ang kanyang atensyon. Saglit niya akong sinulyapan binigyan ko siya ng matamis na ngiti, bago bumaba ang tingin niya sa kamay naming magkasalikop. Nakita ko kung paano sumulyap ang driver sa review mirror, kita ko rin sa kanyang mga mata ang awa at lungkot para kay Henry. Bumagsak ang kanyang ulo sa aking balikat habang hindi pa rin binibitawan ang aking mga kamay. Sa ganung paraan siya nakatulog. Bahagya akong napaigtad ng biglang mag-vibrate ang aking cellphone. Nang makita kung sino ang tumatawag, napatingin ako kay Henry na mahimbing ng natutulog. Hindi naman siguro siya magagalit kung hindi ko sasagutin ang tawag niya? Hindi ko sinagot ang kanyang tawag at sa halip ay nag-iwan na lamang ng mensahe. Me: I'm with Henry, right now. Call you later. Please, take care of yourself. At dahil alam ko kung gaano siya kakulit, pinatay ko ang aking cellphone. Maiintindihan niya ang ginagawa at sana nga… I brushed my fingers on Henry's damp hair. Alam kung sa mga oras na 'to ay ako lang ang meron siya. Tinalikuran na siya ng kanyang tiyahin pati na rin ang kanyang nag-iisang kapatid. How can she do that? Alam naman siguro niya na hindi iyon sinadya ni Henry? Na walang gumusto sa nangyari! But she still takes her aunt side. Kinukunsenti niya ang makitid na utak ng kanilang tiyahin. Hindi ko mapigilang maalala ang sinabi nh kanyang tiyahin kanina. Aniya ay namatay raw ang kanyang mga kapatid dahil kay Henry. Ito ba ang sana ikukuwento niya sa akin kung hindi lang ako sumama kay Henry? Ngayon ay naiintindihan ko kung bakit siya galit kay Henry dahil nawalan siya ng dalawang kapatid pero noon pa 'yon... Iba na ngayon. Ang sa akin lamang ay hindi ako makapaniwala sa mga salitang binitawan niya. Napakaliit na nga lang ng kanilang pamilya gusto pa niyang mawalan sila ng isa. Tsk. Now I'm suddenly curious about his Aunt named Irin. Iyon rin kase ang tinutukoy nila na kamukha ko raw... NANG makarating kami sa kanila walang imik si Henry. Gusto kong pagaanin ang kanyang loob pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan at paano magsisimula. I'm not a mood maker, but I'm the kind of person who will stay with you until everything is okay for you. "I'll just change my clothes." Aniya at pumasok sa kanyang CR. Ito ang unang beses na nakapasok ako sa kanyang kwarto. Lahat ay malinis at parang hindi kwarto ng isang lalaki, parang kwarto ng babae dahil mula sa mga palamuti at kulay ng silid. Sa tingin ko hindi na siya rito tumutuloy pa, I heard from him that he got a condominium. Nang lumabas siya sa kanyang kwarto nakasuot siya ng pamabahay at kaagad ko nalanghap ang amoy ng kanyang shower gel. It's so manly... Hindi nagkakalayo ang shower gel nilang dalawa ni Tristan, though Henry's shower gel has much more stronger scent than Tristan. "Can I rest first... With you?" Hindi ako napasagot. Hindi alam kung ano ang ibig sabihin niya. "Ikaw lang kase ang pahinga ko..." My heart tightened. Ako na mismo ang tumakbo palapit sa kanya at inabot ang kanyang ulo para isubsub sa aking balikat. I've never once considered the possibility of saving someone in my life. Ang akala ko ay isa akong malaking kapahamakan sa mga tao. Na parang isang bagyo at lindol na kayang sirain ang buhay ng tao... I've never seen myself as someone's angel and not who isn't a complete mess.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD