"MA'AM!"
I was about to chase Tristan when I heard Henry's mayordoma calling my name.
Napalingon ako sa kanya at sa nakitang reaksyon ko sa kanyang mukha hindi na ako nag-atubiling magtanong pa kung anong nangyari at kaagad tumakbo papasok.
My mouth fell as I watched Henry gripping his fist on the floor, while Rayder appeared enraged as he stared at his cousin, sa likod naman niya ay ang kanyang ina na halatang natatakot sa galit na pinapakita ng anak.
Mabilis akong dumalo sa kanya, only to find out that there's a little cut beside his lips with a hint of blood.
Napatingin siya sa akin bago pinasadahan ng kanyang hintuturo ang kanyang gilid ng labi. Umigting ang kanyang panga at tiningala ang kanyang pinsan.
Rayder's evil laugh gained the whole attention. Lahat ng taong dumalo ngayon ay nakatingin sa amin at ang iba ay nag-bubulongan pa habang nakatingin sa kanilang dalawa.
Napapikit ako ng mariin. Hindi man lang ba sila nahiya?
"Oh, you're knight in shining armor is here..." Mapanuyang saad niya habang nakatingin sa akin ng mariin.
Napaigtad ako ng biglang tumayo si Henry na para bang wala ano mang oras ay sasaktan na niya si Rayder. Kaagad kong hinawakan ang kanyang braso ngunit hindi siya nagpatinag.
"Don't you ever talk ill to her, Rayder." Seryoso at matigas na saad ni Henry sa pinsan.
"Henry..." Mahinang sambit ko sa kanyang pangalan umaasang maririnig niya ako.
Rayder just grinned menacingly. "Are you frightened she'll find out the actual reason our grandfather died-"
"Henry!"
Napatili ang ina ni Rayder nang biglang pinaulanan ng suntok ni Henry si Rayder dahilan para gumulong-gulong sila sa sahig nagpapalitan ng suntok.
I tried to deattached them but I failed, sa halip ay ako pa itong nagmumukhang tumilapon ng bigla akong natabig ni Henry. I lost my balanced that made me groaned in pain, damn, my ankle!
"Henry, tama na! He's your cousin for pete sake's!" Sigaw ng ina ni Rayder ngunit hindi makalapit dahil natatakot sa suntukan ng dalawa.
Lihim akong nagpasalamat ng biglang may umawat kay Henry dahilan para tumigil ang kanilang suntukan. Umawang ang aking bibig ng makitang duguan na ang gilid ng labi ni Rayder at sabog na.
"For once, Ma, he didn't consider me to be his cousin!"
I don't believe it's any longer about their grandfather. It's all about their personal issues!
"Rayder, son..." Aniya ng kanyang ina halatang nahihiya na sa mga bisita.
"What did you say?" Iritadong tanong pabalik ni Henry sa pinsan.
"Ni minsan ay hindi mo inisip na magpinsan tayo, you f*****g snake-"
"Bakit hindi mo iyan sabihin sa sarili mo, Rayder!"
Hindi nakaligtas sa aking mata kung paano bumulong ang ina ni Rayder sa ibang babae na nakasuot ng corporate attire at ilang minuto ang nakalipas, nagsilabasan ang mga tao.
"Why would I? I'm not like you-"
"Seriously? That's why you approach Lolo and persuade her to marry Alena to you.'' Sarkastiking tanong niya na siyang ikinaigting ng panga ni Rayder.
Henry caught him off guard.
Pagak na tumawa si Henry. "You know I like her but you snatched her away from me but then I let go. Hinayaan kita. The company in Canada... Alam mo kung gaano ko kagusto ang kompanyang 'yon dahil si Daddy ang nangalaga nun noon, however, you then requested your mother's help so that you could run it instead of me. I let go once more because I know Alena's favorite country is Canada., at alam kong kung ano ang gusto niya ay gugustuhin mo rin."
Sumikip ang puso ko. Henry doesn't deserve them. Henry deserves better!
Tumikhim ang ina ni Rayder. "And know the favorite grandson finally showing his true colors."
Napangiwi ako. Hindi ba siya itong nagpapakita na sa kanyang tunay na budhi? Parang kanina lang nagpapaawa siya ngayon ay para ng isang bruha sa mga fairytales.
"No, I'm not. You always finds away to make me feel tormented and guilty."
"You brat!" Sigaw niya at nangangalati na sa galit.
Kahit nahihirapan ay dahan dahan akong tumayo. Dammit!
Nag-iwas ng tingin si Henry at aakmang tatalikod ng mahagip niya ako ng tingin. Kaagad gumuhit ang konsensya sa kanyang mukha ng makitang namimilipit ako sa sakit sa paa.
Nang makitang nagkatitigan kaming dalawa ni Henry parang isang lamok na kumagat kaagad sa estorya ang ina ni Rayder.
"Does your unrequited lover know what's going on?" Nahihimigan ko ang panunukso sa kanyang boses.
Napalingon ako sa kanya. Ganito rin ang paraan ng pananalita ni Rayder kanina na dahilan para masuntok siya ni Henry. I wonder... Is there something I have to know about this all issues?
Henry smirked. "Wasn't making me feel tormented enough for you?"
She laughed and took a step. Pinasadahan niya ako ng buong tingin bago tumingin ng mariin sa kanyang sariling pamingkin.
"It will never be enough, Henry." Matigas niyang saad.
"Stop this f*****g scenario before I lose my mind over you two,''
Sa halip na matakot siya tumaas lang ang sulok ng kanyang labi bago tumingin muli sa akin. Napakagaan ng kanyang lakad na sa tuwing gumagalaw siya ay sumasabay rin ang kanyang suot na puting eleganteng dress.
"Clea Versoza. Don't you have a conscience for you to just barge in on my father's burial? O talagang manhid at bulag ka lang sa mga nangyayari-"
"f**k it!" Parang kulog na sumigaw si Henry at kaagad pumagitna sa aming dalawa, tinatago ako sa kanyang likuran.
Humalakhak siya habang nakatingin ng mariin sa kanyang pamangkin.
"Don't tell me hindi alam ng babae mo na siya ang dahilan kung bakit namatay ang aking ama?!"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang sinabi. A-ano raw? Ako ang dahilan? Pagak akong napatawa lalo ng maramdaman kung paano natigilan ang lalaking nasa harapan ko.
"What..." Tanging lumabas sa aking bibig at talagang hindi ito nakatakas sa kanyang pandinig.
Ako na mismo ang humakbang sa harapan kumawala sa pagtatago sa likod ni Henry dahil sa narinig.
"You heard me right, Ms Versoza!"
Napailing-iling ako. Lost of words. May ginawa na naman ba ako na hindi ko alam? Hindi... Hindi ko naman siguro napatay ang matanda? Tanginang buhay!
"Paanong ako?" Nanghihinang tanong ko. Alam ko na sa kung ano mang oras ay mahihimatay na ako. Isang sagot niya lang ay alam ko na kung saan ako dadalhin ng hangin.
Rayder rolled his eyes in annoyance. Akala niya siguro ay nagpapaka-inosenti ako. Where in fact I am really an innocent here! Wala talaga akong ka alam-alam. Ni ang dahilan kung bakit na baril si Mr. Dela Fuente ay hindi ko alam!
Akmang sasagutin niya ako ng mayroong boses ang umalingawngaw sa aking likuran, napatingin ako roon.
I don't know but something on my inside felt light when I saw Sir Jakar. Hindi ko alam kung bakit sa mga sandaling ito nakaramdam ako ng maginhawang hininga
"Why are you blaming her?" he asked nonchalantly, his gaze fixed on Rayder's mother.
Hindi nagpatinag ang tiyahin ni Henry, humalakipkip ito at umirap na parang isang bata.
"Asshole." Aniya at tinalikuran kaming lahat.
Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya at sinundan ang kanyang palalayong bulto gamit ang mga mata. Sa gilid ng aking mata nakita ko kung paano nguniwi si Sir Jakar sa sinabi ng babae.
Is that all?
Aalis na lang siya ng basta-basta? Leaving me in the edge of cliff?!
That witch!