Kaagad akong umiling. Feeling flustered at his questions. "Nope, that was just my friend." Si Henry ang kanyang tinutukoy. Hindi tumakas sa aking pandinig ang nang-uuyam na tikhim ni Tristan. "Friend, huh." Parang kami lang yata ang nakarinig nun dahil parang wala lang naman si Ethan at nagkibit-balikat pa sa aking sagot. Tumango-tango naman si Jakar parang nawiwili sa rinig mula kay Ethan at pasimpleng sumusulyap kay Tristan na tahimik lang. "When my proposal to you will be accepted, I told 'ya, she would be the first person I'll pick for that project." What? Parang hindi naman yata ako na-inform d'yan? Ano bang pinag-uusapan nila? Bat nasali na yata ako? Nang makita ni Jakar ang lito sa aking mukha kaagad siyang tumawa at sumimsim ng wine. "Yeah, she has a potential to be

