"COME home early."
Dahan-dahang bumagal ang paglalakad ko at napalingon sa kanya na sumisimsim ng kanyang kape sa counter top habang nanonood ng TV sa sala.
Awtomatikong kumunot ang noo ko sa pagtataka. Ang aga pa 'ha para magising siya. Usually kase tanghaling tapat na siya gumigising.
At tama nga ang hinala ko. Ngayong araw ang gustong date ni Alberto, pinaunlakan ko na rin total ay day off ko naman rin lang.
"B-bakit?" Nagtatakang tanong ko ngunit mahina, pero narinig pa rin niya ito.
"Because I want to?" Supladang wika niya habang hinahagod ang buong kabuobuoan ko ng kanyang mga matang mapanglait.
Tuloy ay na conscious ako sa aking sinusuot. I just wear simple tight jeans and v-neck black shirt.
"Are you sure you're going out on a date or to a funeral?" Bakas sa kanyang boses ang pang-iinsulto.
Alam ko na siya, nature na niya ang pagiging mapanglait at mapang insulto sa kapwa kaya no hard feelings.
Napasimangot ako. I just don't have what you call this… Fashion sense? Yeah, that one.
"Pangit ba?" Kusang kumawala iyon sa bibig ko.
Gosh, Clea! It's just Alberto! Kaya dapat wala kang pake kung ano ang susuoyin mo! But that brute is also a judgemental. Baka panglalait lang ang matanggap ko sa isang 'yon sa buong araw!
Nagkibit-balikat muna siya bago sumimsim."Looking at your date... It's fine if you dress like that, but not on my date with you."
Napatanga ako sa sinabi niya. Ano raw? Is he asking me for a date? Oh baka naman nagkaroon na naman ng malfunction ang eardrums ko?
He hissed. "Can you please stop plastering that reaction on your face? I already had a bad morning and your making it worst. So worst."
Napakurap-kurap ako bago tumikhim. Saan ba nagmana ang isang 'to? Si Sir Jakar ba talaga ang nagpalaki ng lalaking 'to? Bakit hindi man lang nahawaan ng konting kabaitan ni Sir Jakar?
Tinaasan niya ako ng kilay ng makitang nakatitig ako sa kanya at doon ko napagtanto na nasabrohan yata ang pagtitig ko sa kanya.
"Umalis ka na bago pa magbago ang isip ko at baka hindi na kita palabasin." Masungit niyang banta na siyang ikina-ayos ko ng tayo at mabilis na umalis sa kanyang harapan.
Pilit kong binubura sa aking isipan ang sinabi niya at kusa itong nawala ng makita ko si Alberto na nakasandal sa hood ng kanyang kotse at ang dalawang kamay ay nasa magkabilang bulsa…
Model ba ang isang 'to? Bakit para siyang nag-auudition sa harap ko?
Bumagal ang bawat hakbang ko at tinignan siya ng mariin. May ibang kasambahay at gwardiya na ang palaboy-laboy sa labas ng malaking mansion s***h building ni Sir Jakar kaya hindi maiwasang mapatingin ito sa aming gawi dahil talagang gumagawa ng eksena ang isang 'to. Pabibo rin 'eh.
"Diba ang sabi ko sa 'yo magkikita na lang tayo sa mall? Bakit mo pa ako sinundo?" Naiinis na tanong ko sa kanya at ningiwian siya.
He smiled. "What can you say? I'm ecstatic!"
Tumaas ang gilid ng labi ko. Taliwas naman ang nararamdaman ko sa nararamdaman niya. Ilang Santo kaya ang tinawag ko para lamang hinaan nila ang takbo ng oras kagabi.
Kusang tumaas ang sulok ng labi ko ng hagudin niya din ang buong kabuobuoan ko sa paraan kung paano ako hinagod ni Sir Tristan.
Why am I surrounded by jerks who pass judgment?
"Are you sure you're going like that-"
Inirapan ko siya. "Oo, anong problema mo? Wala namang problema sa suot ko!"
Nagkinit-balikat lamang siya bago lumapit sa akin at inakbayan ako. Napatingin ako sa kamay niyang nasa aking balikat. Ramdam ko kung paano dahan-dahang uminit ang aking pisnge.
Mayroon siyang sinasabi ngunit hindi ko na ito nasundan pa. I shook my head, attempting to gather myself before pushing his hands away, causing him to flinch at my unexpected gesture.
Inirapan ko siya bago pumunta sa kanyang kotse. "Ang bigat ng kamay ko."
When I acted so naturally in front of him, I thanked myself. Before he opened his door for me, he made a grimace.
Wew, gentleman din pala ang isang 'to?
"WHERE do you want to go?" Tanong niya sa kalagitnaan ng byahe.
Napanguso ako. Wala akong alam na galaan. Tanging mall lang pero ayokong magpunta doon… Smelling the air of mall makes me puke… Nakakasawa na ang mall para sa akin 'eh. I want something new.
"You didn't make a plan for this date?"
He laughed. "Of course, I prepared. I just asked, baka kase meron ka." Then he smirked.
Yes I had a plan. Isa lang. Ang takasan siya. But well hindi pa naman ako ganun kabastos and somehow I know that I'm safe with him… Kase kung hindi… Obviously, wala ako sa kanyang tabi ngayon.
"Meron naman pala nagtatanong ka pa." Supladang tugon ko.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, at sa gilid ng aking mga mata alam kong nakatingin siya sa aking ngayon.
"I know, I'm just pestering you."
Oh, nandadamay pa! Alberto Marasigan! This man is crazy.
"Pwede ba tumingin ka sa daan. Baka mabangga pa tayo ng walang oras dito. Wag kang mandamay." Nang hindi ko na makayanan ang titig niya humanap ako ng rason para maalis ang tingin niya sa akin.
Akala niya ba nasisiyahan ako sa mga titig niya hindi niya siguro alam para siyang manyak makatitig, kung hindi lang talaga guwapo nako… Baka agad tatawag ng pulis ang kung sino mang titigan niya. Mapagkakamalan talaga siya praning na manyak.
"Ayaw mo 'nun sabay tayo mamatay?" He laughed evilly. "Couple goals, right?"
Marahas akong napatingin sa kanya at hinampas ang braso niya ngunit imbis na siya ang masaktan ako pa yata itong napadaing dahil sa sakit.
"You're such a creepy jerk." Ismid ko but he just replied a low throaty chuckle.
Parang lumipad ang kaluluwa ko ng biglang bumukas ang roof ng kanyang kotse hindi dahil sa pagkabigla dahil sa hangin na sumalabong sa mukha ko dahilan para sumabog ang aking buhok na tinali ko lamang sa isang panyo.
"Alberto! Nababaliw ka na ba— Hindi nababaliw ka na talaga!" Sigaw ko ng malakas sa kanya but I doubt if he hears that clearly.
Natatawang sumigaw siya at mas lalo pang pinalakasan ang takbo ng kanyang kotse. Oh, I think... This is a roadtrip.
"C'mon tigress, loosen up!" Aniya, ang kanyang buhok ay tinatangay na ng hangin.
Napatitig ako sa kanya at isang ngiti ang sumilay sa aking labi ngunit hindi niya iyon napansin dahil bahagyang tumatabing sa aking mukha ang aking mahabang buhok.
He's right. I should loosen up.
Dahan-dahan akong tumayo sa aking kinauupuan. Then I spread my hands into the air. Hindi ko mapigilang humagikhik dahil sa kiliting nararamdaman ko sa aking tyan dahil sa malakas na hangin.
"Rose, is that you?"
Natatawang tumingin ako sa kanya. "Cal, is that you?" Nanunuya ang aking boses.
Everyone knows that Titanic movie. Hindi naman ako ganun ka man cave dahil kahit papaano ay may alam akong mga hollywood movies.
His lips formed into "o". Mas lalo akong napatawa.
"Damn, why Cal? You should call me Jack."
My lips pursed before I faced the wild air. Ang sarap sa pakiramdam 'yung pakiramdam na parang nawala ang mundong pinasan mo sa iyong likod.
It relieving my stress.
How I wish I could still feel this long. Noon galit na galit ako sa hangin dahil isa ito sa mga mapapait na alaala ko sa aking ina... I have no notion what it means, and I have no concept that it may also offer me a sensation that no one else has ever given me in my life.
I laughed before returning my focus to the man who was driving at the time. Nang tignan ko siya ay nakatingin na rin ito sa akin. Bahagyang nakaawang ang kanyang bibig at pumupula ang mukha. Tila nahihirapang lumunok...
Kung hindi ko pa sinipa ang braso niya baka hindi pa siya matauhan. What's wrong with this jerk?
He blinked many times before he faced the road. Humigpit ang hawak niya sa steering wheel, napailing-iling ako.
Do you know why I refer to you as Cal? Because I don't want you to wind up in the same situation as Jack... I don't want you to lose your life. I'm not talking about a romantic relationship, am I? I sincerely hope so.