Anong pinagkaiba nila sa akin? Kailanman ay hindi ako makapaniwala! Nang nilingon ko ang taong sumalo sa akin, napaawang ang aking bibig. Hindi ko akalaim na makikita niya ako ritong nagtatago. Akmang ibubuka ko na ang aking bibig upang magpasalamat sa kanya ng bigla na lamang sumulpot si Tristan sa pangyayari. "What the hell you two are doing here?" Nababakas sa kanyang boses pangamba. Nangangamba na baka makita ko sila rito, pero huli na ang lahat dahil kitang kita ko na sila sa dalawang mga mata ko. It feels like Tristan betrayed me from knowing the truth! Nagpapasalamat ako sa lalaking nasa aking likuran dahil hindi rin siya umalma, na para bang kuryuso rin siya sa nangyayari ngayon. Nagtatagis ang aking bagang nang makitang napatingin sa direksyon namin si Castilla at talagang

