''You're thinking about Ethan don't you?'' Kumunot ang noo sa kanyang pamimitang, akmang sasagutin ko na siya ng bigla na lamang siya nagsalita para muling bintangan ako. ''Kilala kita! I know you when you're silent! You're considering what I said?!'' Pagpapatuloy niya habang dahan-dahang naglalakad palapit sa kin. Bawat hakbang na ginagawa niya ay ginagawan ko naman ng kilos paatras. ''What if I am?'' Damn, that was a wrong move! I want him to be intimidated, pero ako pa yata itong tumiklop ng ilang dipa na lamang ang layo namin at walang pasubaling niyang inabot ang magkabilang balikat ko. Nagkatitigan kaming dalawa, pilit kong nilalabanan ang kanyang mga titig. Siya ang unang nag-iwas ng tingin at lumunok na tila ba nahihirapan siya. Parang tumakas ang aking puso sa kung saan

