"Ha? Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya pagkatapos malaman ang kanyang kondisyon.
Scam. Scam talaga 'to 'eh. Ako naman si Tanga naniwala naman kaagad. Pfft.
He chuckled and sipped on his cup of tea.
"It's just a simple condition. Akala ko ba ay sanay ka na magbalat buto?" His eyes narrowed which made me pouted.
Oo, madali lang naman ang kondisyon niya 'eh. Maging kasambahay doon sa lalaking tinatawag niyang pusa. Pero may kung anong meron sa akin na tumanggi sa offer niya... Ngunit kapag binabalikan ko kung ano ang puno't dulo ng lahat na 'to, ay nagbibigay sa akin ng dahilan na wala akong choice kundi tanggapin ang offer niya.
"Huwag kang mag-alala, you'll still have your wage."
Napaangat-ako ng tingin sa sinabi niya. Bakit hindi na lang sa kanya ako? Bakit doon pa sa lalaking 'yon?
Hindi ko na mapigilang isatinig ang iniisip ko.
"Bakit hindi na lang sa 'yo?" Para akong batang nagtatanong sa kanya.
He raise a brow. "Bakit hindi sa kanya?"
I sighed, hopeless. Mukhang wala talaga siyang balak na i-hire ako. Ang sipag ko kaya!
"I'm not comfortable with him." Nahihiyang sagot ko. Totoo naman talaga. There is something on his eyes that made my whole system uncomfortable.
He chuckled. "Oh, Dear. You want to be one of my maids because your comfortable with me? Anong pinagkaiba naming dalawa sa lalaking 'yon? Parehas mo kaming ngayon lang nakilala. So what's the difference?"
Napakurap ako sa sinabi niya. Tama nga siya. But still...
Marahas akong bumuga ng hininga. Sumusuko na. "Fine."
Ngumisi siya bago pumalakpak, kaagad akong napatingin sa pintuan ng inuluwa nito ang lalaking kasing-tangkad ko lang. He had a mustache and he's bald... Para siyang sinaunang tao dahil sa kanyang balbas at expression ng mukha. Poker face.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang puting papel sa harapan ko.
Jakar smirked after he saw my reaction. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung ano ang nasa harapan ko. Ang akin lang ay bakit napakadali? Bakit may kontrata kaagad? May pangalan ko pa!
"C'mon just sign it." Jakar requested in a bored tone.
Pinasadahan ko siya ng tingin bago napangiwi at pinulot ang ballpen. Ang creepy naman ng matandang 'to.
Isa lang itong normal na kontrata, kagaya ng mga kontratang napirmahan ko na noon na hindi ko matuloy kung ano man ang meron sa kontrata.
"I hope this one is different..." Mahinang bulong ko bago ito pinirmahan.
Dahan-dahan kong nilapag ang ballpen. Hindi ko mapigilang mapaigtad ng biglang pumalakpak ang matanda.
"Then we're done! You'll start today!" He stated while grinning. Nakatingala na ako sa kanya ngayon dahil nakatayo na ito.
My brows furrowed, but what about my things? Dapat diba kunin ko muna ito bago magsimula? Ano ang susuotin ko rito kung ganun.
Tila nasagot niya ang mga tanong ko sa aking isipan ng bigla siyang nagsalita.
"No need for you to get your things. My secretary will lead you into my mall, so that you can shop your needed things." Saad niya bago kumindat sa akin.
Really? Ganito ba siya kayaman para magkaroon ng mall at isang entertainment? Ang swerte ko pala kung ganun!
He wiggle his eyebrows, boastfully. The side of my lips rosed, I'm a type of person who can't be invisible. Anila ay isa raw akong tao na madaling mabasa.
"Don't worry it's on me." Dagdag pa niya habang hinihipan ang daliri.
Hindi talaga ako naniniwala na hindi siya bakla...
Binigyan niya ako ng isang nakakalokong ngisi bago humarap sa sekretarya niyang nakasimangot pa rin.
"Lead her." Utos niya, nahihimigan sa kanyang boses ang saya.
He whistled before he turned his back to us. Ganun na lang 'yon? Hindi man lang ba namin pag-uusapan ang bawal at puwede?
House rules? Sabagay 'yung lalaking tinatawang niyang "pusa" ang amo ko.
Hindi pa man nakalabas si— from now on, I should call him Sir Jakar.
Hindi pa man siya nakalabas sa pintuan ay marahas siyang lumingon at seryosong tumitig sa akin. His mouth is mimicking something, he closed his eyes before he soflty blowed which made my forehead hurts a little bit.
Hindi ko mapigilang mapaungol sa biglaang pagsakit nito. Hanggang sa nakita ko na lamang ang sarili na sumisigaw dahil sa sakit ngunit ni isang tao ay walang tumulong sa akin... Kahit na ang sekretarya ng matanda ay blankong nakatingin lamang sa akin.
One more loud and long groan, darkness consumed me.
ISANG sentundong himig ang siyang nagpagising sa akin. Napakurap-kurap ako ng makitang hindi pamilyar sa akin ang silid kung nasaan ako ngayon. Marahas akong napabangon dahilan para magulat ang isamg babae na nakakatiyak akong siyang nagpagising sa akin— I don't wanna be harsh but I don't want to lie either... She really had a bad voice.
"Jusko naman! Ni hindi man lang ako pinatapos sa Classical Concert ko!" Halata sa kanyang boses ang inis habang mataray na nakatingin sa akin.
Tumaas ang kilay niya ng hinablot ko ang kumot para itakip ito sa sarili ko kahit pa ramdam kong meron pa rin akong damit. It felt like I was naked because of her bratty states.
She maked face, halatang na-offend sa ginawa ko, but I just couldn't help it, okay?!
"Hello, hindi ako tomboy para pagnasaan ka!" Sarkastikong puna niya.
My lips pursed. My bad. Well, I have trust issues.
"Nasaan ako?" Nauutal at mahinang tanong ko sa kanya.
"Nahimatay ka lang nagkaroon ka kaagad ng amnesia?"
Hindi ko mapigilang magulat sa sinabi niya. Ako? Nahimatay? Bakit?
"N-nahimatay ako?"
Pinunasan muna niya ang isang pigurin bago umupo sa dulo ng kama kung nasaan ako. She sitted as if she's a model.
"Oo, sabi ng doktor nalipasan ka raw ng gutom." Hinagod niya ako ng tingim bago umaangat ang gilid ng labi. "Hindi ka ba kumakain? Tignan mo nga 'yang katawan parang buto at balat mo na lang 'yan. Wala ng fats!"
Sanay na ako sa ganyang kommento, kaya imbis pagtutuonan ng pansin ang sinabi niya. Sinagot ko siya pabalik ng isang tanong.
"Ah, nasaan ba ako?"
"Nasa guest room lang naman ni Sir Jakar." Tamad niyang sagot bago pinapagpagan ang kanyang suot na halatang uniporme ng isang katulong.
Sir Jakar...
Oh s**t! 'Yung matandang nag-offer sa akin ng trabaho! Hindi ko mapigilang sabunutan ang sarili ko. Bakit ko nakalimutan 'yon?!
Napasulyap ako sa relong pambisig ko. My lips parted when I saw the time, it's already 4pm!
Kaagad akong napabangon sa kama na siyang ikinatayo ng babaeng hindi ko kilala.
"Saan ka pupunta?" Naguguluhang tanong niya.
"Sa... Doon sa-" She cuts me off.
"Kay Sir Tristan?"
Ah... Tristan ba pangalan nun? Bukod sa pinag-usapan naming trabaho wala na akong maalala pa...
Napatango ako. "Oo, doon nga."
"Pupunta ka tas naka-civillian ka? Baka hindi pa nakapasok ang talampakan mo sa bahay niya ay tatanggalin ka na nun sa trabaho." Halata sa kanyang boses ang pananakot.
My eyes drifted on the clothes I wore. Suot ko pa ang uniporme ng bar na trinatrabahuan ko bago ako napunta rito.
Hindi ko mapigilang mapakamot ng batok dahil sa hiya.
She sighed deeply. Sa paraan ng kanyang buntong-hininga ay para bang pagod na pagod na ito sa akin. Hindi ko mapigilang mapasimangot.
May kinuha siyang paper bag sa ilalim ng kama at inilahad sa akin ito. Kaagad ko itong tinanggap baka kase mas lalo itong mapagod kapag pinaghintay ko pa.
Iminuwestra niya ang isang pintuan. "Magbihis ka na kase ihahatid kita doon para naman magkaroon ng tinatawag na peace ang boses ko."
Hindi ko na siya sinagot at kaagad nagpunta sa pintuang itinuro niya.
Ang kanilang uniporme ay simple lamang. Isang v-neck na shirt at cotton na pantalon, para itong isang pajama. Tinali ko ang aking buhok bago lumabas.
Nang makalabas ako, kaagad akong sinalubong ng kanyang mga matang mapanuri. She look at me from head to toe.
Nagkibit-balikat siya. "Akala ko ako na ang pinaka-slim na kasambahay rito, hanggang sa dumating ka... Tss." Mataray niyang wika bago ako tinalikuran.
HINDI ko alam kung saan kami pupunta dahil sa haba ng corridor na nilakad namin simula sa kwartong kinalabasan namin. Nasa harapan ko lang amg babaeng mataray habang ako naman ay hindi mapigilang hindi mapamangha sa mga pigurin at chandelier na halatang mamahalin.
Ang babaeng mataray ang bumasag sa katahimikan. Ngayon ko lang rin napapansin na magkaiba ang kulay ng ing uniporme. Sa kanya ay pinaghalong puti at brown habang akin naman ay itim at konting puti.
"Narinig ko 'yung usapan ninyo ni Sir Jakar. Etchusera ka ha."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. May mali ba sa pinag-usapan namin ni Sir Jakar kanina. I couldn't help but to feel my forehead using the back of my palm. It feels like something was closed on there.
"Habang kami pinapangarap na pagsilbihan 'yung pusa ikaw naman ayaw mo?"
Hindi na ako umimik roon.
"Hindi mo ba alam na para ka na ring tumama ng milyon sa lotto?"
Hindi ko alam kung kailan siya tatahimik...
Napahinto ako ng lumingon siya sa akin. My eyes blinked when I saw how irritated her face is, right now.
She hissed, annoyed. "Kailan pa kaya ako makakahanap ng taong kaugali ko? Tss, lahat ng mga kasambahay rito parang nanggaling sa kung saang gubat." Pag-uusap niya sa kanyang sarili bago binuksan ang isang natatangin itim na sliding door rito.
Nang mabuksan niya ito ay hindi ko mapigilang mapangha. It looks like a house inside the house!
Kusang humakbang ang paa ko papasok. Wow, it feels like there was an autumn here! Itvhas this brown with a yellowish ambiance.
My forehead knotted when I'm the only who entered. Napatingin ako doon sa babaeng mataray, umirap siya bago nagsalita.
"Hindi kami pwedeng makapasok d'yan. Pasukin mo lang 'yang bahay na 'yan." Turo niya sa hindi gaano kaliit at hindi gaano kalaki na bahay.
"Makikita mo na ang itim na pusa na naghihintay sa 'yo. Tss." She rolled her eyes again before she slammed the door.
My attention stealed by the fresh breeze here. Hindi ko talaga alam kung paano ito nangyari. Bahay sa loob ng bahay! That's a freaking unbelievable but right now, it isn't anymore!
Para itong isang senaryo na nakikita ko sa tv cartoons!
Malalim akong napabuntong-hininga habang nakatayo sa pintuan. This is my new chapter and I hope this chapter isn't awful like how my past and recent chapter was.
Hindi ko mapigilang maalala ang mataray na babae kanina. Nahihimigan sa kanyang boses ang inggit. Should I ask Sir Jakar that we want to switch place? Parang gustong-gusto niya talaga ata rito 'eh...