PUMIKIT ako ng mariin ng marinig ang tunog ng isang papel na nilukot at kung saan saan lang itinatapon ng demonyong prenteng nakaupo ngayon sa sofa.
Hindi ko talaga alam kung anong trip ng lalaking 'to sa buhay niya. Kulang na lang talaga at ramdam ko ng mapipigtas na ang pasensya ko.
"Damn mind." Kunwaring bulong niya pa habang nakatingin roon sa malaking sketch book na nasa kanyang kandungan at sa coffee table naroon ang mga iilang mga pampakulay.
Tumalim ang tingin ko sa kanya, akala mo naman totoong artist! Alam ko namang bwinubwesit lang ako ng isang 'to! Oo, dahil ito na ang ginagawa at pinaparamdam niya sa akin simula nung huling nakakagimbal na pangyayari!
Doon lang ako natauhan ng bigla soyang tumikhim. Napangiwi ako sa aking sarili. Waga kung makatitig, Clea! Baka ano pa masabi n'yan sa 'yo!
Nagtaas siya ng kilay. "What?"
"Bakit di kaya tumigil ka na lang d'yan sa kahibangan mo? Nagsasayang ka lang ng papel 'eh! Alam mo ba kung ilang puno ang sinasayang mo ngayon at ilang estudyante ang nangangailangan-"
He scowled. "Are you trying to offend me?"
Kaagad akong umiling at talagang nagawa pa akong pagbintangan!
"Hindi 'ah! Hindi ba obvious?" I acted like an i***t.
But the monster merely grinned broadly before scanning me with his eagle eyes, which made me feel uneasy from where I was standing.
"I can sketch you naked, even if you're wearing those big clothing,'' Aniya ngunit napaka senswal ng dating nito sa akin. Gosh, this man is luring me!
Halata sa kanyang boses ang pang-aasar. Ano raw?! Nakahubad?! Isangla ko kaya kaluluwa niya.
"Napakabastos mo talagang lalaki ka! Wala ka ng nagawang maganda sa akin."
Inirapan niya lang ako bago bumaling muli doon sa kanyang ginagawa. Dahil sa inis ay hinayaan ko na siyang magkalat na lamang d'yan, ilang oras na lang ay magtatanghali na. I need to prepare his dinner.
TAHIMIK akong nagluluto ng kanyang pananghalian ng bigla siyang sumulpot dala pa rin iyong pinagkakaabalahan niya kanina.
Kaagad nasira ang mukha ko.
Parang linta ang isang 'to. Bwesit na linta kamo.
Tamad niya akong tinignan na sinasawsaw ang manok sa breeding. Bumaba ang tingin ko sa kanyang dala. Blanko pa rin ito.
"Doon ka nga sala!" Naiinis na singhal ko, but the brute just shook his head lazily.
He smirked. "Are you pregnant, and why do you have such erratic moods?"
"Tss, kung buntis man ako hinding-hindi ako dito titira baka ikaw pa ang paglihian ko."
"Well, I'm not going to allow you; the baby mom should cling to the baby daddy," he said, grinning widely.
I immediately felt compelled to spit raw chickens in his face. Bukod sa corny ang kanyang banat nakakadiring pakinggan rin!
Sa halip na magsalita pa ay itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa aking ginagawa dahil nakakasigurado ako na kapag nagsalita pa ako, hindi ko alam kung kailan ako matatapos sa ginagawa kaya minabuti ko ng tumahimik.
"Can you use some things to define yourself?" Biglaang tanong niya sa kalagitnaan ng katahimikang bumalot sa amin.
Infairness, may matinong nagawa rin siya ngayong araw.
"What's with the question?" Tanong ko pabalik.
He shrugged while looking at me waiting for an answer.
"Hindi ko alam, hindi ko rin naman naisipan ang mga bagay na 'yan, at kung maisipan ko man hindi ko rin sasabihin sa 'yo."
His mouth was pursed. "I have no idea what has gotten into me to ask someone like you that question." Malulutong ang kanyang mura bago umalis sa harapan ko.
Kaagad akong napangisi dahil sa tuwa. Akala mo ha, magaling din akong mangbwesit ng taong kagaya mo!
"BAKIT nandito ka na naman?"
Bakit ba walang araw na hindi nakakapagpahinga ang utak ko? Damn. Kung walang Henry may Tristan, kung walang Tristan may Henry. Gosh, isama niyo pa si Sir Jakar na pa minsan minsan ay sumusulpot rin na parang kabute.
He just chuckled. "Basta. Just come here, usual." Then he ended the line.
Hindi man lang hinintay ang sagot ko bago patayin ang linya. Ganun ba siya ka-confident na sisiputin ko siya? Tss.
Nang makalabas ako sa aking kwarto nadatnan ko ang aking amo na seryoso sa pa rin kuno sa kanyang "hobby" "past time".
Hindi na akong nagpaalam baka ma distract ko pa siya o kung ano. Dumiretso na lamang akong umalis.
NAGKASALUBONG ang aking mga kilay ng makita ang isang malaking kahon sa aking harapan. Anong kalokohan na naman ba ang iniisip ng isang 'to?
"Oh, ganyan na ba talaga ako kasama sa 'yo, Babe?" Natatawang tanong niya ng nilingon ko siya gamit ang naningkit kong mga mata.
Inirapan ko siya. "Malay ko ba. Huwag mo nga ako tawaging babe. Parang tanga."
Hindi na niya pinatuonan ng pansin ang sinabi ko sa huli bago minuwestra na buksan ko raw ang kahon.
When I opened it, I simply scoffed. My brow furrowed, and when I realized what it was... My mouth drew apart.
Napalingon ako sa aking katabi na ngayon ay nakangiti na sa akin ng malawak. Bumalik kaagad ang tingin ko sa malaking kahon na kakabukas ko lang.
Sa isang malakibg kahon... Naroon ang isang kulay puting maskara na tanging ang mga mata lang ang matatakpan at sa ilalim nito ay isang puting bestida— No, a gown to be exact.
Para saan naman 'to? Mukhang mamahalin... Nang makita ko ang isang maliit na puting papel roon doon ko napag-alaman kung saan galing ito.
"Christian Dior..." I read the name written on the card, whispering.
"What do you think of it?"
My face remained black. Bakit ba bigla bigla niya akong binibigyan ng ganito? Napakagat ako ng labi ng makita ang iilang mga kasambahay na pasimpleng ngumingiwi.
"Maganda." Simpleng sagot ko kahit pa hindi ko naman nakita ang buong kabuobuoan ng dress.
He scowled. "Jakar is correct; you have absolutely no fashion sense."
Aba...
"Para saan ba kase 'to!?"
"Well, I'm going to a masquerade party—specifically, a birthday celebration with a masquerade theme."
Literal na nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Kaagad akong napailing. Me? Attending some party for someone like him... Ayoko.
Halata namang bongga bongga ang mga party ng mayayaman mapapahiya lang ako doon!
He patted the top of my head, na para ba akong tuta, most likely because of my current appearance. Siguro ang putla putla ko ngayon!
"You can't say no."
"Bakit hindi?!"
"Remember our deal? Ito na 'yon. Ito na ang hinihingi ko."He folded his arms over his chest and stated, making me recall what our bargain was last week.
Kaagad akong napailing at napahawak sa kanyang braso. Kung kailangan kong magmakaawa gagawin ko! Huwag lang ako makadalo roon! Partying isn't my thing. Wala akong mukha at dignidad na mahaharap roon sa mga mayayaman.
"Henry naman... "Iba nalang please... Wag lang ganito-"
"Why? Jakar is going also."
Parang kung anong oras ay gusto ko ng umiyak! "Iyon na nga! Walang problema si Sir Jakar kase nababagay naman talaga siya roon! Eh ako? Hindi-"
Napakurap kurap ako ng biglang sumeryoso ang kanyang mukha, umayos siya sa kanyang kinatatayuan bago ako tinignan ng mariin.
"Do you think that's why you're rejecting me?"
Dahan dahan akong tumango. "Atleast my reason is valid right? Kaya sige na..."
Napaigtad na lamang ako ng bigla niyang hinawakan ang magkabilang braso ko... At pinalapit sa kanya. Dahil sa kanyang pagiging seryoso ngayon hindi na niya namalayan kung gaano kami kalapit ngayon sa isa't-isa.
"That's my party; I can invite anybody I want, and you're the only person I wanted to invite. Walang kwenta ang kaarawan ko, Clea, kung wala ka."
B-birthday... Birthday niya bukas? Bakit di ko alam? Bakit mo naman kailangan malaman, Clea?
Mas lalong bumagsak ang mga balikat ko. Pakiramdam ko ay pasan ko ang hinanakit ng aking amo sa kanyang tanang buhay. Edi mas lalo akong hindi pwede tumanggi sa kanya!
"Just go to the party, Ms Versoza."
Pareho kaming napatingin roon sa lalaking nagsalita. Pasimple kong inagaw ang aking balikat sa hawak ng Henry bago nagmamaktol na parang isang bata.
Oh gosh, how I hate rich' party!
"Ikaw pa naman ang bida bukas..." Makahulugang saad ng matanda bago bumaling kay Henry na ngayon ay nakataas na ang gilid ng kanyang labi.
Hindi ako umimik. Ayokong umimik! Gusto ko na lang itikom ang bibig ko habang buhay para hindi ako makasagot sa tanong ni Henry kung pupunta ba ako bukas o hindi. When you want to reject someone, staying mute is a wonderful thing to do.
"Your grandfather is going tomorrow, right? Well, of course. I'm pretty sure she will like... Clea." Parang baliw na saad niya bago tinapik ang balikat ni Henry.
Gusto kong umiyak ngayon at magwala na parang bata!
Ngumisi siya... Parang may pinaparating. "Sa akin pa nga lang ay pasado na si Clea para sa 'yo."
My brows straightened out. Why does it seem like he's trying to sell me to Henry?
Henry gave a quiet chuckle. So appealing.
"I don't care if she meets or exceeds everyone's expectations, Old Man; their remarks matter nothing to me."
Tumawa si Sir Jakar ng malakas bago inakbayan si Henry.
"Now I'm certain that Clea is in the good hands... Only on you. Ikaw lang-"
"What a crowd."
When I spotted my boss standing against the door, clutching his notebook, I blinked many times... Na parang kambal na yata niya. He looks like a model right now! Isang modelo na mayroong konsepto ng tamad. Bahagyang magulo ang kanyang buhok at mayroong nakaipit na hindi isang ordinaryong lapis sa kanyang tenga.
"Unfortunately, Mr Dela Fuente, my employee will be unable to attend your event." Mataman niyang saad.
Gosh, siya ang knight in shining armor ko ngayon!
"Why not? I already asked for Jakar's-"
"Bakit sa kanya? Bakit hindi sa akin?"
Okay... But why does he come across as a possessive man? Clea, don't overthink things! Baka may ipapagawa na naman sa akin bukas kaya ayaw ako papuntahin? Well, kung ano man 'yan, I will gladly do it! Huwag lang ako makapunta sa sinasabing party ng dalawang lalaking nasa tabi ko.
Sir Jakar grimaced, mockingly. "Let me remind you, p***y cat. I have more right on Clea because I am her empl-"
"Well, not now. Ako na ang employer niya." Ngumisi siya at mayabang na ipinakita sa matanda ang sketchbook na kanina pa talaga niya binitbit.
"What do you mean?" Sir Jakar asked him confusingly.
Mas lalong lumapad ang ngisi ng aking boss. I am mentally cheering on him right now! Go boss! Go Sir Tristan!
"I have a job now, fucker."