"ANO ba 'yan! Bakit mo pa ako hinintay dito sa labas? Nagmumukha tuloy na kasalanan ko pa dahil ang tagal ko." Pagmamaktol ko sa lalaking katabi ko habang naglalakad patungo sa restaurant na kakainan raw namin.
He just laughed. Para talagang walang problema. Parang hindi man lang dumaan sa isang nakakatakot na pangyayari.
"I rather wait you than talk to them about how's my life going-"
Napaawang ang bibig ko sa narinig mula sa kanya. So ibig sabihin hindi lang kami ang tao? Meron pa siyang inimbita.
Nang makitang natigilan ako ay natigilan rin siya at kunot noong lumapit sa akin habang ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang magkabilang bulsa.
"So it's not just you and me?"
Tinampal ko ang kanyang matigas ng braso nang bigla siyang humalakhak. Bakit na naman ba?!
"Why does you sound disappointed that there's other people who will joins us-"
"So meron nga?! Sabi mo tayo lang!" Mas lalo akong napikon sa paraan ng kanyang pagtawa. Feelingero!
While still chuckling, he shook his head. "Unfortunately, this is a family dinner, and I invited you to join us..."
"Ah so ako 'yung extra?! You should have told me so I could prepare."
"Bakit kung sinabi ko ba sa tingin mo nandito ka ngayon sa tabi ko?" Then he smirked.
Tama nga naman siya. Napasimangot ako. Kahit na! Nagmumukha tuloy akong baduy sa kahit pa ito na ang tipikal kong sinusuot.
Nang maalala ko kung paano manamit ang kanyang kapatid… Parang nakaramdam ako ng bigat sa aking likuran. Para bang pasan ko ang buong mundo!
Natigilan ako ng bigla na lang siyang lumapit sa akin at mayroong isang bagay na inilagay sa aking buhok.
Napahawak ako roon, nang hindi pa makuntento ay kumuha ako ng salamin sa aking bag at tinignan kung ano ang bagay na 'yon.
When I saw what it was, it made my heart skip a beat.
A ruby aspial. Hugis butterfly ito na halatang mamahalin. It looks so elegant… Hindi bagay sa akin.
I couldn't help but gnaw my bottom lip as I stared at him, his eyes twinkling at me.
Henry…
"With or without that aspial you still look good in my eyes." Aniya at inakbayan ako tsaka kinaladkad roon.
Humigpit ang hawak ko sa aking sling bag. Henry naman… Bakit ba ginagawa mong mahirap sa akin 'to?
Ano ba 'yan!
"Good evening po…" Bati ko sa kanila sa isang maliit na boses at bahagyang yumuko.
Hindi ko akalain na literal na family dinner talaga! Andito ang pinsan niyang lalaki na minsang nakita ko sa hospital at 'yung babaeng galit na galit sa akin dahil sa nangyari kay Henry… His grandfather, his sister, and two faces that are not familiar to me. Tantya ko ay hindi nagkakalayo ang edas nila ni Sir Jakar.
Kaagad kaming sinalubong ng malaking ngiti ng kanyang Lolo na nasa dulo ng lamesa.
"Have a sit, hija, hijo." Aniya.
Henry pulled a chair for me, gently. Hindi naman nakatakas sa akin ang pasimoleng pag-ngiwi ng kanyang kapatid sa aming harapan.
She will always hates me. Sana ganyan ka Henry, hindi iyong napakabait mo pa rin kahit may nagawa akong malaking kasalanan sa 'yo.
If he just hates me... Maybe things wouldn't be this hard.
"You're just on time, hijo." His Grandfather chuckled.
Henry just grinned at him. Napayuko ako ng magkasalubing kami ng tingin nung babaeng hindi ko kilala…
"So, Hanna, siya ba ang tinutukoy mo sa akin? Hija?" Panimula niya sa isang boses na hindi ko rin matukoy kung ano nga ba.
My lips pursed. Henry kakatayin talaga kita ng buhay.
Pero isa lang ang hinihiling ko ngayon. Sana… Sana lang talaga ay hindi umatake ang pisteng sakit ko.
"Yeah." Henry's sister answered boredly. "That Clea girl."
The woman in her late 40's smirked, and that made me really tense. "No wonder..."
"Lucresia." Nagbabantang sambit ng matanda habang kunot-noong nakatingin.
I gulped… Ang aking kaba ay mas lalo lamang nagatungan ng may biglang humawak sa aking kamay na nasa kandungan at dinala ito sa ibabaw ng lamesa. Ramdam ko lahat ng mga mata nila ay naroon sa pinagsalikop naming mga kamay sa ibabaw ng lamesa.
"Henry…" Bulong ko, nagawa ko pang ibuka ang aking bibig sa kabila ng takot na nararamdaman.
Ngunit hindi siya nakatingin sa akin, ang kanyang atensyon ay nasa harapan namin. He grinned broadly at them, seemingly unconcerned by their emotions.
"Yes, she is, Tita. She's beautiful isn't she?" May halo pang pagmamalaki sa kanynag boses! Gosh, this man!
"Ang tanong sa 'yo ba?" Naglalaro ang mapanuyang ngisi sa labi ng kanyang kapatid sa sariling tanong nito.
Henry licked his lower lip. "Soon, Hanna. Soon. Right?" Aniya bago ako binalingan at bahagya pang hinaplos ang aking kamay na naroon pa rin sa ibabaw ng lamesa.
I suddenly felt uncomfortable. Gusto kong kunin pabalik ang mga kamay ko mula sa kanya, but I don't want to be rude…
"I'm confident that you'll make a perfect couple with my grandson, Hija." Nakangiting saad ng matanda na siyang nagpatibok ng puso ko.
Hala, bakit couple na?! What the…
"May kamukha siya..."
Hanna chuckled. "Yeah, right. Mukhang Tita Irish..." Then she shrugged while looking at me intently.
"Could you please stop saying that, Hanna?"
Napakurap-kurap ako ng matunugan ang irritasyon sa boses ni Henry. Dang. But Henry's sister just chuckled. Mas lalong iniinis ang kanyang kapatid.
"Okay, sorry. Pikon mo naman..." Then the side of her lips rosed.
"Hanna, enough."
Hanna rolled her eyes like a spoiled brat when her grandfather called her in a warning voice.
Nang bumaling na ito sa akin ay mayroon na itong malapad na ngiti sa labi na siyang nagpabigla sa akin. Ang bilis naman ata mag-iba ng kanyang mood?
"Hija, don't mind them. Make yourself comfortable here, okay? Now let's eat." Nilingon niya ang mga waitress sa kanyang likuran. "Serve the food."
Nakita ko kung paano umiling ang babae sa sinabi ng matanda habang ang kanyang katabing lalaki naman ay paminsan-minsang sumusulyap sa akin.
Hindi rin nakakatakas sa akin ang pag-igting ng panga nang babaeng katabi ng kanyang pinsan na nakasagutan ni Sir Tristan noon sa hospital.
I guess, I will have a long night ahead.
SORRY FOR SHORT UPDATE. BABAWI AKO TOMS. TAMBAK NA SCHOOL WORKS MADE ME SO EXHAUSTED!!!