''BAKIT ngayon ka lang?'' Hindi pa man ako nakapasok sinalubong agad niya ako ng tanong habang nakaupo ito sa sofa at nakatalikod sa akin. Bakas sa kanyang boses ang panlalamig. Si Sir Cian ang naghatid sa akin rito, hinanap niya ako at sa isang pasilyo kaming dalawa nagkasalubong, about Hanna, hindi ko alam dahil na rin sila magkasama ni Sir Cian. ''May nangyari lang.'' Sagot ko sa isang mababang boses habang nakayuko. Bigla siyang tumayo at hinarap ako, nakita ko kung paano pumungay ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin, hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga mata. It's hypnotizing for me. Alam ko naman kase na sesermunan niya lang ako. ''Then you should have update me, at very least...'' I sighed deeply. ''I'm sorry... Can I rest? I'm so tired...'' Hindi siya

