PASIPSIP 2

1230 Words
VITO YAEL’s POV ______ Tinitingnan ko ang resume ni Jemima, and I never imagined we'd meet again. I knew she was upset at me, and it was my fault. Naging one-sided ako para tuluyan niyang ilayo ang sarili sa akin, na alam kong tama. I was in love with her cousin, and I didn't want to give her any more reason to think I'd like her. Matagal na akong walang balita sa kanya, Right now, I have a lot of questions on my mind. I know how much the De Lunas adore their only daughter, but the Jemima I know now is so different. What has happened in the past seven years? “Sir Vito, tumawag sa akin si Don Lofranco, pinapasabi nitong kailangan mong pumunta sa family dinner niyo. Meron siyang importanteng sasabihin sa’yo.” Seryosong sabi ni Ronan, ang kanang kamay ng aking ama na ngayon ay sakin na nagsisilbi. “Anong importante? Tungkol na naman ba sa babaeng gusto niyang pakasalan ko? Sabihin mong hindi ako makakapunta dahil may iba akong lakad ngayon.” Malamig na sagot ko, magkikita kami ng aking mga kaibigan ngayon. May meeting kaming apat sa restobar, for sure mauuwi na naman sa inuman to. “Ronan, meron akong ipapagawa sayo. Kailangan ko lahat ng record ni Jemima De Luna.” Malamig kong utos sa kanya, tumango lamang ito bilang sagot. Umalis na siya sa aking harapan, kailangan ko ng umalis baka may masabi pa silang puro kalokohan lang naman. Gamit kong sasakyan ay ang kulay asul na Cadillac Celestiq, pinaharurot ko na ito palabas ng aking bahay. May mga tauhan pa rin akong nakasunod sa akin, mabuti na yung nag-iingat. Nang makarating na ako dito sa restobar kung saan lagi kami nagkikita ng mga kaibigan ko. Nag-message ako kay Walter para ipaalam na kararating ko lang, I got out of my car. I looked around before finally walking inside the restobar. Ngunit may bumangga sakin, madilim ang aking mukhang tumingin sa kanya. Nakayuko siya at mukhang lasing na, nagsalubong ang dalawa kong kilay nang tumingala siya. “Jemima.” Malamig kong tawag sa kanyang pangalan, ngumisi siya bago nagsalita. “Oh, ikaw pala. Small world Congressman Vito! Anong ginagawa mo rito, tara mag-inuman tayo. Marami akong gustong sabihin sayo!” Pasigaw niyang sabi sa akin habang tinatapik ang aking kaliwang balikat. “Pasensya na po Congressman, lasing lang kasi si Jemima.” Paghingi ng paumanhin ng isa niyang kaibigan. “Ano ba Tansy, hindi mo kailangang humingi ng pasensya sa taong ‘to! Bakit ba kasi nag-krus pa ulit ang landas nating dalawa!” Malamig niyang sabi, seryoso lang akong nakatingin sa kanya. Marami ng nanonood sa amin, kaya hinawakan ko ang kanyang braso. “Mag-usap tayong dalawa.” Seryosong bulong ko sa kanya, mahina lang siyang tumawa. “Oh talaga marami tayong pag-uusapang dalawa!!” Sagot niya bago pagiwang-giwang na lumakad, tumingin ako sa kaibigan niya binitawan naman siya nito. “Ako na ang bahala sa kanya.” Inalalayan ko na siyang maglakad, dahil sa sobrang kalasingan niya’y halos matumba na siya kung lumakad. “I hate you, Vito Yael Lofranco!” Mahina niyang bulong, bago tumingin sa akin. Nagulat ako nang makitang umiiyak ito. “Sana hindi na lang kita nakilala! Masama ako diba, dahil puro kasinungalingan lahat ng pinaniwalaan mo. Sino ba naman ako, diba? Laging si Ate Fianna ang tama sa paningin mo, dahil sa inyo nasira ang buhay ko!” Galit at umiiyak niyang sigaw sa akin, tumigil kami sa paglalakad at pinagsusuntok ang dibdib ko. “Kinasusuklaman kita! Ano bang ginawa ko sayo para mahirapan ako ng ganito? Pati ang pagkamatay ng pinakamamahal kong kapatid, sa akin sinisi. Wala akong ginawang masama, pero bakit ako ang nagdurusa?! Sumagot ka Vito!” Halos hilahin na niya ang suot kong t-shirt, wala akong nakikita sa mga mata niya kundi poot at galit. Ginawa ko lang naman kung anong mas makakabuti sa kanya, masyado siyang bata para sakin. Nagpakatotoo naman ako sa kanya, sinabi ko kung anong tunay na aking nararamdaman na hanggang turing na kapatid lang ang kaya kong ibigay. “Hindi ko maintindihan yung sinasabi mo Jemima, alam ni Jeremiah kung anong totoo. Magalit ka sakin kung yan ang nakakapagpagaan ng pakiramdam mo, i’m sorry dahil nasaktan kita. Mas gusto ko pang magalit ka sakin, dahil yun naman talaga ang gusto kong mangyari.” Seryoso kong paliwanag sa kanya, humigpit ang pagkakahawak niya sa aking damit. I was surprised by what she did, siniil niya ako ng halik sa labi. Nanigas ako sa aking kinatatayuan, mapusok ang kanyang paghalik sakin. Nalalasahan ko ang ininom niyang hard alcohol, I pushed her away from me. “Hi-hindi mo ba talaga ako kayang mahalin, isang bata pa rin ba ang tingin mo sakin? Ganyan ka ba talaga Vito, mahilig gumamit ng ibang tao para makuha yung gusto mo? Bakit ba nahulog pa ako sa isang gaya mo? Matagal na yun wala na akong nararamdaman para sayo. At hinding-hindi na ako mahuhulog sayo, ang tanga ko naman kung mamahalin ulit kita!” Natatawa niyang sabi habang umiiyak at pinapalo ang aking dibdib. “Alam mo pitong taon na ang lumipas, pero sariwang-sariwa pa rin sa aking isipan lahat ng ginawa mo. Hindi mo lang ako sinaktan, pati ang kuya Jeremiah ko kinuha ninyo sakin. Congressman Vito, meron ka bang alam sa pagkamatay ng kapatid ko? Magkakasama tayo nung gabing yun, anong totoong nangyari?” Sunod-sunod niya na tanong habang ang kanyang mga luha ay walang tigil sa pag-agos sa mukha niya. Alam kong darating ang araw na ‘to, magtatanong siya pero nangako akong hindi ko sasabihin sa kanya. Dahil siguradong lalo lamang siyang masasaktan. “Parang awa muna, sabihin mo sa akin ang totoo gusto ko ng matahimik. Araw-araw akong minumulto ng konsensya ko, anong nangyari nung gabing yun? Sumagot ka, hindi mo alam kung paano ako mahirapan! Hanggang ngayon dala-dala ko pa rin ang problemang yan.” Pagmamakaawa niya, akmang luluhod na sana siya pero pinigilan ko. “Wala akong alam Jemima, ihahatid na kita. Ibaon muna sa limot lahat ng nakaraan, huwag mong sisihin yang sarili mo dahil wala kang kasalanan.” Pagpapakalma ko sa kanya, pero lalo lamang siyang nagalit. “Makasarili ka! Wala ka talagang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao!” Malamig niyang sabi, huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. “Ang dali mong sabihin dahil wala ka sa kinatatayuan ko, sarili kong pamilya Vito trinato akong mamamatay tao. Ako ang sinisisi nila bakit namatay si Kuya Jeremiah, gusto kong linisin ang pangalan ko. Hindi ako naghahangad na muli nila akong tanggapin, kaya sabihin muna sakin kahit kaunti makaramdam ka naman ng awa.” Ang mga mata niyang puno ng poot at galit kanina ay napalitan ng halo-halong emosyon, pangungulila at puno ng pagsisisi. Napahagulgol ito ng iyak kaya niyakap ko siya ng mahigpit, wala ibang bukambibig kundi pangalan ni Jeremiah. Ilang minuto rin kaming nakatayo na dalawa, hanggang sa makatulog ito kakaiyak. Binuhat ko siya at maingat na sinakay sa aking sasakyan, I took my cell phone and messaged Walter that there was an emergency and I couldn't go. “I’m sorry Jemima, ngayon itatama ko lahat ng maling nagawa ko sayo noon. Wala na muling mananakit sayo, hangga’t nasa tabi kita hindi ako papayag na saktan ka nila.” Bulong ko sa kanya habang hinahaplos ang maamo niyang mukha. To be continued…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD