Prologue

284 Words
Sabay-sabay naming hinagis ang graduation cap naming at nagtatatalon sa tuwa. Sa wakas at Graduate na kami sa highschool at sa wakas, collage na kami. "Avery, saan ka mag-aaral ng collage?" tanong sa akin ng bestfriend ko na si Akira. Oo nga noh, saan ba ako mag aaral ng kolehiyo? "Hindi ko nga rin alam eh. Ikaw, saan ka ba magaaral?" tanong ko kay Akira. Siguro, kung saan siya mag-aral dun na lang din ako para magkasama pa rin kami. "Sa SEU." tipid nyang sagot. SEU? ano naman kayang school yun? Siguro, puro mayayaman lang dun. Hayst! di ako belong. "Saan yun? Anong SEU?" nalilito kong tanong. Napangiti sya pero yung ngiting may ibigsabihin which is hindi ko alam. "SkyElite University." ahhh! ang ganda naman nang pangalan, pangmayaman. Pero, bakit parang ngayon ko lang yun narinig? "Mukhang maganda dun ah! kaso, di naman ata kaya ni Lola na pagaralin ako dun. Wala kaming pera para pang entrance exam, at wala rin kaming pambayad ng tuition. Scholar nga lang ako ditto eh." dismayadong pahayag ko. Ngumiti na naman sya at hinawakan ang balikat ko. "Avery, may mga bagay talagang malalaman mo rin sa takdang panahon. Siguro, hindi pa tamang panahon para malaman mo pero may magsasabi at magsasabi sayo kung ano ka talaga... Kung sino ka talaga." matalinhagang sabi nya. Iniwan nya akong mag-isa, lutang at naistatwa sa kinatatayuan. "Sandali! Akira!" sigaw ko sa kanya, umaasang lilingunin nya ako at babalikan. Pero masyado na syang malayo para marinig ang sigaw ko. Naiwan ulit akong lutang at tila naistatwa sa aking kinatatayuan. Ano ba yung sinasabi nyang 'tamang panahon para malaman ko kung sino at ano ba talaga ang tunay na ako?' Sino ba talaga ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD