Narinig ko pa ang babae na nagsasalita kung may oras kayo pwede niyo ba akong e tour dito? kakarating ko lang kasi kahapon at hindi ko pa kabisado ang lugar muka naman kasi kayong mababait kaya sa inyo ako lumapit tanong nito sa dalawa kung pinsan dahil sa sinabi ng babae nagkatinginan pa yung dalawa na para bang nag uusap sila na sila lang ang nagkakaintindihan sige andy pag may time kami sasamahan ka namin sa ngayon kasi may bisita pa kami kaya wala kaming oras.
Ay ganun ba sige okay lang sagot naman ng babae saka ngumiti paano jim cris mag lalakad lakad muna ako paalam nito sa dalawa kung pinsan muka naman siyang mabait habang kausap ang mga pinsan ko yun nga lang hindi manlang kami pinansin na akala mo hindi kami nakikita pero napansin ko sa babae parang may kakaiba dito kaya siguro hindi maipinta ang itsura ng tatlo kung kaibigan alam kung naramdaman din nila kung ano ang naramdaman ko sa babae.
Sakto naman pagka talikod ng babae na andy yung pangalan saka naman ang pag labas ni franz sa pinto kaya hindi nito nakita ang itsura ng babae likod lang ang nakita nito sino yun? tanong nito ah yung babae ba andy daw ang pangalan eh magpapasama sana sa mga pinsan ni ann at bago lang daw sya dito sagot naman ni ruby at naglakad na papasok sa loob ng bahay sumunod naman kami dito kasama yung dalawa kung pinsan pero napansin ko si franz na parang na tulala ata naka tingin padin ito sa papalayong babae.
Tinawag ko ito hoy franz halika na pumasok na tayo at kakain na tayo ng almusal narinig ako nito kaya nag umpisa na itong maglakad papasok ng bahay pero pa lingon lingon padin ito kaya nagtaka na ako sa kinikilos nito.
Dahil sa pagtataka ako yung naiwan sa labas hindi ko napansin na nakapasok na pala ito sa loob ng bahay kaya sumunod nalang din ako sa kusina
nakita ko si tita na naghahain ng pagkain tinutulungan ito ng mga kaibigan ko good morning tita bati ko dito good morning ija ma upo na kayo at ako na ang bahala dito sagot nito kaya na upo naman kami hinintay namin syang makatapos bago kumain.
Habang kumakain iniisip ko padin ang kinikilos kanina ni franz kaya hindi na ako naka tiis at tinanong ko ito franz? napalingon ito sa akin bakit? Franz bakit titig na titig ka dun sa babae kanina kahit nakatalikod at malayo na? dahil sa tanong ko kay franz kaya napatingin silang lahat sa akin pagkatapos tumingin sila kay franz naghihintay din ng sagot.
Para kasing familiar yung babae sa akin kahit nakatalikod na hindi ko lang matandaan kung saan ko nga ba sya nakita at isa pa kahit nakatalikod na sya kanina at medyo malayo na parang may nararamdaman akong kakaiba dito na hindi ko maipaliwanag sagot nito kaya nagkatinginan kaming lahat pati si tita at ang dalawa kung pinsan natahimik din.
Yung mga kaibigan ko parepareho kami ng naramdaman dun sa babae nagpatuloy kami sa pagkain ng aming umagahan na parang walang nangyare kasi ang iingay nanaman nila lalo na si franz at ruby nag babangayan nanaman wala talaga pinipiling lugar ang dalawang ito.
After namin mag breakfast nag tulong tulong din kami sa pag ligpit ng pinagkainan namin kasi ang sabi ni tita mamaya pa daw babalik ang dalawang katulong nito pagkatapos namin magligpit naisipan naming mag libot libot kuna maaga pa pero maraming tao na sa may dalampasigan.
Hoy girls? tawag sa amin ni franz habang naka upo kami sa may buhangin oh bakit? alam nyo para mas exciting ang ating bakasyon tulungan kaya natin ang mga tao dito na hanapin ang sinasabi nilang aswang?
Hmmm mukhang masaya nga yang naisip mo franz sagot naman ni ruby simulan na kaya natin mamayang gabi puntahan natin kung saan natin sya unang nakita but guys be careful dahil hindi ordinayong tao ang makakalaban natin.
Alam naman namin yan ruby kaya nga kaylangan muna natin mag isip ng paraan kung paano ba natin mahuhili yang aswang kaylangan nating planuhin ng mabuti alam naman natin na kahit marunong tayo makipag laban eh wag natin maliitin yang aswang na yan they have powers at siguradong mas malakas ito.
Maybe we can ask to your cousins ann kung may alam ba sila na pwede nating gamitin para matalo natin ang aswang sagot naman ni celine and your tita maybe she can help us also nakikita ko kasi na parang may alam ang tita mo dugtong pa nito.
Guys look narinig naming sabi ni judy kaya napatingin kami kung saan ito naka tingin diba sya yung girl kanina its like she use gayuma because look oh yung mga guys parang sunod sunuran lang sa kanya kanina ko pa napapansin yan habang nag uusap tayo lucky she didn't use it when she talk to your cousins this morning ann.
Its like hindi lang aswang ang kaylangan nating alisin sa lugar na ito sabat naman ni ruby parang mapapalaban talaga ang beauty ko ngayon ah.
Okay guys tama na muna yan baka may maka rinig sa atin dahil napapansin ko mukhang maraming hindi ordinayong tao sa lugar na ito total medyo masakit naman na sa balat ang sikat ng araw umuwi na muna tayo.
Kaya tumayo na kami wait guys narinig namin na sabi ni franz I think na alala ko na kung saan ko nakitang yung girl saan? sabay naming tanong dito later I'll tell you sa bahay wag dito dahil tigan niyo oh hndi niyo ba napapansin na maraming naka tingin sa atin?
Oh franz hindi kapa ba nasanay na kahit saan tayo mag punta eh lagi tayo pinagtitinginan? sagot naman ni ruby dito kaya natawa nalang kami kasi totoo naman talaga yun lagi kaming agaw atensyon hindi rin kasi namin maipag kaila na magaganda kami at kahit bakla si franz nakaka hatak din ito ng attention sa mga kababaihan.
Halina nga kayo bilisan nyo mag lakad at masakit na sa balat yung araw aya ko sa kanila hindi talaga matatahimik ang buhay ko pag kasama ko itong si franz at si ruby kasi palagi itong nagbabangayan kahit saan kaya mas lalo kaming naka hatak ng atensyon.
Medyo malapit na kami sa bahay ng napatigil ako sa paglalakad kaya nagtaka din yung mga kaibigan ko at napatigil din bakit ann? guys lumakad lang kayo wag kayong papahalata kaya na gets din nila ang ibig kung sabihin kaya nag lakad kami papuntang bahay na parang walang nangyare pagka pasok namin ng bahay agad nila akong tinanong ann bakit ka tumigil kanina?
Guys nakita ko ulit yung aswang but this time isa syang normal na tao pero nalaman ko lang na sya yung aswang kasi naka tingin sya sa atin sa malayo hindi masyadong pansin hindi ko alam pero parang galit ito namumula ang mga mata ibig sabihin lang nito walang pinipiling oras ang aswang pag gusto nyang umatake.
Nakita mo ba na malinaw ang itsura nya ann? tanong sa akin ni judy hindi ko nakita ng malinaw Judy kasi medyo malayo pero kapansin pansin ang expression ng muka nito at ang mata nitong namumula.
Magsasalita pa sana ako ng biglang pumasok ang dalawang pinsan ko at may kasama pa ang mga ito pero nagulat ako ng makita ko kung sino ang kasama nila ohh ann andito na pala kayo tamang tama papakilala ko sa inyo yung kaibigan namin si abby nga pala abby sya si ann ang sinasabi namin sayo na pinsan namin at ito naman ang mga kaibigan niya si Franz, Judy, Celine at si Ruby hello po kayo po pala ang pinsan ng dalawang to naikwento ka kasi nila sakin minsan ang ganda niyo po pala hello abby wag po na akong i po baka mag ka edad nga lang tayo eh saka ngumiti.
Hello abby masayang bati ni Ruby dito taga dito kadin ba abby? ahh hindi po talaga ako taga dito dalawang buwan palang po ako dito at sila james at cris ang una kung nakilala nakatira ako dun sa bahay ng tita ko pero wala sila dito ngayon nasa ibang bansa kaya ako lang mag isa ang naka tira doon mahabang sagot nito kay ruby.
Ay ganun ba abby ibig sabihin nagbabakasyon kalang din dito? ngumiti muna ito bago sumagot oo Ruby stress kasi sa trabaho kaya nag leave muna ako.
Oh tama na muna yan magtatanghalian na narinig naming sabi ni tita oh abby andito ka pala sumabay kana din sa amin kumain ng tanghalian aya ni tita dito ahh wag na po tita sa bahay na po ako kakain nag luto po kasi ako bago umalis eh tanggi nito pa alis nadin po ako sabay ngiti kay tita oh sya sige ikaw ang bahala sagot naman ni tita.
Ahmm james, cris uwi na muna ako paalam nito sa mga pinsan ko okay sige abby hatid lang kita sa labas sagot naman ni james bye ann and friends paalam din nito sa amin.
Cris? tawag ko dito kaya napatingin ito sa akin bakit ann? gaano nyo ka kilala yang abby? actually ann si james talaga ang ka close ni abby pinakilala nya lang yan dati sa akin bakit? ah wala lang mag ingat ka sa kanya sagot ko nalang dito sabay alis papuntang kusina.
Hello Readers!!
Thank you for reading my stories sana po subaybayan nyo ang mga stories ko at sana po hindi kayo mag sawa kakahintay ng update ? hindi po kasi ako lagi nakakapag update dahil isa po akong ofw kaya pag may time lang po saka nakakapag update.
paki follow nadin po ako maraming maraming salamat po ulit.
Hope14