Chapter 6- Runaway Bride

1104 Words
"Ahmmmmm... teka Sir este Chief.. sandali lang ho... maaari po bang magtanong?" Habang naglalakad kami sa napakahabang red carpet sa gitna ay pinasimplehan kong dinikitan at sinabayan sa paglalakad ang isa sa apat na sundalong nakapaligid sa akin na sumasabay sa paglalakad ko. "Mahal na prinsesa, isang kasalanan po ang dumikit ang isang mababang sundalong katulad ko nang sobrang lapit sa paglalakad sa isang maharlikang katulad ninyo. Araw po ng kasal ninyo, bawal po sa amin na makipag usap hangga't hindi hinihingi ang opinyon namin." Todo iwas sa pagdikit ang sundalong dinidikitan ko habang naglalakad kami nang sobrang bagal sa gitna ng red carpet. "Ah gano'n ho ba kaso kasi it's hard to explain as a woman or should I say that alam mo rin yung pakiramdam na ganito hindi ba? Kasi nagjijingle ka rin sa comfort room?" Patuloy na pabulong ko pa rin na sinasabi sa tainga ng sundalo na patuloy ko pa ring dinidikitan. "Ano ho mahal na prinsesa? Jingle ba kamo? Ano ho iyon? Comfort room? Nagsasalita rin kayo ng ibang lenggwahe na hindi ko maintindihan." Litong lito na ang sundalo sa sinasabi ko na todo pa rin sa pag iwas sa pagdikit ko. "Huh? Ah eh.. ok sige ganito na lang.... palikuran... or lugar kung saan pwede magbawas o umihi.. mga ganoon. Ahmmmm... pwede muna bang mag stop ako sa paglalakad at magbawas muna ng pantog? Hindi ko na talaga kaya eh.... kasi kasi... ang dami kong nainom na tubig kanina bago tayo umalis eh ang tagal pala ng ginawa nating martsa kanina. San ba matatagpuan ang lugar na iyon?" Todong explanation na lang ang ginawa ko just to convince the soldier to bite my bait. "Ah ok oh.... palikuran ho pala. Naroon po sa loob ng kaharian ng prinsipe. Kailangan ninyo munang pumasok doon para maka ihi kayo," saad na lang ng nahihiyang soldier. "Ah do'n pala ok sige ahhhhh... hindi ko na kaya talaga sasabog na ang pantog ko eh... sobra." Pagkatapos kong sabihin iyon ay bigla akong kumaripas ng takbo sa pakanang direksyon nang sobrang bilis. Sobrang bilis ang ginawa kong pagtakbo na ikinagulat ng lahat nang naroon lalo na ng mga magulang ng totoong prinsesa gayundin ang prinsipe sa unahan, ang mga maharlikang magulang nito at lahat ng maharlikang nasa loob ng bulwagan na iyon. "Go Krishmarie go! Kaya mo yan. Gamitin mo ang pagiging runner champion mo sa Olympic no'ng nasa Amerika ka pa. Magagamit ko ngayon ang skills ko sa ganitong sitwasyon. Wooohoooo!" Kahit mahaba, na medyo mabigat ang kanyang kasuotang kulay pulang kimono ay hindi siya nahirapang tumakbo nang matulin dahil nakasuot pa rin siya ng sneaker. Hindi iyon nabasa nung napalusong siya sa Batis sa kadahilanang binalutan niya iyon ng palstic foot wear bago sila nagdesisyong umakyat sa matarik na bundok no'ng nasa Palawan pa siya. "Anong nangyari sa prinsesa? Anong sinabi niya sa iyo? BAKIT KUMARIPAS IYON NG TAKBO?!" Mabilisan ang paglapit na ginawa ng heneral sa soldier na kinausap ni Krishmarie habang lahat sila ay nakahinto sa pagmamartsa at sobrang gimbal sa nasaksihan. "Habulin ninyo ang prinsesa!" Utos na pa bigla sa ibang soldier na nasa paligid nila habang kinakausap niya ang soldier. "Naiihi raw siya heneral. Tinatanong niya kung sa'n pwede magbawas," natatarantang paliwanag ng sundalo. "Ganoon ba? Bakit kailangan niyang kumaripas ng takbo nang ganoong kabilis?! LINTIK! Nilinlang ka lang ng prinsesa! Sana tinawag mo kaagad ang pansin ko?! Mamaya tayo magtutuos sa magiging parusa mo?!" Galit na galit ang heneral habang pinagmamasdan nito ang ginagawang pagdakip ng kanyang mga sundalo sa palayo na inaakala nilang prinsesa. Lahat ng sundalo sa loob ay nagtulungan na habulin at kornerin sa dulo ang runaway na si Krishmarie. "Patay! Malas malapit na malapit ko ng maabutan ang iskinitang iyon. May bigla namang humarang na soldier sa harapan ko! Damn it!" Naging larong patintero tuloy ang naging eksena ng mga sundalo at ni Krishmarie malapit sa duluhan ng gilid ng kaharian. Isang magaling na atlhetang pinay ito na pinalad minsan sumali sa Olympic saka nakasungkit ng medalya kung kaya't hindi niya alintana ang kapaguran sa pakikipaghabulan sa mga sundalong naroon. Sinubukan nitong lumapit sa isang soldier na malapit ng dumakma sa kanya hanggang sa paghawak nito sa kanyang kaliwang braso ay nagpa swing ito na para bang sila'y sumasayaw saka nito ginamitan ng teknik na natutunan niya sa pag aaral niya noon ng taekwando sa Amerika. Naroon na siya ngayon sa likuran nito saka niya dinakma ang leeg ng sundalo habang nakabaluktot ang kanyang kaliwang braso sa kanyang likuran at kinuha niya ang kanyang suot suot na shoulder bag sa loob ng suot niyang kimono saka pinantutok sa tagiliran ng nasabing soldier. Nagmistula tuloy itong may matulis na bagay na pinantusok sa likod na kanya na ngayong ginawang hostage sa lahat nang naroon. "Pasensya ka na chief ah.... hindi ko kagustuhan na saktan ka kaso kasi kailangan lang kitang gamitin para hindi ako mahuli." Bumubulong si Krishmarie sa nahostage niya habang hinahatak niya ito papunta roon sa loob ng iskinita. Halos malapit na sila sa bungad ng nasabing lusutan. "Bakit po ninyo ito ginagawa mahal na prinsesa? Isang masayang araw ito para sa inyo at maging parte ng bansa namin sana," bulong namang saad ng sundalong hinihila ni Krishmarie papaatras. "You're wrong! This will gonna my most nightmare ever kung hahayaan kong mangyari ito!" Hindi na nakasagot pa ang nasabing sundalo sapagkat hindi na niya naintindihan ang pag iingles nito. "Hanggang diyan lang kayo lahat! Huwag ninyo ng subukan pang lumapit kung ayaw ninyong masaktan itong kasamahan ninyo ngayon! Or else sasaktan ko ang sarili ko kapag nagpumilit pa kayo!" Buong tapang na sumigaw nang pagkalakas lakas si Krishmarie sa lahat ng sundalong nakapaligid sa kanya na patuloy pa ring naka alarma na lumapit nang todo sa kanya para siya ay hulihin. Panaka naka ang paglapit na ginagawa nilang lahat papunta sa knyang direksyon subalit ng marinig nila na sinabi nitong sasaktan niya ang kanyang sarili ay biglang sumenyas ang heneral na tumigil muna silang lahat sa pag abante saka naman nagsipag sunuran ang mga ito sa pag abante. Sa kabilang banda.... "Mahal na prinsipe, naaninagan mo ba ang nagaganap na iyon sa duluhan? Anong nangyari sa mahal na prinsesa kung bakit ito biglang umatras at tumakbo?" Biglang sigaw nang inang reyna ni prinsipe Rushmir na nakapwesto di kalayuan sa kanilang harapan habang katabi nito ang kanyang amang hari. Halos lahat sila ay nagugulumihanan na sa nangayayaring kaguluhan sa loob. Sobrang aligaga na ang prinsipe saka ito biglang umalis sa kanyang pwesto at tumakbo nang mabilis para pumaroon sa kinaroonan ng dalaga.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD