Chapter 1- Balikbayan

2302 Words
"Trisha, natatanaw mo na ba si Krishmarie? Kanina pa nagsipaglabasan yung mga kasabay niya sa eroplano. Grabi ang daming mga balikbayan ngayon," Halos hindi mapakali si Gabriel sa kakalingon sa exit area ng nilalabasan ng mga bagong baba na pasahero ng Cebu Pacific Philippine Airline. Halos panay ang lingon nito sa kanyang relo habang nakapamaywang pa ito na nakikipag usap sa kanyang nakababatang kapatid. "Haizzz naman bro! Super excited mo naman ata. Relax ka lang diyan bro ah. Magkikita rin kayo maya maya lang hehehe.." pang aasar na lang ni Trisha na kapatid ni Gabriel na naroon lamang sa kanyang tabi at sabay nilang inaabangan ang nobya ng kuya nito na si Krishmarie na taga Amerika. "Paano ba namang hindi ka ma eexcite eh rare lang kami magkasama every year. Siyempre excited talaga akong makita siya muli," pagpapaliwanag na lang nito. "Naku ah.... hindi ka pa ba nauumay? Eh halos araw araw naman kayong nag uusap sa video call hindi ba? Hindi lang 3x a day mukha atang every hour na ata kahit sa work haizzz!" panunudyo pa ni Trisha. "Siyempre iba pa rin ang makita mo siya sa personal hindi ba? Mas nararamdaman mo ang kilig kapag nakikita mo na sa harapan mo ang taong minamahal mo," giit muli nito. "Haizzz... Mapapasana all ka na lang talaga... nakakainggit naman kayo. Sana payagan mo na akong magkaboyfriend para maexperience ko rin ang nafefeel mo ngayon. Ang sobra mo naman kasing strikto pero siya lahat pwede..." Nagmaktol na lang bigla ang kapatid nito nang bigla niyang maalala na mahigpit siyang pinagbawalan ng kuya nito na bawal muna siyang magboyfriend hangga't hindi pa natatapos ito sa kolehiyo. Ganoon na lamang ang paghihigpit nito dahil ganoon din ang kagustuhang mangyari ng mga magulang nila dahil sa kanya siya ipinagkatiwala habang parehas ang mga magulang nito na nagtatrabaho sa ibang bansa. Sa kabilang banda, sasagot pa sana muli si Gabriel nang biglang nanlaki ang mga mata ni Trisha habang nakatingin ito sa harapan sabay hablot nito sa braso ni Gabriel nang paulit ulit sabay lundag nito nang todo sa sobrang kasiyahan dahil nakita na niya ang taong kanina pa nila inaabangan na palabas na ng exit area. "AHHHHHHH! Kuya dali! Nariyan na si ate Krishmarie! Nakikita mo ba iyong nakajacket na kulay itim oh.... nagtutulak ng mga maleta niya," masayang saad ni Trisha. "Huh? Saan banda? Oh... ayun! Nakita kona siya... tara salubungin natin siya." Mabilisan namang pinuntahan ng dalawang magkapatid ang papalabas pa lamang na si Krishmarie na halos hirap na sa pagtutulak ng kanyang mga maletang dala. Panay ang tawag naman ni Trisha sa kanya at nang marinig na nga ni Krishmarie ang masayang pagtawag sa kanyang pangalan ay bigla siyang napalingon sa pinanggagalingan nito. Sa pagkalingon nito'y bumungad sa kanya ang mukha ng lalaking minamahal niya sa mga sandaling iyon na sobrang excited at masaya. Agaran naman siya nito sinalubong ng sobrang pagkayapos na halos bumunggo na ng malakas ang ulo ni Krishmarie sa dibdib ng lalaki. "Mahal kamusta ka na? Sobrang namis kita... iba ang sayang nararamdaman ko ngayon dahil kapiling na muli kita mahal ko...." masayang bulong ni Gabriel habang yakap yakap nito ang babae. Pagkalipas ng ilang sandali, ini angat na ng babae ang ulo nito mula sa pagkakayapos ng todo ng lalaki sa kanya sabay halik nito ng sobrang diin sa labi ng lalaki habang magkayakap pa rin sila ng todo. Sa kabilang banda naman, hindi naman maiwasan na mainggit ni Trisha sa kanyang nasasaksihan kung kaya't tumikhim na ito ng malakas na kinaresulta ng pagkadestruct ng dalawa. "UUUHUMMM! Ate Krishmarie! we are so happy narito ka na sa Pilipinas sa wakas... grabi nakakamis ka talaga! Lalo na si kuya halos kagabi pa yan hindi mapakali halos hindi na nga natulog yan eh sa sobrang excitement," saad na lang ni Trisha pagkatapos nito yumapos ng todo sa dalawa. "I am very happy too guys and I missed you so much specially my beloved Gabriel. Haizzzz.... kahit sobrang nakakangawit na ang pag upo ng matagal sa loob ng eroplano, sobrang worth it pa rin kasi finally I am here again in the Philippines. We should have to value every moment of us from now on before my vacation leave would end." Halos hindi na naubusan ng kaka kwento si Krishmarie habang kausap nito ang dalawa. Samantala naman si Gabriel ay sobrang abala sa pagreready ng mga gamit ng nasabing babae para madala iyon sa kanilang dalang sasakyan sa labas ng Cebu Pacific Philippine Airline. "Siyempre naman ate Krishmarie... don't worry! I'm here to accompany you wherever you want to go... ewan ko lang si kuya kung ganoon din ang gagawin niya kasi adik sa work yan eh... hindi ko na alam kung nagpapahinga pa ba yan madalas eh," sambit naman ni Trisha. Sa mga sandaling iyon ay sabay sabay na nga silang palakad na palabas ng nasabing establisyamento. "Really? Oh honey.... huwag mo naman pabayaan ang health mo. Ayan na nga ang mahirap talaga kung wala ako sa tabi mo honey. Walang nag aalaga sa'yo." Bumisangot bigla si Krishmarie habang nakatingin sa nobyo niya na si Gabriel pagkatapos niyang sabihn ang mga kataga na iyon. "Naku.... sus! Huwag kang maniwala sa malditang iyan. Nag aasar lang yan." Napakamot na lang bigla sa kanyang ulo si Gabriel sa sinabi sa kanya ng nobya niya hanggang sa nakarating na nga silang lahat sa pwesto ng kanilang sasakyan sa parking lot ng nasabing lugar. Pagkalipas ng sandali, malikot ang mga mata ng lalaki na panay ang ismid at tingin sa kanyang kapatid na para bang may plinaplano sila na gustong mangyari na lingid namann sa kaalaman ni Krishmarie. Bahagya ring panay ang panlalaki ng mga mata ni Trisha habang nakikipagsagutan na pabalik ang kanyang nangungusap na mga mata sa kanyang kuya hanggang sa bigla na lamang ito nagsalita.... "Hay naku! Napaka init ng panahon ngayon no. Namis mo ba ang klima sa amin dito ate Krishmarie?" sabat na lang ni Trisha nang nasa harapan na sila ng kanilang sasakyan. "Oo naman bhie... hindi na nga ako makapaghintay na makapag adventure muli tayo para maligo sa mga beaches dito sa inyo----" Nahinto na lamang ang pagsasalita ni Krishmarie nang biglang kinausap siya ni Gabriel. "Ahhh... honey pasuyo nga na paki buksan ang pintuan ng sasakyan banda sa likuran para maipasok ko na itong mga maleta mo," sabat na lang nito. Nagtungo na nga ito sa likuran ng sasakyan. Pagkalipas ng minuto matapos niya itong buksan... "SURPRISE!.... WELCOME BACK TO YOUR LOVELY SECOND HOME!" Biglang sigaw nang sabay nila Gabriel at Trisha para kay Krishmarie nang biglang nakita ni Krishmarie ang malaking tarpaulin sa loob ng sasakyan na napapalibutan ng napakaraming mga balloon na kulay pula, black at puti. Samahan pa ng napakaraming mga palawit nito at burloloy gaya ng mga nagkalat na petals ng roses na kulay pula, lettering at kung ano pa na sobrang nagpakinang at nagpaganda sa ayos ng surpresang hinanda ng dalawang magkapatid para sa dalaga. Bukod pa roon, halos napasigaw na lamang sa sobrang pagkagulat at napaiyak dahil sa labis na kasiyahan ito sa kanyang nasaksihan sabay takip na lamang nito sa kanyang bibig na halos na nanginginig pa. "Wow naman ahhhhhhh! Ang sweet sweet ninyo naman guys! Nakakaiyak naman ito!" Bigla na lamang itong napalingon kay Gabriel. Mas lalo siyang napaiyak na... nang bigla siyang sinalubong ni Gabriel ng isang bonquet ng kulay pulang rosas na palihim pala nito kinuha sa gitnang upuan saka niya ini abot ito sa kanya. Sa kabilang banda, halos nag lulundag na lang sa sobrang pagkakilig si Trisha sa isang tabi habang pinapanood niya ang nangyayari sa kanilang dalawa. "WOOOOHOOOOO! Ang sweet ninyo grabi na ito! Nakakaloka na kayong dalawa! Malapit na tayong puntahan ng mga langgam dito sa sobrang kasweetan ninyo! WOOOHOOOO!" - Trisha "Ano ito guys? Kailangan pa talaga ng ganitong kagarbong pagsalubong? Huhuhuhuhu.." Nabasa na ng sobrang luha ng babae ang damit banda sa dibdib ni Gabriel sa kakaiyak nito. Siya ay nakayapos pa rin sa binata. "Shhhhhhh.... tama na sa pag iyak honey. Alam naman natin na bihira lang every year ang pagbisita mo sa amin kaya dapat sa tuwing narito ka dapat parating the best ang maranasan mo. You deserved it honey. This is my way how can I show your worth for me," madamdaming saad na lang ni Gabriel sa kanya. Pagkalipas ng sandali ay kumalas na nga sa pagkakayakap si Krishmarie sa lalaki saka muli ito dumantay ng sobrang masuyong halik na madiin sa labi nito na medyo tumagal din ng ilang segundo. "Hey guys! Piling ko ang OA na talaga... pwede bang ituloy na lang ninyo sa bahay ang lambingan ninyo kuya? Kasi napapansin kong dumarami na yung mga chismoso at chismosa sa paligid oh. Napapansin ninyo ba? Mayroon pa ngang nagvivideo sa inyo sa isang gilid oh. Hala pasok na tayo sa loob ng sasakyan." - Trisha "Hayaan mo silang magvideo kung gusto nila. Ayaw mu nun at malaki ang chance na magviral tayo sa social media. Pag nagkataon chance na rin iyon para sumikat tayo hindi ba? Mapapanood mo na lamang kami isang araw na iniinterview na sa tv hehehehe.." panunudyong asar na lamang ni Gabriel. "Psssssttt... stop it na nga honey. Huwag mo na ngang lalo pang gatungan ng asar ang kapatid mo. Yeah! She's right so please make it faster so that we can go now." Nauna na ngang sumakay ng sasakyan si Krishmarie at Trisha samantalang si Gabriel ay mabilisan din niyang ipinasok ang lahat ng mga dalang gamit ng nobya sa kanilang sasakyan saka na ito sumunod sa loob. Pagkalipas ng sandali, natunton na nga nila ang bahay ng binata at ni Trisha sa isang exclusive subdivision sa Acasia Estate Taguig City. Pagkapasok ng kanilang sasakyan sa mansyon ng nasabing binata ay bumungad sa kanila ang masayang bati ng security guard nila. Tuluyan na nga silang nakapasok sa loob. Sa pagpasok nila ng nasabing mansyon ay hindi naiwasan na suminghot ng malalim si Krishmarie sabay napapikit din ito habang ninamnam nito ang kumakalat na mabangong amoy ng lutong bahay sa kabuuan ng bahay na iyon na pumarehas din sa expression nito kina Gabriel at Trisha. "Haizzzz grabi guys! The smell is so addictive! It smells so good and delicious! Isa ito talaga sa mga namis ko.... ang lutong pinoy lalo na ang luto ni nanay Masing.... Ahhhmmm... honey nariyan pa ba si nanay Masing?" Napalingon si Krishmarie sa boyfriend niyang abala sa pagbubuhat ng kanyang mga maleta nang sabay sabay silang naglalakad sa loob ng living area. "Yes! Ate Krishmarie. As a matter of fact, siya pa rin naman ang taga luto rito sa amin. Wala na talagang tatalo sa luto ni nanay Masing noh! Ahhmmmm... tara ate... mauna na tayong pumunta sa dining area. Hayaan natin muna riyan si kuya. Tiyak ko, magugustuhan mo ang makikita mo." Biglang hinatak ni Trisha ang kaliwang braso ni Krishmarie saka sila nag madaling tumungo sa nasabing lamesa. "Huh? Alright bhie... ow honey? Sunod ka na lang ah.." - Krishmarie "Go ahead honey. Pagbigyan muna siya... super kulit talaga niyan." Napagpasyahan na lang ng binata na ipasok lahat ng gamit ng babae sa kanyang sariling kwarto hanggang sa nagdesisyon na rin itong sumunod sa dining area. Pagkarating nina Trisha at Krishmarie sa lamesa ay naabutan nilang abala ang ilang mga yaya na mag ayos ng pagkain sa hapag kainan kung kaya't napagdesisyunan na lamang ng dalawang babae na umupo muna sa dining area. Pagkalabas ni Nanay Masing mula sa kusina dala dala ang niluto niyang puchero at kaldereta ay napasigaw sa sobrang kasiyahan si Krishmarie saka siya tumayo bigla mula sa pagkakaupo. At nang nakalapit na nga ng tuluyan si Nanay Masing sa kanila sabay patong sa lamesa ng kanyang bitbit na mga ulam ay saka naman siya niyakap nang magaan ni Krishmarie dahil sa labis na kasiyahan. "Oh my goshhhh nanay Masing... you're still strong pa rin ah at so healthy kahit super tanda na ninyo. Kaya pa rin magwork ah. Dapat nagretire na kayo para ilaan na lang sa apo ang oras ninyo hangga't kaya ninyo pa." Masayang kinakausap ni Krishmarie ang beteranong tagaluto ng boyfriend niya na masaya ring nakikipag usap sa kanya. "Naku ho senyorita.... kayang kaya pa rin naman heheheheheh... kalabaw lang ang tumatanda.. siyangapala sana po'y mag enjoy kayo sa pagstay ninyo rito. Hala'y kain na kayo. Tamang tama naka ayos na rin ang lamesa. Maya't maya'y ilalabas din namin ang pang dessert ninyo." Pagkatapos magsalita ni nanay Masing ay napalingon na lamang sa hapag kainan si Krishmarie saka bigla siyang napa wow sa kanyang napansin. "Wow! Talaga namang alam na alam talaga ninyo ang paborito ko.. ang sweet sweet naman ni nanay Masing. Puchero at kalderetang baka. Naku po! Mapaparami talaga ang kain ko ngayon grabi. Isa rin ito sa mga namis ko." Masaya rin sina Trisha at Gabriel sa napansin nilang naging reaksyon muli ni Krishmarie sa addittional na surpresa na kanilang hinanda para sa dalaga. "Naku ho senyorita... kay senyorito Gabriel dapat kayo magpasalamat kasi siya po ang nagrequest na iyan daw ho ang lutuin ngayon para sa pagdating ninyo kasi sobra ninyo raw namis ang luto namin dito sa bahay ng paborito ninyong ulam," saad naman ni nanay Masing. "Uhummm... uhummmm... ala'y kain na tayo honey hehehe... we are happy na nagustuhan mo ang pagkain natin ngayon. Shall we eat? Mahaba ang naging biyahe mo kaya alam kong sobrang gutom ka na."- Gabriel "Hala kuya nariyan ka na pala... tara nga rito sa tabi ni ate Krishmarie. Palit na lang tayo ng pwesto oh. Alam kong sobra mo siyang namis. Pwede na kayong mag subuan diyan," pang aalaska muli ni Trisha saka ito biglang tumayo sa kanyang kinauupuan at hinatak na lamang nito ang kuya niya sa tabi ni Krishmarie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD