Matapos ang buong dalawang araw na pahinga mula sa out-of-town nila ng kaniyang boss ay tuluyan na ring nakabalik sa trabaho si Wenona. She could still feel the sting from her body, subalit bearable na iyon kung ikukumpara noong nakaraang mga araw. Ipinangako niya sa sarili na hindi na ulit siya uulit. Ngunit narito siya ngayon at ’di mapakali at iniisip na naman si Glenn. “Hay . . . Wala man lang kahit na isang message mula kay Sir Glenn para sa ’kin . . .” bulong niya sabay baba sa kaniyang phone. Hindi niya lubos maintindihan kung ano na ba ang score nila ng kaniyang boss. ‘At least a ‘Hi.’Will do.’ Bumuntong hininga siya sabay sundot-sundot sa walang ka noti-notification niyang phone. Muli siyang napatingin sa screen ng kaniyang laptop at saka nakangalumbabang malungkot na ngumiti. “

