Men that belongs to a higher society.

2043 Words
Sa loob ng isang silid na mayroong monochromatic na disenyo ay nakaupo siya sa isang magarang couch, kaharap si Karina at ang isa pang nakapasang babae. Sinubukan na nilang makipag kaibigan dito subalit lampas-ulap ang pagiging maldita nito. Pakiwari niya ay may stiff neck ito at hindi sila magawang tingnan o kaya ay lingunin. Talaga namang maganda ito. Makinis, mabango at ma-appeal. At ang higit sa lahat ay malaki ang dede. Kaya wala sa sariling pinagmasdan niya ang kaniya. Lihim na lang siyang nagpapasalamat at medyo makapal ang foam ng bra na kaniyang suot. Kahit paano ay nadagdagan ang umbok ng dalawang bundok niya. Muli silang nagkatinginan ni Karina. Alam niyang kinakabahan din ito tulad niya. Ilang minuto na ang lumipas at wala pa ring pumasok sa silid kung saan sila iniwan. Ang tanging meron lang sila ay ang different flavored tea at different flavored condom na nasa misa. ‘Paano kung mala-naked weapon ang mangyayari? Iyong may papasok na ilang black men diyan sa pinto at kakainin kami nang buhay?’ Para siyang sira na napalunok sa kanyang pag-o-overthink. Mabilis niyang sinipat muli ang mala-model na babae. ‘Tiyak akong ang babaeng ’to ang pagtutulungan. Tapos baka pati rin si Karina. A-ako, kakayanin ko siguro mga dalawa.’ Walang nakakaalam sa kanyang mga kasama na halos nakabuo na siya ng isang nobela sa loob ng kanyang isipan. Magkasalikop ang kanyang mga kamay at naka-locked sa gitna ng kanyang mga hita. Ito ang manirism niya ’pag kinakabahan siya. “Ay! Mahabaging langit!” bulalas niya ay tuwid pa sa poste ng kuryente sa pagtayo. Nakayuko pa rin kaya ay agad niyang nakita ang napakaputing hita at pulang sapatos. ‘A-ang misteryosong babae . . .’ “Miss Wenona Samano. I'm glad that you showed up.” Mabilis siyang nag-angat ng tingin at doon ay nasilayan niya ang mala-diyosa nitong mukha. Mayroon itong makapal na kilay ngunit nakaayos naman. Matangos na ilong at maninipis na mga labi. Pula rin ang buhok nito at sadyang matangkad na pinarisan ng maputlang kulay. Nasabi na lang niyang mukha itong vampire queen. Sa labis na paghanga niya sa ganda nito ay nakanganga lang siya at hindi pa rin umiimik. “See? You've passed the two initial phases without my assistance. As I've always said, hindi nagkakamali ang aking radar. I can see a full potential in you,” anito at hinawakan ang kanyang baba. She subconsciously shivered when she felt the coldness from the woman's fingers. “Damn gorgeous!” bulalas nito at pumalakpak pa. In an instant, ang nararamdaman niyang tension ay bigla na lang nawala nang umarte naman itong parang bata. Ngayon ay natitiyak na niyang isa itong half foreigner lalo’t pansin niya sa boses nito ang pagiging slang. “Davonski’s, she's what I'm talking about.” Nakataas ang kilay nito at pinagmayabang siya sa tatlong magkakapatid na nakilala niya during the two phases. “Yeah. She's all natural,” ani Famera, while intensely looking at her. “Uh-oh. She's off limits, Fame. Why don't you pick up your own size?” Napapailing siya sa sinabi nito. ‘Own size? ’yong size ng dede ba ang ibig sabihin ni Ma'am? Nahalata ba niya ang makapal kong pudding?’ “Alam ko.” Wala sa sariling alanganin siyang ngumiti at napabuga ng hangin. ‘Sa wakas ay nagtagalog na rin.’ Kagat niya ang kanyang labi habang nahihiyang napayuko. Sa kanya kasi nakatitig lahat. At kung ang tingin ni Karina sa kaniya ay puno ng admiration, iba naman ang kasama nilang babae. Mukha titirisin na siya nito anumang oras. “So, what now?” “Well. Pasado na silang tatlo. Kayo na ang bahala kina Miss Karina at Miss Amirah. And leave Miss Wenona Samano to me . . .” Sunod-sunod na malalaking lunok ng laway ang kaniyang ginawa. Hindi niya alam kung bakit, ngunit kinakabahan siya. “Okay. Ito ang dahilan kung bakit tatlo lang ang tinatanggap namin. Iyon lang talagang may great full potential. Kami mismo ang mag-ti-train sa inyo isa-isa. But since Miss Glam will handle Miss Wenona personally, it's gonna be two to three.” Feeling ni Wenona ay magkaka-constipate siya sa paraan ng pagsasalita ng mga ito. Mukhang may hidden agenda na hindi niya mawari kung ano talaga. “Good luck, girls,” wika ni Glam bago tuluyang lumabas sa silid ang magkakapatid, si Karina at ang isa pang feeling entitled na babae. Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi na siya nakapagpaalam pa kay Karina. Hindi rin sila nagbigayan ng phone number kanina kaya aasa na lang siya na magkikita silang muli. “Well, Miss Wenona, shall we?” Inilahad nito ang makinis at malambot na kamay. ‘Nakakatomboy ang ganda at kinis ni Miss Glam . . .’ Pinagmasdan niya muna ang kamay nito bago tuluyang tinanggap. Lumabas sila ng silid at nagsimulang tahakin ang daan na wala siyang ibang nakikita kun ’di mga non flowering plants. Malaki ang dahon ng mga ito na nagtataglay ng matitingkad na mga kulay. Agad naman siyang nagpangiti nang makita niya ang isang ground anthurium. Sapagka’t tulad ito ng nag-iisa niyang tanim sa bahay niya. Mahilig siya sa mga non flowering plants, but anthurium and alike are kind of exception for her. Matapos ang ilang minuto nilang paglalakad ay hindi na rin siya nakatiis. Pinagpapawisan na rin ang palad niyang hawak pa rin nito. “Mi-miss Glam . . . Saan po ba tayo pupunta?” Mabilis itong tumigil sa paglalakad at humarap sa kaniya. “I thought that you weren't going to ask, hooh! Well . . . Narito na tayo!” Halos matumba siya sa kanyang kinatatayuan sa sinabi nito. ‘Ilang beses na namin itong nadaan, tapos dito pala ang punta namin!’. Ngunit wala na siyang nagawa kun ’di ang ngumiti na lang. “I know it's weird. So let's get inside? A couple of men in different races are waiting for you,” anito at ngumiti nang pagkatamis-tamis. Ngunit pakiramdam niya ay talagang bibigay na ang mga tuhod niy. ‘Anong men of different races? Naghihintay sa ’kin? Para ano?’ “Pe-pero, Miss Glam . . . Wa-wala pa po akong experience. Vi-virgin pa po ako. Sa-saka po hi-hindi ko kakayanin ang mga lalaking sinasabi mo. U-uuwi na lang po ako. Babayaran na lang po kita ng paunti-unti sa perang tinulong mo sa ’kin. Pasensya na po.” “What?” Pinagmasdan muna siya nito sandali at agad na namilog ang mga mata nang ma-isip nito kung ano ang pinagsasabi niya. “Haha! You're crazy . . . Absolutely hilarious!” Nakahawak ito sa tiyan at parang mamamatay na sa kakatawa. Sa puntong iyon naman ay labis siyang nagtataka. “Hindi mo ba pinanood iyong video sa website? The sexy woman who was explaining the process on that particular video?” “Eh?” Napatunganga na lang siya nang kanyang marinig ang tanong nito. Ba’t naman hindi? Sapagkat ang video na sinasabi nito ay ang video hindi niya tinapos panoorin dahil naaartihan siya sa nagsasalita. “This is what I mean, trust me, you will love them.” Hinila siya nito papasok sa loob ng silid. Naglakad muna sila saglit hanggang sa tumigil ito sa harap ng isang malaking pinto. “Miss Glam training facility . . .” bulong niya sa kanyang nabasang nakasulat sa ibabaw ng pinto. “Welcome to my haven!” bulalas nito sabay bukas sa dalawang double doors. “Hello, Miss Glam!” sabay-sabay na bigkas ng sampung kalalakihan na nasa loob. Malalaki ang build ng katawan ng mga ito at talagang pang executive and mala-model ang datingan. Ngunit mabilis namang nangunot ang kanyang noo nang mapansin na halos majority ng mga ito ay ang arte ng tindig. Wala namang nagbibihis babae ngunit ramdam niya ang feminine aura sa paligid ng malapad na training hall. “Wenona, meet my friends. Sila ang tutulong sa ’yo so you can easily familiarize a man's body. As you can see we are called Blind Satisfaction. Which means, hindi ka nakikita ng magiging client mo. What we offer here is a heavenly massage. Our only goal is to help the men feel sated by relieving them. You know what I mean, right?” Agad naman siyang tumango upang pagsang-ayon sa sinabi nito. “Hello, Dear Wenona, meet my squad: Logan, Didier, Ghalen, Shi-woo, Mark, Ediz, Leonid, Geir, Kacper and your struly, Patricio.” Nag-bow ito dahilan upang ngumiti siya. Nakikita niya sa kanyang harapan ngayon ang iba’t ibang lalaki na nabibilang sa iba’t ibang lahi. May kayumanggi, maitim, may maputi, ubod ng puti, halos binalatan sa sobrang puti at meron namang sakto lang ang kutis. Pagdating naman sa mukha ay may purong pilipino at mas marami ang banyaga. “You see, Wenona. In the future, you will deal with our clients who come from different races. At dahil hindi affordable sa ordinary people ang ating services, ang makakasalamuha mo ay mga well mannered men. Even millionaires, billionaires, and such men that belongs in a much higher society. If ever may lumabag sa ating polisiya ay hindi ka rin dapat mabahala, dahil protektado ka ng company. Not just your safety but also your identity.” Pakiramdam niya ay hindi pag mamasahista ang magiging trabaho niya, kun ’di isang secret agent. “And don't be embarrassed or feel awkward towards them. They are harmless. They are just poor women trapped in the body of a man. So they are gay people.” “Esa es una palabra dura, señora.” “Lo siento, Patricio,” wika nito. Namamangha naman siya dahil sa ganda ng accent nitong mag-spanish. Naging isa sa paborito naman niya ang accent ng mga Spanish dahil sa cartoon movie na gusto niya. Ngunit kahit na ano’ng pagkagusto pa niya sa wika’ng ito ay hindi naman niya naiintindihan ang pag-uusap ni Miss Glam at Patricio. “Come here, jolie femme.” Napatingin naman siya sa maputing lalaki. Mapayat ito ngunit fit pa rin. “Do not talk to her in French, Didier. She won't understand you,” sabi ni Glam at muling hinawakan ang kanyang kamay upang dalhin siya sa kinalalagyan ni Didier. “Okay. This is a bit awkward at first. Ngunit dapat masanay ka agad. You will be specially trained para ikaw ang magbibigay ng special treatment sa tyrant kong kuya.” “P-po?” “So, Dedier?” “Oh, yes! Get into that room, wash and dry yourself. We will start your training when you are done.” “Ang gagawin natin is to make you an official part of my squad. Especially, special sa ’kin ang iha-handle mo. And we only have a month or less to train you. So let's make it work!” Nag-bow na lang siya sa mga ito at mabilis na pumasok sa silid. Labis na rin ang pagpapasalamat niya dahil kanina pa siya naiihi sa labis na nerbyos. Pakiwari niya ay isa siyang beginners na isinabak agad sa bakbakan. Nang makapasok sa silid ay marahas siyang napabuga ng hangin at napahawak sa kanyang dibdib. “Get inside on that white sparkling door and clean yourself. Only wear a bathrobe when you're done.” Halos mabali na ang kanyang leeg sa katitingin sa paligid nang kanyang marinig ang boses ni Miss Glam na Umalingawngaw sa loob ng silid. “Stop looking around. Don't worry, we can't see you,” sabi nito dahilan upang mailing siya. ‘Hehe . . . Mukha ngang ’di ako nakikita . . .’ sarkastikong sabi ng isipan niya. Upang makapagtago ay mabilis siyang pumasok sa sparkling door. Namangha naman siya dahil ang linis at maaaring mag roller skates sa loob dahil sa kinis ng sahig. “Ahhh!” hiyaw niya nang bigla na lang sumirit ang tubig sa nilalakaran niya. Kaya ngayon ang suot niyang damit ay basambasa na. “Ah, hehe. Lintik na. Pati phone ko nabasa . . .” Feeling niya ay iiyak na siya anumang oras. Kahit mumurahin ang cellphone niya ay nasasayangan pa rin siyang bumili ulit. “One thousand one hundred fifty din ’to,” sabi niya at sinubukan itong ipagpag bago nilagay sa malinis na puting lavatory. “Kaya pala sinabing mag-bathrobe ako.” Wala na siyang nagawa kun ’di ang maging hubo at pumasok sa loob ng glass shower room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD