Sumisipsip at lumulunok; Pokpok ka!

1809 Words
Habang nasa loob ng isang Mustang ay panay ang silip ni Wenona sa paligid. Iniisip niyang sumakay na lang ng multicab kapag nakaliko na sila sa mismong kalsada papasok sa private road ng kanilang lugar. “Kuya! Di-dito mo na lang po ako ibaba. Ako na po ang bahala dumiretsyo roon sa amin. Malapit lang naman po,” aniya at nagsimulang kunin ang mga bigay sa kaniya ni Didier na kung ano-ano. Nasa malaki itong paper bag kaya ay mabilis lang niyang nabibitbit. “Pero, Miss Wenona. Hindi pa po tayo nakararating sa destinasyon na nakalagay dito sa mapa. At medyo distansya pa po ito.” Agad niyang sinilip ang map na sinasabi nito. ‘Kailan pa nalagay sa mapa ang eksaktong lokasyon ng bahay namin?’ Agad siyang nailing at nagtatakang napatingin sa manong driver. Pormal ang suot nito at animo’y hindi Isang driver ang tindig. “Normal po ’yan, Miss Wenona. Pinagagawaan po talaga ng mapa ang tahanan ng mga employees sa BS. Para po ’pag nagka-emergency ay alam namin kung saan kayo maaaring kunin. O saan ang mga probable exit ng inyong lugar. At ngayon na under training ka na po, nasa system na namin ang buong detalye ng iyong nabibilangan na lugar.” Pakiwari niya ay mas nadagdagan pa ng sinabi nito ang shock sa kanyang buong katawan. Nagmumukha na talagang hindi masahista ang pinasok niya. “A-yos lang po, Kuya. Hanggang dito lang ako. Baka magtaka po ang mga tao roon sa amin ’pag bigla akong umuwi na nakasakay sa magarang sasakyan. Mas delikado po iyon.” Napa tango-tango ito dahil talagang may punto ang sinabi niya. “May punto ka po, Miss Wenona. Hihintayin na lang po kita na makasakay bago ako umalis.” Ngumiti siya sabay bukas ng pinto sa sasakyan at lumabas. Nagpa linga-linga muna siya bago dumistansya ng halos sampung metro sa Mustang. Nang makakita siya ng paparating na multicab ay dali-dali siyang sumakay. Mabuti na lang at hindi iyon gaanong puno. Nang muli niyang tingnan ang driver ng BS ay nasa kanya pa rin ito nakatingin ngunit may kausap na sa phone. Matapos ang ilang minuto ay bumaba na siya sa isang eskinita at doon naman sumakay ng dipedal na sasakyan ’tungo sa kanilang bahay. Laking tuwa pa niya dahil kaibigan niya ang kanyang nasakyan. “Wenona, mukhang asenso na tayo ngayon ah! Pahingi naman ako ng balato riyan! Kahit isang gabi lang . . .” Napapapikit na lang siya dahil ayaw niya ng gulo. Kilala niya ang lalaking nagpapadyak na mabait. Ito ay si Marlon na noon pa man nanliligaw na sa kanya. Kahit naiinis na siya sa kakulitan nito ay kinakaibigan pa rin niya dahil mabait naman maging sa mga kapatid niya. Ngunit nagtataka na lang siya sa biglang pagbabago ng pakikitungo nito sa kanya. At natitiyak niyang dahil ito sa mga pinagkakalat ni Dalli na nagbebenta na rin siya ng laman. Hindi na niya ito sinagot at nanatili lang siyang nakatungo. Mabuti na lang at hindi na ito nagsalita pa kaya naging matiwasay na ang takbo nila. Nakahinga lamang siya nang maluwag nang makita ang pinto ng bahay nila. Matapos magbayad sa driver ni si Marlon ay mabilis siyang bumaba at tinungo ang maliit na tulay kung saan nasa ilalim nito ang nangingitim na tubig galing sa mga bahay-bahay. Mayroon pang naninilaw na lumulutang dahil ang iba sa mga naroon ay doon din dumudumi. Napapatakip na lang siya ng ilong niya dahil talagang masangsang ang amoy nito. Hindi ito maganda sa kalusugan ni Allen, isa sa dahilan kung bakit iniisip niyang lumipat na gayong may trabaho siyang malaki ang kita. “Hah! Ang arte! Akala mo naman kung sino’ng mayaman. Nakabili lang ng flat screen tv, ang yabang na! Sumisipsip din naman at lumulunok!” Agad siyang pumikit at marahang bumuga ng hangin. Alam niyang ganito ang ugali ni Dalli. Ngunit nitong mga nakaraang araw ay nananadya na talaga ito. Kahit naiinis siya ay nakukuha pa rin niya ang magtimpi dahil malaki ang respeto niya sa kanyang ninang. Mas lalaki lang ang gulo ’pag pinatulan niya ito. “Dalli! Magandang hapon,” aniya at masayang ngumiti. Pagod siya dahil sa una niyang training at dumagdag pa ito. Ang tanging gusto niya na lang ngayon ay matulog. “Heh! Mukhang tiba-tiba tayo ngayon ah! Matandang mayaman ba ang nadali mo? Binigyan ka ba ng mamahaling mga bagay? Kayang tiisin ang amoy ng matanda para sa pera!” Malakas ang boses nito kaya ang naging resulta ay pinagtitinginan na sila ng mga usyosero nilang mga kapit-bahay. Ang pinagtataka lang niya, sa ganitong oras ay dapat tulog pa ito dahil ala sais ng gabi, o ala una ng madaling araw ang duty nito. ‘Inaabangan ba talaga niya ako rito para lang inisin?’ Wenona smiled bitterly. ‘Malamang wala si ninang kaya nagpapakita ng talento itong si Dalli.’ Alam niyang todo lang ito sa pang-iinis sa kanya kung walang nagbabantay dito. “Dalli, papasok na ako sa bahay ko ha. Maghahanda pa ako ng pagkain para sa mga kapatid ko,” aniya at mabilis na binuksan ang pinto na ngayon ay bukas na mula sa loob. Marahil ay narinig ng mga kapatid niya ang mga pinagsasabi ni Dalli kaya ay bigla siyang sinalakay ng matinding kaba. “Hipokrita ka! Maputi ka lang pero hindi ka maganda! Ang liit pa ng s**o mo! Ang yabang mo kung umasta! Parehas lang naman tayong nag bebenta ng laman! Pokpok ka! Pokpok!” sigaw nito na sinundan pa ng ibang pang-iinsulto. Kung susumahin ay ito ang pinakamalalang pamamahiya nito sa kanya. At ang masaklap ay naririnig ito ng mga kapatid niya. Sa pagpasok niya ay agad niyang nakita ang luhaang mga mata ni Nonot. Kuyom ang kamao nito at nanginginig ang buong katawan. Labis din niyang nakikita ang galit sa mga mata nito. “Nonot, kung ano man ’yong mga narinig mo na sinabi ni Ate Dalli, hindi ’yon totoo . . .” malumanay niyang sabi rito. Pinahid niya ang luha nito at agad na niyakap. “Lumabas ka riyan pokpok ka! ’Wag kang umasta na kung sinong malinis! Tulad ka rin ng nanay mong pinulot lang ni Arnulfo sa putikan! Haliparot at makati!” Mabilis na nagtaas baba ang kanyang paghinga nang marinig ang masamang sinabi nito tungkol sa kanyang Ina. “Ano ba, ate Dalli! Tumigil ka na! Masaya ka ba na namamahiya ka ng tao? Kahit ano pa ang trabaho ng Ate ko, mahal namin siya. Mahal na mahal. Ikaw? May nagmamahal ba sa ’yo? Pinagtitiisan ka lang ni ninang dahil wala ka ng pamilya rito! Magpasalamat ka na lang at nariyan siya kahit ’di mo siya kadugo! ’Wag mong hintayin na sumuko siya sa ’yo dahil sa sama ang ugali mo!” Naglalandas ang luha ni Nonot habang binibitawan ang mga salitang iyon. Ramdam niya sa bawat bigkas nito ang emosyon na matagal ng kinikimkim at ngayon lang sumabog. “Bawiin mo ’yon, palamunin ka! Saka mo na ako yabangan kung marunong ka ng kumita ng pera!” “Dalli! Lahat ng paninirang puri mo sa ’kin ay tiniis ko. Kahit paano ay nirerespeto kita. Pero ’wag ang mama ko at aking kapatid. Hindi ako mananahimik. At ’wag mo akong ikukumpara sa ’yo dahil ikaw lang ang marumi rito!” Galit na galit na siya subalit nagpipigil pa rin. Bahagya niyang hinila ang kapatid at ipinasok sa loob ng bahay sabay kandado sa pinto niyon. Natatakot siya sa maaaring mangyari kaya ay itinago na niya ito. “Hah! At lumalaban ka na ngayon! Makikita mong, pokpok ka!” Tila nabato si Wenona sa kinatatayuan niya nang mabilis na bumaba si Dalli mula sa hagdan ng bahay nito at halos bumulusok papunta sa kanya. ‘Pak! Pak! Pak!’ Tatlong magkakasunod sampal ang dumapo sa pisngi niya. Hindi siya agad nakakilos dahil bigla siyang nahilo. Nagdidilim ang kanyang paningin kahit na pinipilit niyang ’wag mapapikit. Subalit tila sumasabay ang pagod niyang katawan. “Ate! Ate Wenona!” “Allen . . . Nonot . . .” bumubulong siya habang pinipilit na bumangon. Bumagsak na siya sa marumi nilang sahig sa labas. Nakaramdam din siya na parang may naglandas sa ilong niya at mahapdi ang kanyang labi. “Anak! Wenona! Dalli! Ano’ng ginawa mo?” Napangiti naman siya nang marinig ang boses ng ninang niya. Kahit paano ay alam niyang may mag-aalaga sa kanyang mga kapatid. Iniisip niyang matutulog muna siya dahil talagang kakaiba ang pagod sa katawan niya. Bago tuluyang nawalan ng malay ay Kanya pang narinig ang ibang komusyon sa paligid. Mistula may iba pang naroon at serina ng pulis. Nang naalimpungatan si Wenona ay ramdam niya ang kakaibang ginhawa sa paligid. Naamoy niya ang halimuyak ng sariwang bulaklak at dama ang temperatura na hindi mainit, hindi rin malamig. ‘Nasaan ako? Si Dalli . . . Sinugod niya ako. Sampal! Sinampal niya ako. Si Nonot at Allen!’ “Nonot! Allen!” sigaw niya at pabalikwas na tumayo mula sa hinihigaan. “Ate!” sabay na anas ng dalawa niyang kapatid. “Wenona, Anak.” “Ninang Loina . . .” Para siyang batang napahikbi nang makita niya ang tatlong tao na kanyang minamahal. “Patawad, Anak at hindi agad ako nakarating. ’Wag kang mag-alala, nasa kulungan na si Dalli. Hinuli rin siya dahil nag-positive sa drugs noong oras na ’yon,” anito at hinimas ang kanyang pisngi kung saan dumapo ang sampal ni Dalli. Bahagya pa iyong namamaga at bakat pa ang ilang daliri. “Miss Wenona . . . It's good to see you open your eyes. You scared me!” Wala sa sariling napaawang ang bibig niya sa kanyang nakikita. “Miss Glam . . .” Kaupo ito sa isang couch at parang queen na nakadipa habang naka-cross legs. “Yes, it's me. Aug! The nerve of that woman! Sa mukha mo pa talaga! But don't worry. Magiging maayos din ’yang mukha mo. For now, magpagaling ka muna. At nakausap ko na rin ang mga kapatid mo. Alam na nilang kinuha kitang caregiver ng lumpo kong kapatid. You can also stay in this apartment together with your family. Mas safe kayo rito. The rent here is also cheap.” Halos malaglag na sa sahig ang panga niya dahil sa mga pinagsasabi nito. Napapailing na lang siya dahil ito ang tinatawag niyang straight lie on the face. “Well if you need anything else, you can just call me. Nariyan ang iyong service phone sa misa. It's yours,” anito at nagsimulang maglakad papunta sa pinto. Ni hindi man lang siya nito hinintay na makapagsalita at agad ng lumabas. Nang tingnan naman niya ang kanyang ninang at mga kapatid ay nakikita niya sa mukha ng mga ito ang maraming katanungan. At hindi niya alam kung makakaya bs niya ang magsinungaling sa mga ito, katulad ng ginawa ni Miss Glam, lying without battling an eye.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD