Nahihiya, natatakot, at disappointed. ’Yan ang pakiramdam ngayon ni Wenona habang isinusubo sa kanyang bibig ang masarap sana na pagkain. Wala namang nagsasalita sa hapag ngunit ’di niya maintindihan kung bakit nasasakal siya sa tila awkward na atmosphere. Tuloy ang nangyayari ay halos ’di niya malunok ang kanina pa niya nginunguya na pagkain. “Damian. Can you please stop staring at our guest?” Wenona jolted nang marinig muli ang pangalan ng dumukot sa kanya. So subconsciously, she raised her head. And she thought that it's a wrong move dahil mukhang nanlalamon ng buhay ang mga titig nito. It was beyond uncomfortable ngunit wala naman siyang kakayahan na magreklamo lalo’t ’di pa bumabalik ang boss niya. “I wonder what's so special about you,” anito sabay tayo. Hindi naman niya mapigilang

