Umuusok sa paligid, ngunit mas umuusok ang mood ni Wenona. Nagmumukha na siyang mangkukulam dahil panay ang buka ng kanyang bibig, habang sobrang hina naman ng mga tunog na lumalabas doon. Alam niyang ang weird ng itsura niya ngayon, subalit nawawalan na siya ng pakealam sa paligid niya. “Akala mo naman! Kung makalait. Bakit? Kainis talaga . . .” bulong niyang muli habang paunti-unting hinihigop ang mainit na Lomi. Hawak niya ngayon ang may katamtamang laki ng bowl na nagbibigay init din sa kanyang palad. Tirik na tirik ang araw ngunit narito siya ngayon at nilalagyan ang tiyan ng mainit na sabaw. Kasabay ng isa pa niyang irap sa hangin ay ang pagpatak ng pawis niya. Tinitigan niya ang laman ng bowl sabay irap naman ulit. Ang ’di niya alam ay kulang na lang maglabas siya ng maitim na usok

