Sticky feeling

1915 Words
Habang nakatingin sa kanyang mga kapatid na nawiwiwiling nanunuod ng palabas sa bagong bili nilang Television ay mas lalo lang siyang nababalisa. Hindi mawala-wala sa kanyang isipan ang website na kanyang binuksan. “Nonot . . . Allen, hindi pa ba kayo inaantok?” kagat-labi niyang tanong. She knows that it's a ridiculous question dahil ala sais pa lang ng gabi, at kakakain pa lang ng mga ito. “Ate naman. Kakakain lang kaya namin. Saka ang saya nitong pinanunuod namin. ’Di ba, Allen?” Tumango naman ito sabay malapad na ngumiti sa kanya. Dahil nakita ni Allen ang duguang katawan ng Ama at Ina nila noong limang taong gulang pa lang ito, ay hindi na ito muling nakapag salita pa. Mabuti na lang at nagawa pa niya itong pangitiin muli. Kaya sa ngayon ay tanging paglalabas na lang ng emosyon ang nagagawa nito. “Si-sige. Tawagin niyo na lang ako kung inaantok na kayo.” Habang naghihintay ay panay ang tingin niya sa kanyang cellphone. Nag-aagaw ang kanyang isipan kung bubuksan iyon o hindi. Ngunit sa bandang huli ay hinintay niya na lang na makatulog ang mga ito. Makalipas ang halos apat na oras ay napansin niyang naging tahimik ang dalawa. Nang silipin niya ito ay mga tulog na. Kaya pinatay niya na lang ang TV at kinomutan ang mga ito. Mabilis siyang lumabas sa kanilang silid at nagmasid. Nang mapansin niyang hindi na gaanong maingay ang paligid ay nagtungo siya sa kanilang kusina at doon ay muling binuksan ang website. Muli ay narinig niya ang malanding boses ng babaeng nagsasalita na halos hubad. Ang tanging suot nito ay isang manipis na puting nighties at bahagya pang sumilip ang panty sa mismong ibaba nito. “Baka bigla akong tamaan ng kidlat dito . . .” bulong niya at parang magnanakaw na nagpapalinga-linga sa paligid. Nang masigurado na niyang tanging siya lang ang naroon ay muli niyang itinuon ang atensyon sa kanyang cellphone. “There are ways on how to relieve yourself without being involved in an intercourse. And here in our company, we offer an affordable price just to help you get rid of that sticky feeling building up inside you.” Napangiwi siya habang pinagmamasdan ang seksing babae na hinahagod pa ang katawan habang nagsasalita. Hindi naman niya masasabing inosente siya sa mga bagay-bagay na tungkol sa s*x, kantutan, ulayaw, at marami pang ibang term na ginagamit. She admits that she's curious and wanted to know it too. Ngunit masyado siyang busy sa trabaho na pagkatapos ng mga shift niya ay bagsak na siya pag-uwi ng bahay. Alam niyang she has the face, the body and s****l appeal. Masasabi niyang hindi sa pagmamayabang ay pinipilahan siya ng kanyang mga manliligaw. Ngunit sa tuwing ini-intertain niya ang mga ito ay palagi niyang dala-dala ang mga bills niya at resibo ng gamot para sa hikain nilang bunso. Sa mga pagkakataong gano’n ay pinapakita niya sa mga ito na hindi madali ang buhay na kasama siya. Na ang kanyang responsibilidad ay abot hanggang kaluluwa niya. Dahil naiirita na siya sa sobrang arte ng nagsasalitang babae ay nag-scroll up na siya dahilan upang makita pa niya ang ibang features ng website. “Be one of us? A customer?” Tumaas ang kanyang kilay sa nabasa. Dahil ayaw pa niyang mag-decide ay nag swipe up pa siya. Ngunit nang igalaw niya ang kanyang daliri ay biglang nag-hang ang mumurahin niyang cellphone at napindot ang ‘Be one of us?’ Dilat na dilat ang kanyang mga mata habang nag-aabang sa nag-loading na screen. “Learn the basic technique and visit our play store?” Nang mapansin niya ang isang red room button ay nagdadalawang isip pa siya kung pipindutin niya ba ’to o hindi. Ngunit sa huli pinindot din niya. “Omg! Omg . . .” Napatakip siya sa kanyang bibig at muling lumingon sa pinto ng kanilang kusina. Paano ba naman siya hindi mabibigla na agad na humantad sa kanya nang matapos mag-load ang page ay isang lalaking tayong-tayo ang sandata. Muntik pa niyang mabitawan ang kanyang cellphone sa labis na kaba. Malakas ang kalabog ng kanyang dibdib dahil kahit open minded siya ay ni minsan hindi pa niya pinagmasdan ng ganito kalapit ang sandata ng isang lalaki. Sa naalala niya noon ay tanging kay Nonot lamang ang nakita niya sa personal. Ngunit natatawa siyang isipin iyon dahil napakaliit lang ng patotoy nito at nagtatago pa sa dalawa nitong itlog. “Nakamamangha naman talaga ito oh . . . Mas malaki ’yong ano kaysa itlog,” sabi habang panay pa rin ang titig sa lalaking nakahiga sa kama. May kalakihan na ang tiyan nito na para bang may edad na. Nanghuhula lang siya dahil hindi ipinapakita ang mukha nito. Nang nag-scroll up pa siya ay nakadapa na ang lalaking nakatihaya sa unang picture na nakita niya. “Ew! Ang flat ng pwet . . .” Wala sa sariling bulong niya at napahagikhik pa. Pinagmasdan din niya ang matigas nitong ari na ngayon ay nakalabas, sa tingin niya ay sinadyang lagyan ng butas ang kama para sa ganoong posisyon. “Ways on how to stimulate a man without touching or playing with his rod?” Tila mas lalo pa siyang na-curious. Ngunit nangunot ang kanyang noo dahil numbers lang ang lumabas at wala namang mga steps or ways. “Pinagloloko naman siguro ako nito . . .” Muli ay nagpatuloy pa siya sa ibaba. “We have ways on how to deal with that. Just visit our play store. It is located on Agaton highway in front of the police station.” Halos mabilaokan na siya ng sarili niyang laway matapos iyon basahin. “Talagang niloloko ako nito!” Nang muli siyang nag-scroll ay wala ng lumabas kun ’di ang salitang you are at the end of the page. “Hay . . . Kung hindi ko lang talaga gustong makita ang babaeng ’yon ay hindi talaga ako mag-aaksaya ng panahon sa kalokohan na ’to. Pe-pero, sa pagkakaalam ko ay home for the aged ang building na naroon. Muli ay natawa siya sa kanyang iniisip. “Maldita ka! Tigilan mo ’yang pag-o-overthink mo. Pati ba naman iyong mga matanda ay pag-iisipan mo ng gano’n. Baka tamaan ka na talaga ng kidlat.” Kaya bago pa siya masiraan ng bait ay itinabi na niya ang kanyang cellphone at naglakad pabalik sa kanilang silid upang subukang matulog. Dati kasi noong wala pa silang Tv ay ala syete pa lang ng gabi ay tulog na ang mga kapatid niya. Samantalang siya ay halos mamatay na sa antok pag-uwi galing sa trabaho na inaabot siya hanggang alas nuwebe ng gabi. “Wen . . . Wen . . . Gising ka pa ba, Anak?” Natigil ang kanyang hakbang nang kanyang narinig ang boses ng kanyang ninang Loina. “Ni-ninang, sandali lang po.” Mabilis niyang tinungo ang pinto at binuksan iyon. “Ninang. Ano po a—” Laking gulat niya nang makita ang step daughter nito na kilalang kalapating mababa ang lipad sa kanilang lugar. Samantalang isa namang bugaw ang kanyang ninang. Kahit ganoon ang trabaho ng mga ito ay ni kailan ay hindi niya ito hinusgahan. Ang talagang ayaw lang talaga niya ay ang masamang ugali ng step daughter nitong si Dalina. Ang labis naman na umani ng kanyang respeto ay ang ninang niya. Dahil simula noong naulila sila ay panay ang bantay nito upang ’wag siyang pumasok sa trabaho ng mga ito. Ito rin ang naghahanap ng matinong trabaho na maaari niyang pasukan. Hindi niya alam kung ano ang dahilan nito. Kaya ay inisip niyang mabait lang talaga ito at hulog ng langit sa kanilang magkakapatid. “Hello, Wenona! Kumusta ang pagbebenta ng laman, nasiyahan ka naman ba?” “Dalina!” Agad naman siyang naalarma sa galit na boses nito. “A-ayos lang po, Ninang Loina. Parang bago po kayo kay Dali. Hindi na po kayo nasanay sa mga biro niya. Pu-pumasok po muna kayo sa loob. Doon po tayo mag-usap,” wika niya sabay pilit na ngumiti. Nilakihan niya ng bukas ang pinto upang makapasok ang mga ito. “Hindi na, Anak. Nais lang kitang kumustahin. Pasensya ka na sa pangit na tabas ng dila nitong si Dali,” anito at pinisil nang bahagya ang kanyang mga palad. “Promise po, Ninang. Ayos lang talaga ako. At promise ko rin. Hindi talaga ako papasok sa bagay na alam kong masasaktan ka. Ako pa rin po si Wenona mong NBSB at wala pang first kiss katulad noon.” Malapad siyang ngumiti at napailing naman ito. “Ikaw talagang bata ka. Napaka maloko mo. Oh, siya. Basta ha. Kung ano man ’yan. Sana ay hindi ka mapahamak. Mahal kita at ayaw kong multohin ng mga magulang ninyo ’pag may nangyaring masama. Okay?” Niyakap siya nito. Kitang-kita naman niya ang halos umuusok ng mata ni Dali. Iyong tipong kung nakakasunog ang titig na ’yon ay malamang abo na siya. “Opo, ninang. Ayos lang po ako. At tulad nang dati, ikaw po ang unang makaalam ’pag kailangan ko ng tulong.” Hinimas niya ang likod nito at bahagyang ti-napped. “Puwede ba! Ang corny ninyo. At alam kong nagmimilagro ka, babae. Makikita mo. Patutunayan ko sa lahat na hindi ka naiiba sa ’min. Walang sino man ang nakakakuha ng pera nang gano’n kadali! Tandaan mo ito, lagi lang akong nagbabantay sa—” “Tumahimik ka na. Kung hindi ay makakatikim ka na talaga!” singhal ng kanyang ninang. “Ninang, please. Ayos lang po talaga. Wala po akong dapat na ikagalit. Hangga't hindi ko po sinasabi kung saan nanggaling iyong pera na ginamit ko ay may karapatan po na mag-isip ang sino man nang masama tungkol sa ’kin. Karapatan nila ’yon. At wala akong magagawa.” “Pero kahit na. Kilala kita, Wenona. Ikaw ang pinakamabait na batang nakilala ko. At ayaw kong masira ka. Mawawasak ang puso ng bestfriend ko. Ang mama mo.” “Promise po. Walang mangyayari na masama. Trust me, ninang.” Huminga ito nang malalim at tumingala. “Oh, sige. Aalis na ako. May duty din si Dali.” “Mag-ingat po kayo. I love you po, ninang.” “Ang sagwa ninyong pakinggan!” bulalas nito at nauna ng maglakad. Nag-wave naman ng kamay ang ninang niya bago tuluyang nawala sa kanyang paningin. Kahit nakaalis na ang mga ito ay nanatili pa rin siyang nakatayo sa pinto ng kanyang bahay. Naiwan ang katanungan sa kanyang isipan na tungkol sa pagbebenta ng laman. Wala sa sariling niyakap niya ang kanyang katawan. “Ngunit paano kung ganoon nga iyong ginagawa no’ng babaeng tumulong sa ’kin? Paano kong pagbebenta nga talaga iyon ng laman?” Unti-unti niyang isinara ang pinto at naglakad pabalik sa maliit nilang silid. Hindi muna siya tumabi sa mga kapatid. Bagkus ay pinagmasdan niya ang mga ito. Marahan siyang kumilos at tumabi sa bunso nila. ‘Ngunit paano kung tulad ng nangyari kina mama at papa ay mawala rin ako bigla? Paano kung bukas o sa makalawa ay wala na ako? Paano kayo? Masyado pa kayong mga bata . . . Hi-hindi ninyo kakayanin. Alam niyo bang kayo ang naging lakas ko upang lumaban sa buhay? Hindi tayo dapat manatili sa ganito. Kung mawawala man ako, ’yon ay kung nasa maayos na kayong kalagayan. Kaya bukas, good or bad, susubukan ko,’ She whispered inwardly at pinahid ang mga luhang bumasa sa namumula niyang pisngi. Hinalikan niya muna ang noo ng mga kapatid bago nahiga at nagsimulang pumikit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD