Chapter 1

1779 Words
Mahigit tatlong taon na mula ng kumalat ang kakaibang infectious disease, ito ang Severe Acute Respiratory Syndrome Corona virus o sa madaling salita ay Covid-19. Ang sakit na ito ay kumitil at nagpahirap na nang mahigit isang milyong katao sa buong mundo. Ang sakit na sanhi ng virus na ito ay nagreresulta ng lagnat, ubo, pagkawala ng panlasa, hirap sa paghinga at kung minsan ay humahantong pa sa kamatayan. At nitong nakaraang tatlong buwan lang nang sa wakas ay natapos na ang halos tatlong taon na pakikipaglaban ng mga tao sa bagsik ng Covid-19. Nobyembre 26, 2021, nang sa awa ng Diyos ay naging Covid-free na ang buong Pilipinas sa tulong ng mga vaccine na nagawa ng China, US, Germany, at Britain. Lahat ng tao ay hindi na kailangan pang magsuot ng facemask, nakakapasok narin sa eskwelahan ang mga bata at marami naring turista ang dumadayo sa Pilipinas para mamasyal. Bumalik muli sa normal na takbo ang buong mundo o...... iyon ang inaakala nila? ~ Pebrero 26, 2022 na sa kasalukuyan. Mayrong mga malalaking selebrasyon na nagaganap sa ilang parte ng Pilipinas para sa ika-tatlong buwang matagumpay na pagpuksa sa sakit na Covid 19. Nagkaroon ng palaro ang iba't ibang school sa kanilang mga estudyante at nagkaroon rin ng pa-raffle at bonus ang mga kompanya sa kanilang mga empleyado. Habang nasa gitna ng kasiyahan ang lahat ay biglang nagkaroon ng live broadcast ang 24/7 News sa channel 15. Nakatungtong sa platform ang Presidente ng Pilipinas na si Alfredo Garcia, ang mukha ng presidente ay nababalutan ng pangamba, dahilan para mag-iwan rin ito ng pangamba sa lahat ng Pilipino. Kilala kasi ito bilang puno ng pagmamahal sa nasasakupan. "Isang mataimtim na tanghali sa inyong lahat." Nakangiting pagbati ng presidente pero bakas parin sa mukha nito ang nakakapangambang aura. "Sa totoo lang, hindi ko po alam kung paano ko sisimulan ang balitang ito. Ayoko po na mag-panic at magkagulo tayo.... ngunit kinalaingan ko pong ipaalam sa inyo sa lalong madaling panahon ang isang nakakalungkot at nakakatakot na balita, para una palang po ay maging alerto na tayong lahat" Nagpakawala ng malakas na buntong hininga ang pangulo. Kapansin-pansin rin ang mahigpit nitong pagkakahawak sa mikropono. "Mayroon po tayong mas malalang dapat kaharapin ngayon, at triple itong mas malala sa Covid-19 na kumitil na sa maraming bilang ng tao sa buong mundo. Kahapon lang ng malaman namin ang balita tungkol sa C-vaccine na pinroduce ng China, ang vaccine na ito ay lalo palang nagpapalala sa Covid virus na nasa katawan ng tao, na nagdudulot ng pangingisay at pagkawala sa katinuan. Si Chao Xiang, ang kilalang doktor sa China at ang kauna-unahang naturukan ng C-vaccine ay nagkaroon ng matinding pangingisay noong Enero 23 at wala pang ilang minuto ay nawala raw ito sa katinuan at naging agresibo. Ang matalik ko namang kaibigan na isang doktor, na isa sa naunang naturukan ng C-Vaccine ay kasalukuyang nasa isolation room ngayon. Kaninang umaga lang ng bigla nalang itong nawala sa katinuan at nanakit ng mga nurses sa St. Catherine Hospital. Nakakapagtakang naging bayolente rin ang isang nurse na nakagat niya pagkalipas lang ng isang oras. Hindi lang ang China at ang bansa natin ang nakakaranas ng ganitong pandemya, marami naring bansa ang may ganito nang cases." "At magagawa po natin itong makontrol kung ibibigay niyo po ang buong partisipasyon niyo para maaga palang po ay masugpo na natin agad ang papausbong na pandemyang ito." saglit na lumanghap ng hangin ang presidente bago nagsalita muli. "Kaya hinihingi ko po ang partisipasyon ng mga taong nabakunahan ng C-vaccine, mangyari lang pong sumama kayo ng matiwasay sa mga rorondang sundalo at kung maaari ay kusa kayong lumapit sa amin. Hindi po namin kayo sasaktan, oobserbahan lang po namin kung may magiging pagbabago sa kilos niyo. Ang lahat rin po ay hindi pinapayagang lumabas ng bahay hanggang walang pang hudyat at pahintulot na galing sa gobyerno. Kami muna pansamantala ang sasagot sa lahat ng mga kakailanganin niyo sa bahay." bahagyang tumikhim ang presidente. "Sa atin po ngayon nakasalalay ang kapakanan natin at nang ating pamilya." natapos ang live broadcast. Napuno ng bulungan ang buong Pilipinas. Lahat ng tao ay takot lalo na ang mga taong nabakunahan ng C-Vaccine. Hindi alam ng mga taong naturukan ng naturang vaccine ang kanilang gagawin, kung isusuko ba nila ang kanilang sarili sa gobyerno o lulusutan at tatakbuhan ang mga ito? ALYSON POV Ala-una palang ng hapon, pinauwi na agad kami ng school pagkatapos ng naging live broadcast kanina ng Presidente. Kailangan raw na bago sumapit ang ala-sais ng hapon ay buo na ang buong pamilya sa loob ng bahay dahil magsisimula na raw rumonda ang mga sundalo para dalhin ang mga nabakunahan ng C-Vaccine sa mga Isolation Facilities. Isang iglap lang ay naging mahigpit na agad ang gobyerno, hindi kami pwedeng lumabas ng bahay hanggang hindi natatapos ang pagkuha sa mga taong kailangang obserbahan. Huhulihin raw ng mga sundalo ang mga taong makikita na nasa labas ng bahay. Napabuntong hininga ako. Ang magulang ko kasi ay parehong naturukan ng C-Vaccine noong October 2021. Kaya siguradong kailangan nilang sumama sa mga sundalo na darating. Natatakot ako na baka magaya sila sa mga doctor na nabanggit ng Presidente sa live broadcast. "Ma, Pa. Mag-ingat po kayo, tawagan niyo po agad kami ni Adrien pagkadating niyo sa Isolation room" Paalala ko sa kanila. Kasalukuyan naming hinahanda ang mga kakailanganin nila sa Isolation room. Pinagmasdan ko ng maigi sina Mama at Papa. Mukhang kalmado sila at wala rin bahid ng takot. O baka naman pinapalabas lang nila na ayos lang sila dahil ayaw nilang mag-alala kami ni Adrien? Napailing nalang ako sa sariling isipin. Ayokong lamunin ng mga negative thoughts! A few minutes later.... Kakatapos lang namin sa paghahanda nang may marinig kaming apat na katok sa pinto. Si Adrien ang nagbukas ng pinto. Sumalubong sa amin ang apat na armadong mga sundalo, na may mga dala-dalang malalaking baril at naka-full gear pa. Biglang tatakbong nagtago sa likuran ni Papa si Adrien. "Magandang gabi po sa inyo" Bati sa amin ng mga sundalo "Nandito po kami sa utos ng Presidente. Maaari ba naming makita ang vaccination card niyo?" Isa-isa naming inabot ang vaccination card sa kanila. "Mrs. at Mr. De Verano, sumama po kayo sa amin. Kailangan niyong ma-obserbahan." Nagyakapan muna kami bago sila dinala ng mga sundalo sa truck na lulan ang mga taong nabakunahan rin ng C-Vaccine. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari. Sobrang bigat ng loob ko habang pinagmamasdan ko ang pag-alis ng truck kung saan nakasakay sina Mama at Papa. "Ate, kailan babalik si Mama at Papa?" nakatingalang tanong sa akin ni Adrien. Nagkibit balikat nalang ako, hindi ko rin kasi alam kung kailan sila babalik pero sigurado ako na matatagalan iyon. Hindi kasi malabong mangyari kina Mama at Papa ang nangyari sa mga doktor na nawala sa katinuan. Paano nalang si Adrien kapag tuluyan nang nawala sa sarili ang magulang namin? Makakaya kaya ng isang anim na taong gulang na magkaron ng baliw at bayolenteng magulang? Baka nga maski ako ay hindi ko kayanin. Napabuntong hininga ako. Para makaiwas sa masamang isipin ay naisipan ko nalang na magluto para sa hapunan namin ni Adrien. Pagkatapos kong magluto ay naghain na ako ng dalawang plato sa lamesa. Akmang tatawagan ko na si Adrien para kumain nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot ng makita kong si Carlo ang caller, na kaibigan ko. "Hoy babae! Alam mo na ba 'yong latest chika?" napairap ako. Ayan na naman po siya.... "Wala na akong oras sa mga ganyan, Carlo. Ang dami nang problema ng mundo kaya huwag na tayong dumagdag pa. Pwede po ba?" "Pwede naman kaso hindi pa siguro ngayon." napaismid ako. "Ano na naman bang kailangan mo?" "Ganito kasi, girl. Alam mo bang may mga nakabantay nang mga sundalo sa bawat barangay? Sigurado ako na may fishy na talaga na nangyayari na hindi sinasabi sa atin! Sobrang dami naring lumalabas na sabi-sabi sa social media at feel ko makatotohanan yung nabasa kong article na posible raw na magkaron ng Zombie Apocalypse ngayong taon. " Napailing ako sa sinabi niyang 'yon. "Kalokohan nila! Huwag ka ngang magpapaniwala sa mga nakikita at nababasa mo lang sa social media. Saka ka kamo maniwala kapag nakita na mismo ng dalawang mga mata mo" "Aba mas mabuti na 'yong handa ka noh! Ayaw kong intayin pa ang pagkakataon na makita ng dalawang mata ko ang isang bagay bago ako maniwala. Baka kasi bago ko pa iyon makita....huli na pala ang lahat, end of the world na pala." frustrated na napakamot ako sa batok. "Chismis nga lang yan, di ba? It means fake yan at gawa-gawa lang. Hindi yan totoo! Kaya huwag mo nang aksayahin ang oras mo diyan!" Halos mapaos na sigaw ko. Hindi ko alam kung bakit nati-triger ako sa mga pinagsasabi niya kahit na malabo namang mangyari ang mga iyon. "Excuse me! Lahat yata ng nasagap kong chismis ay lumalabas na totoo pala! Tulad nalang nga nung kay Janella Salvador at yung kina Gerald at Julia------ " "So iniisip mo na magkakaron ng zombies dito? Carlo naman! Don't over exaggerate things! Alam mo kakanood mo lang yan ng Happiness, e'. Kahit na magka-zombie apocalypse pa dito hindi ka magkakaroon ng sarili mong Jung Yi-hyun!" . "I'm not exaggerating! I'm basically saying the possibilities. At base rin iyon sa observation ng scientist sa article na binasa ko, maiihalintulad raw ang naging kilos ng mga doktor sa mga zombies na napapanood natin. Di ba narinig mo rin naman na yung nurse raw na nakagat nung doktor ay naging bayolente rin?" Inis na nagbuga ako ng hangin at napahilot sa aking sentido. Kahit kailan talaga lagi akong hinahawaan ng negative vibes at thoughts nitong si Carlo. Kanina ko pang pinapakalma ang sarili ko mula nang kuhanin sina Mama at Papa ng mga sundalo, tapos ngayon ay inuubos pa niya ang pasensya at natitirang pagtitimpi ko. "Sige bye na nga! Ayokong sayangin ang oras ko na patulan ka." Akmang pipindutin ko na ang end call button ng humirit pa si Carlo. "Pero alam mo buti nalang hindi C-vaccine ang itinurok sa akin kasi kung nagkataon baka makatulad ako sa dalawang doctor na binanggit ni Mr. President. Buti nalang talaga galing sa Germany ang itinurok na vaccine sa akin." bigla akong natigilan sa sinabing iyon ni Carlo. Biglang umigting ang pagkakahawak ko sa cellphone ko. "Hindi porke nangyari yun sa kanila eh mangyayari narin yun sa iba pang naturukan ng C-vaccine! Ah basta! Bahala ka na sa buhay mo kung ano-anong naiisip mo!" inis na pinatay ko ang tawag at napasabunutan ko ang buhok ko sa inis. Bwisit talaga si Carlo! Dinagdagan pa ang isipin ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD