"YOU know, it's your fault. Sinabi ko na sa 'yo, just pick from one of your girls para wala na tayong problema," paninisi niya kay Kier. "Then what, itatakwil ako ng parents ko?" "Duwag," she taunted. Humalukipkip ito at humarap sa kanya. "Bakit hindi na lang ikaw ang maghanap ng lalaking ipapakilala bilang lover mo?" Natigilan siya. Biglang pumasok sa isip niya si Drix–ang younger brother ni Ma'am Cora at pinsan din ng kaibigan niyang si Kim. Drix is gay, pero lalaking-lalaki manamit, kumilos at magsalita. Kaibigan na rin ang turing niya rito. Pero naisip niya, baka ipagkanulo siya nito kapag nakita si Kier. Mahilig pa naman 'yon sa guwapings! Pero wala naman siyang ibang lalaking pwedeng pakiusapan na magpanggap bilang lover niya. Hmm... pwede na si Drix! Tumatango na sabi niya sa i

