Chapter 1

1050 Words
"FAT!" Nanigas ang katawan ni Fatima. Napahigpit ang hawak niya sa tali ng aso. Inilalakad niya ang kanyang aso nang umagang iyon. Ito ang kanyang paraan ng pag-eehersisyo. Iyon nga lang marami pa rin ang pahinga. Ilang hakbang lang, hinihingal na siya. "Fat!" Aba't inulit pa talaga! Nagpupuyos ang kalooban na ikinuyom niya ang mga kamay. Nakita niya ang isang bato. Mabilis niyang dinampot iyon at ibinato sa nagsalita. Tumama ang bato sa nakaparadang kotse. Subalit ang ikinagulat niya ay nang makitang hindi naman sa kanya nakatingin ang lalaki, kundi sa isang pusang tumatakbo palayo. Kaya pala kumakahol ang aso niyang si Beauty! "Bakit mo ginawa 'yon?" magkasalubong ang kilay na tanong sa kanya ng lalaki. "Inasar mo ako, e!" taray-tarayan niyang sagot. Tikwasan ang makakapal niyang mga kilay. "Paano kita inasar, aber?" Humakbang palapit sa kanya si Kier. Si Kier Williams ay nag-iisang anak ng kaibigan ng mga magulang niya. At best friend pa ng Kuya Tristan niya. Si Kier lang naman ang mortal enemy niya. Simula pa yata nang matuto silang magsalita at maglakad ay hindi na sila magkasundo. Asaran dito, trip-trip doon. "Tinawag mo akong Fat!" "Hindi naman ikaw ang tinawag kong Fat. Hayon!" Tumulis ang nguso ni Kier. Nasundan niya ng tingin ang inginuso nito. Nakita niya ang malusog na pusa na nakahiga sa damuhan. "Pati ba naman kawawang pusa idadamay mo sa kalokohan mo. Tigil-tigilan mo nga ako, Karpo!" "Kier!" pagtatama nito sa pangalan. "Ang pogi ng pangalan ko, gagawin mong mabantot." "Eew! Whatever..." With matching paikot ng mga mata niya. "Fatty ang pangalan ng pusa namin. Babalikan kita," anito at mabilis na sumakay ng kotse. Hindi siya nakaimik. Sumunod na lang ang paningin niya sa papalayong kotse. Sunod-sunod din ang paghinga niya nang malalim. Kumahol si Beauty. Nalipat ang tingin niya sa kanyang aso. "Kasalanan ko ba 'yon? Hindi naman 'di ba?" Kausap ang alaga niyang aso. Kumahol ito na akala naman ay naiintindihan siya. "Sa talaga namang tinatawag niya akong Fat o taba noon, magpahanggang ngayon at sa susunod pang panahon. Beauty, saksi ka sa mga panlalait sa 'kin ng kurimaw na lalaking 'yon at kung paano niya ako paiyakin sa pang-aasar!" Hinimas niya ang ulo ng alaga. Kumakawag naman ang buntot nito. "Bahala na nga siya sa buhay niya." Inayos niya ang dog collar ni Beauty. "Let's go!" Humakbang siya. Sinabayan ng aso ang kanyang kilos. MARAMI ng tao sa Amusement Park ng Wellington. Malawak ang park na kabubukas pa lang tatlong buwan nang nakalilipas. "Fatima!" Bahagya siyang nagulat nang marinig ang pagtawag sa pangalan niya. Si Lucas ang nalingunan niya. Kaibigan din ito ng Kuya Tristan niya. Nangunot ang noo niya nang makita ang mga kasama nito. Apat na matandang babae at dalawang matandang lalaki. Nakakasilaw ang kulay dilaw na ternong kasuotan ng mga ito. "Kailan ka pa naging Zumba Instructor, Lucas?" "Ngayon lang!" masaya ang awra na sagot ni Lucas. "Umalis kasi si Tita Trinidad. Alam mo naman na isa akong choreography. Halika, sumama ka sa' min." "Magkaiba naman 'yon. Baka mabalian pa sila ng mga buto sa sayaw na ituturo mo," sabi niya. Binati niya ng magandang umaga ang mga elders na kasama nito. Balak pa yata ipahigop ni Lucas ang youthfulness ko! "Halika, sumama ka sa 'min. Para naman bumata ang pakiramdam nitong mga estudyante ko," pamimilit na sabi nito sa kanya. "Para mabawasan na rin ng isang kilo ang alaga mong taba sa katawan." "Tse! Namintas ka pa!" Inirapan niya ito. "Umalis ka na nga sa harapan ko." Tumatawang tinalikuran na nga siya ni Lucas. "Mga lolo, lola, galaw-galaw! Ipalo ang balakang sa kaliwa at sa kanan!" sigaw pa ni Lucas na umabot pa sa pandinig niya. Akmang uupo na siya sa wooden bench na naroon sa park nang may marinig siyang nagsalita sa likuran niya. "Nagasgasan mo ang pinto ng kotse ko." "Hindi ko na kasalanan 'yon" Hindi na siya umupo. Hinila niya ang tali at parang taong kinausap ang aso. "Umuwi na tayo bago pa masira ang buong araw ko." Humakbang siya. Nilagpasan niya si Kier. "Anong hindi mo kasalanan? I saw you, binato mo ang kotse ko!" Humabol si Kier sa kanya. "Tinawag mo ako sa pangalan ko!" Nagpatuloy siya paglalakad. Para ngang biglaan siyang nagkaroon ng stiff neck, deretso lang ang kanyang paningin. "Kailan pa naging 'Fat' ang pangalan mo? Sa pagkakaalala ko, ikaw si Fatima. Medyo magkatunog nga lang ang pangalan mo sa salitang fat o taba." Tumigil si Fatima sa paghakbang. Naningkit ang mga mata niyang hinarap ang lalaki. "See? Madalas mo akong tawagin sa pangalan na 'Fat.'" "Nagasgasan ang kotse ko kaya dapat lang na bayaran mo." "Haller? Ano ka, sinusuwerte?" Hindi siya nagpakita rito ng kahinaan. Baka iumpog niya pa ito sa nangangalit niyang taba sa braso. "Wala akong kasalanan sa iyo! Ikaw itong lagi akong iniinsulto. Akala mo siguro nakakatuwa ka. Karma mo 'yan!" "Pero sinadya mong batuhin ang kotse ko!" Nakasunod pa rin ito sa kanya. "Hindi ko gagawin 'yon kung hindi mo ako ininsulto. Panira ka sa araw ko, promise!" "Ang pusa naming si Fatty ang tinatawag ko, hindi ikaw. Weird kang mag-isip. Akala mo lahat ng sinasabi ko patungkol sa 'yo. Palibhasa kasi, mataba ka kaya agad mong inisip na ikaw ang tinatawag ko. Masyado kang guilty, e." "Aba't-hmp!" Nag-inhale at exhale siya. Kalma lang myself! 'Wag mo nang patulan ang kurimaw na 'yan. Hinga nang malalim... Kailangan kontrolin niya ang sarili. Lalo siyang pagtitripan ni Kier kapag naramdaman nitong nagagalit na ang brain cells niya. "Uy, Fat! Este-Fatima!" "Sige, insultuhin mo pa ako at hindi lang 'yon ang mangyayari sa kotse mo!" May nakita siyang bato. "Mamili ka, dadagdagan ko ang gasgas o babasagin ko ang bintana ng kotse mo?!" "Hey! Put that down!" "Ayoko!" Mataba siya. Matangkad naman si Kier. Hanggang balikat lang siya nito. Hindi niya napaghandaan ang pagdaluhong nito sa kanya. Nagawa nitong maagaw ang bato sa kamay niya. To the rescue naman si Beauty, ang alaga niyang aso. Iniwasan ni Kier na maapakan ang alaga niya kaya na-out of balance ito. "Kier!" Nanlaki ang mga mata niya. Sinubukan niyang hawakan ang damit nito ngunit huli na, napahiga na ito sa damuhan. Pati siya nadala rin dahil mahigpit niyang hawak ang damit nito. Sa ibabaw ni Kier bumagsak si Fatima. Off all places!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD