RYAN DELA CRUZ Habang nasa restroom si Wynter, naramdaman ko vibration ng cell phone ko sa bulsa. Kinuha ko 'yon at nakita kong si Dan ang tumatawag. Alam kong hindi kami magkakaintindihan dito sa loob kaya nagdesisyon muna 'kong lumabas sa club. Tutal nagbilin naman ako na kapag hindi niya ako naabutan sa puwesto namin, maghintay lang siya. Saglit kaming nag-usap ni Dan. Nagbilin lang siya tungkol sa plane ticket namin na sinend na raw niya sa email ko. Pati ang tungkol sa sasakyan, sinabi niyang pag-alis namin sa isang araw, pupunta sa hotel ang may-ari para ito na rin daw ang maghatid sa 'min sa airport. Sinabihan niya rin ako na kung kailangan pa namin ng extra budget ni Wynter, magsabi na agad ako dahil nasa airport na raw siya, para makapag-send siya agad bago siya pumasok sa loob

