WYNTER JUAREZ Saglit kaming nakiramdam ni Ryan sa naging pagkatok ng isa sa mga anak ni Keycee. Nang hindi na iyon naulit ay nagdesisyon na akong umalis sa ibabaw niya. Ngunit bago pa man ako makaalis, pinigilan na niya ako. "No. Mamaya na. Hayaan mo sila sa labas. Tapusin muna natin 'to." His hands on my waist, doon niya ako hinawakan para hindi ako makaalis. "Ryan, baka hinihintay na nila tayo sa labas. Nakakahiya," I said quiety. "Ten minutes. Just give me ten—" Knock, knock, knock! He was interrupted by another knock on the door. At kitang-kita ko sa mukha niya ang sobrang pagkainis. "Tita Wynter! Tito Betlog! Kakain na raw!" muling sigaw ng nasa labas. "Bwisit na Hope 'yan. Sarap ibitin..." inis na bulong ni Ryan bago siya sumigaw para sumagot sa pamangkin niya. "Sandali! Sus

