WYNTER JUAREZ "Ano na'ng balak mo, Ryan?" malumanay na tanong ni Keycee habang tinutungga ni Ryan ang alak sa kaniyang baso. Alas onse na ng gabi, tulog na ang mga bata. Kami na lamang ang gising, magkakaharap at umiinom dahil ang inaakala naming staycation na makakapagpa-relax sana sa amin, biglang nagdulot ng stress kay Ryan, at isipin naman sa amin. Bakit? Kaninang hapon kasi, plano sanang mag-upload ni Ryan ng pictures sa mga social media niya. Ngunit hindi niya nagawa dahil isa man sa mga account niya ay hindi niya mabuksan. And according to Sir Ace, it was hacked. Lahat ng social media ni Ryan kung saan mayroon siyang lubu-libong followers. Iyon ang dahilan kung bakit tila sinukluban siya ng langit at lupa ngayon. Dahil ang sabi niya, hindi raw p'wedeng mawala ang mga account ni

