WYNTER JUAREZ Daig pa minamartilyo ng ulo ko sa sakit nang magising ako. Ni hindi ko magawang ibangon ang katawan ko sa malambot na kama kahit silaw na silaw na ako sa liwanag na nanggagaling sa bintana dahil sa pagkakahawi ng kurtina. "Monet...'yung kurtina..." bulong ko, kasabay ng pagpikit muli ng mga mata ko dahil sa sobrang liwanag. Sino kaya humawi no'n? Hindi kasi ako sanay na umagang-umaga ay liwanag ang madadatnan ko. Napakasakit sa mata. At hinding-hindi ko rin ugali mag-iwan ng kurtinang nakahawi. "Monet!" Kahit inaantok pa, sinikap ko ulit siyang tawagin para ipasara ang kurtina. Ilang sandali pa, may narinig na akong yabag ng paa sa kwarto. Ngunit sa halip na hawiin ang kurtina pasara, mas lalo niya pa iyon binuksan. Kahit nakapikit kasi ako, parang ramdam ko na mas lalon

