Chapter 88. She Doesn't Remember

1909 Words

WYNTER JUAREZ "Ryan?" Binuksan ko ang pinto ng kaniyang kwarto at malakas ko iyong itinulak. Naabutan kong maayos ang kama, malinis ang paligid at wala ang mga gamit niyang palagi kong nakikita sa tuwing maglilinis ako rito sa kwarto niya. Tumatahip ang dibdib ko ngunit pinilit kong ihakbang nang mabilis ang mga paa ko palapit sa kaniyang cabinet, hoping na sana ay naroon ang mga damit niya. Ngunit may kung anong namuo sa dibdib ko at lalamunan nang makita kong malinis din iyon. Wala ni isang damit ang naiwan. "Ryan!" Mabilis akong tumakbo palabas sa kwarto niya. Nag-uulap ang mga mata ko sa luha. Sabi niya pupunta lang siya kina Peter? Bakit wala na lahat ng mga gamit niya? Dumiretso ako sa kusina. Wala siya. Sa sala, wala rin. Kahit saang sulok ng bahay ay hindi ko nakita maski

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD