RYAN DELA CRUZ 10 am na. Nasa backyard kaming lahat, sa maluwang nilang pergola dahil dito nagpahanda ng meryenda si Kuya Asyong. Meryenda lang dahil nag-almusal naman kami kanina sa bagay bago umalis. Nakapuwesto kami sa isang pabilog na mesa. Katabi ko si Wynter at magkatabi rin si Kuya Asyong at Keycee, tapos ang mga anak nila. Pero nasa kabilang side ko si Hope. "Vlog na us. Tapos naman na tayo kumain," baling ko sa tatlong kurimaw. "Ano gagawin natin, Tito Betlog?" As usual, si Hope ang kauna-unahang nagtanong habang nakangiti pa sa 'kin. Hindi naman kasi ngipin ni Faith ang content ko dapat kanina. Isiningit ko lang 'yon. Ang original na gusto ko talagang gawin kasama silang tatlo ay paligsahan sa tula. "Simple lang." Nakangiti kong dinukot ang wallet sa likuran kong bulsa at n

