Chapter 21 Ilang araw na rin siyang nakakulong sa buong mansion ng Gobernador. Nababagot man ay wala siyang magawa. Miss niya na ito kahit galit na galit ang Gobernador sa kanya. Wala ng naglilinis sa mansion kaya siya nalang ang naglinis. Hindi rin siya pinadalhan ng bagong pagkain. Marami pa naman sa ref dahil wala siyang ganang kumain. Nakatanaw lang siya sa bintana at nakatulala. Ni anino ng Gobernador ay hindi na niya nakita. Hindi niya alam kung paano makakatakas sa hawla ng Gobernador. Nabigo siyang malaman kung nasaan ang kanyang Ate Naomie. At pati siya ay namemeligrong hindi na rin makabalik! Naghihintay sa kanila ang kanilang Nanay at bunsong kapatid. Napakurap-kurap ng kanyang mga mata si Jane Rose ng makitang dumaan si Eugene. Bigla siyang nagkaroon ng pag-asa at sabi

