VIVIAN DE VERA Isang araw na ang nakakalipas at hindi pa rin ako kumportable sa lugar na ito. May mga dumadating sa supplies sa pinto ng bahay at hindi namin alam kung sino ang naglalagay niyon doon. Sa oras na lumabas kami ni Olivia sa balkonahe ay tinitingnan kami ng ilang tagabantay kaya pumapasok din kami agad sa loob. Tinangka ko rin na kumuha ng mga litrato ngunit nagulat ako nang may sumita sa akin at hawakan ng mahigpit ang aking braso. Hinila ako ng lalaki pabalik sa bahay at patulak na pinasok ako roon. Sa sobrang takot at naiyak ako kay Olivia. Ngunit wala atang kinatatakutan ang babae na ito. Lumabas siya at sinigawan ang lalaki na gumawa sa akin niyon. “Ano?! Ano, ha?! Matapang ka lang naman dahil may baril ka, eh!” malakas na sambit ni Olivia habang pigil ko ang braso

